Chapter 2

95 9 0
                                    


Chad's Point of View

Nakaka inis talaga si Marco, ipina pa date pa ako sa iba. Eh, isa lang naman ang gusto kong i date at tumatakbo siya ngayon papunta sa direksyon ko.

"Hi Renn! Nagmamadali ka ata?" ang lapad ng ngiti ko ng makita siya. Hays. Ang ganda niya talaga.

Huminga muna ito bago mag salita. "May gagawin ka ba mamaya?" Tanong nito sa akin.

"Uhh.. parang wala naman. Bakit?" curious na tanong ko sa kanya.

"Good. Pwede magkita tayo after ng klasi sa likod ng school? May sasabihin lang sana ako sayo." sabi nito.

Natuwa naman ako. Baka magtatapat na siya sa akin?! Ibig-sabihin gusto niya rin ako?!
Hays.. Sana nga.

Ngumiti ako sa kanya ng pagka tamis-tamis.

"Sige. Magkita na lang tayo mamaya." sabi ko. Nag paalam na ito.

Hindi ko ipinahalata na masaya at excited ako. Sana maagang matapos ang klasi.

---

Sa likod ng school..

Papunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Renn medyo malayo rin at paakyat kaya natagalan ako.

pero hindi si Renn ang nakita ko. Isang cute na babae nakatayo malapit sa puno , nakatingin siya sa akin na parang nagulat din sa pagdating ko.

Na saan si Renn?
---

Chloe's 'Point of View'

Na saan si Renn?

At bakit si Chad ang nandito?
Naguguluhan ako.

T-Teka wag mong sabihing..

eto na ba yun? Tinutulungan na niya akong mapalapit sa kanya?

Nagtataka ang mga magaganda niyang mata habang nakatingin sa akin. Papalapit ito sa kanyang kinatatayuan.

"Wala pa ba dito si Renn?"tanong nito ng maka lapit.

Ang gwapo ng boses niya! Nakakakilig!

Pero teka? bakit si Renn ang hinahanap niya? Nandito naman ako.

"A-Ah e-eh.. h-hindi ko alam. P-Pinapunta niya rin kasi ako dito." Nakayuko ako habang nagsasalita. Nahihiya ako sa kanya. Grabi naman kasi! Sobrang lapit namin sa isa't isa at ang gwapo niya lalo sa malapitan!

"Ganun ba? Siguro pareho siyang may sasabihing importante sa ating dalawa." Bakit parang mukhang dissapointed ang itsura niya?

"S-Siguro.." sabi ko na lang.

Umupo na kaming dalawa sa ilalim ng puno. Papalubog na ang araw kaya pinagmasdan namin ito.

"Wow, ang ganda naman!" Di ko mapigilang mapahanga sa ganda ng tanawin, matagal na rin akong hindi nakakapunta dito kaya ngayon ko lang ulit nakita ang papalubog na araw.

"Oo, maganda nga." Biglang nagsalita rin si Chad. Tumingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin! Umiwas ako agad
. Nahihiya talaga ako. >//.\\<

"Nag bu'blush ka." Sambit ni Chad. Hinawakan ko ang pisngi ko, sobrang init ng mukha ko!
"Okay ka lang ba?" Tanong nito at hinawakan pa ang noo ko.

Mas lalo lang akong umiinit na parang sasabog ako ano mang oras! Ang lapit pa nang mukha niya!

"A-Ano.. k-kasi.. m-may sasabihin sana ako s-sayo!" Eto na ang tamang pagkakataon para mag tapat ako sa kanya. Hindi pwedeng masayang ang effort ni Renn para sa akin.

"A-Ano yun?" Kinakabahan din ata siya. Nakatingin lang siya sa akin. Pero ako hindi maka tingin sa kanya.

"G-G-Gusto k-kita. M-Matagal na!"
.
.
.

|Read | Vote | Share|

Happy reading madlang readers.

-Misakii x)

If You're not The OneOnde histórias criam vida. Descubra agora