Chapter 8

66 7 0
                                    


Chloe's POV

Saturday. 8:45am

Bilis ng araw. Saturday na! Bumangon ako agad at pumunta sa CR para maligo inabot ata ako ng 30 minutes sa banyo bago ako lumabas.

Kagabi pa ako namimili ng isusuot ko pero hanggang ngayon hindi parin ako tapos. Ano kaya ang magandang suotin para sa date? Hmmm...

Heto na lang kayang dress na to. Kinuha ko yun at isinuot.

Kulay Sky blue siya tapos my mga cute na bulaklak at butterflies ang design sa baba.
Basta cute! Wag na pong umangal.

Sinuot ko na yung doll shoes ko. Sinuklay ko narin yung buhok ko at nilagay yung white hair pin na my design na heart na bigay pa sakin ni Chad kahapon ng ihatid niya ako dito sa bahay.

May nakalimutan pa ba ako? Check ko na lahat, wala na siguro. Ok. I'm ready! Bumaba na ako.

Nakita ko si mommy sa kusina.

"Ma, alis po muna ako. May pupuntahan lang po ako." Tumingin naman ito sa akin.

"Saan ka pupunta anak? Bihis na bihis ka ha." Alam na nila na kami na ni Chad kaya hindi na ako nag aalinlangan na mag paalam.

"Magkikita po kami ni Chad ngayon, Ma."

"Ganun ba? Kumain ka muna ng almusal."

"Ay wag na po. Doon na lang po kami sa labas kakain. Salamat po,Ma" lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Mag ingat ka anak at wag mag pa gabi ha?"

"Opo!" Nag paalam na ako.

Tumingin ako sa relo ko. 9:45 na. 10am sabi niyang oras, sa isang Restaurant kami magkikita. Kaya binilisan ko pa ang lakad ko. Ayokong ma late sa first date ko , nakakahiya naman kasi yun.
——

Chad's POV

Saturday. 9:40am

Papunta na ako sa meeting place namin ni Chloe. Habang naglalakad parang may nakita akong pamilyar na mukha.

At hindi ako nagkamali. Si Renn yun. Nilapitan ko naman ito.

"Renn.. Renn.." tawag ko sa pansin niya.

Lumingon naman siya sa akin at nagulat.

"Bakit ka nandito? Diba my date kayo?" tanong nito.

"Oo nga, pero maaga pa. San ka ba pupunta?" tanong ko para ibahin ang usapan.

"Wala naman. Nag libot libot lang ako." Sabi nito at nag umpisa ng mag lumakad. Nakisabay ako.

Naka pulang blouse ito at naka jeans. Hindi talaga ito mahilig mag dress.

Tumigil kami sa isang bumibenta ng mga singsing necklace at iba pa. Tumitingin tingin naman siya sa mga singsing. Kinuha niya yung isang silver infinity ring ang design.

"Ale. Magkano po ito?" Tanong niya sa nagtitinda. Ang ganda talaga nito kahit saang anggulo.

"500 lang yan eneng."

"Whoa. Mahal naman po. Wala pong tawad?"

"Pasensya eneng. Wala na . nag iisa lang naman kasi yan jan." Sabi pa ng matanda.

Bumaling naman siya sa akin. "Ibili mo naman ako nito. Cge na. Birthday gift mo sa akin."

"Birthday mo ngayon?" Nagulat naman ako dun ha. Kaya pala naka pula siya akala ko trip niya lang eh.

"Oo ayaw mong maniwala?" Malungot yung expresyon ng mukha niya.

"Naniniwala na ako. Cge na ako na ang magbabayad wag ka ng malungkot." Sabi ko at kumuha ng pera sa walet ko.

"Thank you!" Nagulat rin ako ng bigla niya akong niyakap. Pero natauhan ata kaya bigla rin bumitiw.

Sinuot na niya yung singsing. Tuwang tuwa siya. Yung ngiti niya sobrang lapad. Naman! Naaakit na naman ako.

Wag ! My Chloe na ako! Teka si Chloe pala! Tumingin ako sa relo ko. OMG! 10:30 na? Ganun ba kami katagal magkasama ni Renn?! Traydor naman ng orasan na to!

"Aalis na ako Renn. Late na pala ako sa date namin." Biglang nawala yung ngiti niya sa labi. Nalungkot ba siya na aalis ako?

"S-Sige Chad. Ingat." sabi na lang nito.

Kumaway na lang ako at umalis. Pa tingin tingin ako sa relo ko. Naku! Sobrang late na talaga ako. Baka umuwi na yun.

Takbo, lakad ang ginawa ko.

Bakit parang ang dami naman atang mga tao sa paligid, my fiesta ba? Pero hindi masayang mukha yung nakikita ko sa kanila kundi takot at lungkot.

Papalapit ng papalapit ako kung saan kami magkikita ni Chloe pero padami ng padami yung mga tao yung iba hindi ma pakali. Ano bang meron?

"Kuya, ano pong nangyari dito?" Tanong ko sa napadaan na lalaking my idad.

"May nangyaring accidente jan sa tabi. Walang preno dw yung truck kaya na bangga.  saktong may babaeng kanina pa raw naka tayo malapit sa pinto ng— t-teka.."

Tumakbo na ako papunta sa lugar na yun. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

Oh God! please.! Wag naman sana!

Pinilit kong makisiksik sa mga nag kukumpulang mga tao hanggang sa makarating na ako sa harapan.

Saktong may ipinapasok silang babae sa ambulansiya at sinarado na nila ito at dali daling umalis.

Lalo ko lang na confirm na si Chloe nga yun ng makita ko yung hair pin sa pinangyarihan ng accidente, bigay ko yun sa kanya kahapon.  Sira na yung heart sa gitna nito.  Nanlumo ako sa nangyari kaya napaluhod ako.











"Chloe..!!!!!" sigaw ko habang umiiyak.

~*~*~

-Ohayou kiddos!

Date posted: april 19'2016
Time: 11:31pm

(SAD) by Misakii

Follow me @Airam_Del

Please vote..

If You're not The OneWhere stories live. Discover now