Chapter 12

43 3 0
                                    

Renn's POV

"Kumain kana, please?" Sinubuan ko siya ng pagkain, ni ayaw nitong ibuka ang bibig. Tulala lang ito sa kawalan. Buhay nga ang katawan, ngunit parang namatay na ang kaluluwa nito.

Napabuntong hininga na lang siya, saka tumingin sa bintana ng apartment niya.

3 years na silang nagsasama sa apartment ngunit hindi dahil sa may relasyon sila o kung anu pa man, tinutulungan niya itong maka move on at mabawasan ang hinanakit nito. Alam niyang hindi biro ang pinagdadaanan nito ngayon, sinisisi nito ang sarili sa nangyari ky Chloe.

Hindi ito nakapagtapos ng high school simula nang mangyari iyon.
Naging ganito na ito, hindi lumalabas, hindi kumakain.

"Chad, kung ganyan ka ng ganyan, wala namang mangyayari, walang magbabago Nangyari na ang nangyari. Mag move on kana."

Wala itong imik.

"Chad! Ano ba!" Niyugyog niya ito. "Gumising ka nga! Wala ka namang kasalanan! Aksidente lang ang nangyari! 'Bat mo pinaparusahan ang sarili mo ha?" Sa huli wala siyang nakuhang sagot dito. Tumayo na lang siya pero iniwan niya ang pagkain sa gilid ng kama kung sakaling gusto na nitong kumain.

Kumain na lang siya mag-isa sa dinning area, pero bigla my naramdaman siyang tumulo galing sa mata niya. Umiiyak na pala siya ng di namamalayan.

Masakit. Ang sakit sakit sa pakiramdam pagnakikita mo ang taong mahal at mahalaga sayo na nagkakaganun. Yes, mahal ko pa si Chad. Sa ilang taon na itinagal, tinatago niya lang ito at pilit niyang binubura sa isip at puso niya. Ni hindi pumasok sa isip niya na mag take advantage sa sitwasyon. Nirerespeto niya si Chad, lalong-lalo na si Chloe, ang matalik niyang kaibigan na para na niyang kapatid kung ituring.

6 years. Hindi niya inaasahan na ganun katagal ito ma coma. Noong una,  akala namin wala na si Chloe pero sa awa ng diyos, binigyan siya ng pangalawang buhay. Masasabing himala ang nangyari sa kanya.

Huling pagpunta niya sa hospital, last month. Pumayat ito, mahaba na ang buhok, at sobrang maputla na ito. Medyo nag matured ang itsura nito.

Sobrang na miss na niya ang kanyang best friend.  Natatakot siya na baka hindi na talaga ito magigising. Iniisip pa lang niya, para na siyang maiiyak, ang sakit sakit sa pakiramdam.

Naawa na rin siya sa pamilya ni Chloe, sila ang labis na nagdurusa ngayon sa nangyari, lahat ng ipon at yaman nila ay unti unting nauubos. Mas mahalaga sa kanila si Chloe kahit sa anumang bagay o pera sa mundo.

Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko na ang plato ko. Nagtungo muna ako sa kwarto ko, ganun pa rin si Chad, tulala.

Kaya matutulog na rin ako. Lumabas ako at dumeretso ako sa sofa. Doon ako natutulog, nakasanayan ko na rin kaya mabilis akong nakatulog agad.

Kina-umagahan. Maaga siyang nagising. Nagluto muna siya bago magbihis pang opisina.

Nagtungo muna siya sa kwarto niya para tignan si Chad.

Natutulog pa ito. Hinimas himas niya ang buhok nito, para itong batang paslit na mahimbing na natutulog. Pero kailangan niya itong gisingin para makasigurong kakain ito.

Naalala niya pa yung  high school life nila. Sabay sabay silang kumakain sa canteen noon.

*Flashback*

Masayang nag-uusap sina Chad at Chloe. Tinitignan niya lang ito habang kumakain. Lunch break nila ngayon at libre ulit ni Chad.

"Selos?" Biglang bulong ni Marco sa kanya.

Tinignan niya lang ito tsaka bumalik sa pagkain ang tingin.

Ayaw niyang isiping nagseselos nga siya. Pero hindi niya maiwasan na maramdaman na mag selos. Pilit niyang iniiwasan ito kung maari, gusto na niyang mawala kung ano man ang kanyang nararamdaman.

Pero paano? Kung ganun lang sana kadali iyon.

"Bes, Okay ka lang ba? My problema ba?" tanong ni Chloe, tulala pala ako sa kawalan. Umayos ako ng upo.

"O-oo, ayos lang ako. May iniisip lang." Sabi ko saka ngumiti at bumalik sa pagkain. Dapat maging masaya ako para sa aking kaibigan.

"Eh kasi nga nagse— aw!" Inapakan ko ng palihim ang paa ni Marco. Napaka chismoso niya.

"Anyare sa'yo pre?"

"W-wala. Hehe." Tsaka tumingin pa sa akin ng masama. Hindi ko na lang pinansin.

Hindi ako nagseselos. Well, konti lang naman. Pero masaya na rin ako para sa mga kaibigan ko. Iyon ang mahalaga.

*Flashback end*

"Chad, gising na. Naka handa na ang breakfast." Gumalaw lang ito pero tulog parin ata.

"Chad—" bigla siya nito hinila payakap. "C-chad? H-Hoy.. Ano bang—"

"Chloe.. Dito ka lang please?"

Bigla nakaramdam siya ng kirot sa puso sa narinig mula dito. Siguro pinapanaginipan nito si Chloe. Unti unting lumuwag ang pagkakayakap sa kanya at natulog ulit.

Sana nga ako na lang si Chloe.  Sana nga, ako na lang siya. Para di kana nahihirapan, hindi kana nasasaktan ng ganito.

If You're not The OneWhere stories live. Discover now