Chapter 15: Jessica

Magsimula sa umpisa
                                    

I tried to call her pag my chance ako. Kinaumagahan tinawagan ko na naman.

"Hello…"

Sinagot niya sa wakas.

"Asan ka na?! Hindi ka ba papasok? " Takte lang eh.

Inuna ko pa talagang tanungin kung papasok siya. Sana tinanong ko rin kung kumusta ba siya o okay ba sya.

"Wag ka ngang sumigaw. Di muna ako papasok. May pupuntahan ako. " medyo iritado ang boses niya.

May pupuntahan? Eh san pa siya galing ng lagay na yan dalawang araw na siyang wala.

"UY TIGILAN MO'KO HALEY SAAVEDRA HA! ANONG MAY PUPUNTAHAN?! KUNG ALAM KO LANG MAGMUMOKMOK KA NA NAMAN MAGHAPON SA CONDO MO. " e

Di ko napigilan ang sarili ko. Nakakainis kasi siya. Iiyak lang siya maghapon dun.

"C'mon friend, he doesn't deserve it. Wag mong pahirapan ang sarili mo. One thing more, may exam tayo mamayang hapon sa Psychology baka nakakalimutan mo. Pwede mong hindi pasukan yung iba pero please pumasok ka sa hapon para makakuha ka ng exam." nag aalala talaga ako sa knya.

Marami siyang kailangang habulin at pag aralan. My exam pa kami. 50 items. Hindi niya pwedeng mamiss ito.

"Sige, see you then. I'll take the exam." sa wakas napapayag ko din siya.

Kahit papano importante pa rin sa kanya ang pag aaral niya kahit na alam kong kahit na hindi siya makapagtapos ay mabubuhay pa rin siya ng maayos. Isa ito sa mga aim ni Haley, ang makapagtapos. Ito lang kasi alam niyang maituturing na achievement.

" Good!" natuwa talaga ako nun . "And Haley, I'll always be here, so please wag mo solohin yan." nalungkot ako ksi ayaw niyang mag open saken. Nakakatampo.

Tumahimik siya.

"Hey, are you still there?" akala ko binabaan na niya ako.

"Yeah.." mahinang sagot nito.

Yung boses niya parang iiyak na.

"I was so worried about you last night. Di kita macontact. Where were you?" iniba ko yung usapan.

"I'll talk to you later. Pababa na'ko ng taxi. " Ano daw? taxi?

Eh allergic sa taxi yan. Unless may emergency. Basta kailangang may mabigat na dahilan para magtaxi siya.

"Taxi? Wait? Asan ang kotse mo?"

" Nasa shop, pinaayos ko. "

"And so? Anong ginagawa ng iba pang mga kotse nyo?"

Marami silang sasakyan alam ko.

" Look Jess, I gotta go. See you later."

Binabaan ako. Hmmnnnn. Something Fishy. Parang umiiwas siya.

Pagpasok niya hindi pa rin siya ngkwento. Nagtampo talaga ko sa kanya. Pero hindi ko pa rin talaga siya matiis. Inintindi ko siya.

Problemado yung tao di ko dapat na pinipressure. Hanggang sa nakita ko siya sa likod ng school ng umaga na yun. Naisip kong pumasok ng maaga para magreview.

Mas gusto ko sa lugar na yun kasi wala talagang tao kapag maaga. Mas okay magreview dun kesa sa library. Favorite spot namin ito ni Haley.

Shocked ako kasi nakita ko siyang may kahalikan. Mas nashock ako nung makita ko na si Russell Sandoval yung lalaki na kahalikan niya.

Hindi nila naramdaman ang pagdating ko pa'no masyado silang engrossed sa ginagawa nila. Di ko lalam kung matutuwa ako o mag aalala para sa kanya. May girlfriend si Russell. Si Vanessa kaklase namin.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon