Chapter 18

11.3K 193 8
                                    

This chapter is dedicated to AngelicaSunga910

Welcome to the family

Saina's POV

Kinakabahan at pinagpapawisan ang aking kamay habang nakaupo sa likod ng itim na range rover ni Zelos. May kasama kaming isang bodyguard at pati na rin si Blake na kasalukuyang ipinagdadrive kami.


Tinignan ko si Zelos sa aking gilid pinagapang ko ang kamay ko papunta sa kamay nya at agad iyong hinawakan. Napatingin naman sya saakin nginitian ko sya, at alam kong nakikita duon ang kabang kanina ko pa nilalabanan.

Sinuklian nya naman ang ngiti ko at kaagad akong hinigit sa bewang. Ang matitigas nyang braso ay pumalibot saaking bewang.

"Kinakabahan ka pa rin? Basang basa kamay mo oh." Itinaas nya ang kamay kong hawak hawak nya.

"Sobra! Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon." Ipinatong ko ang ulo ko sa braso nya.

"Don't be. Hindi ganoon si mama at alam ko namang nameet mo nya sya during nung interview, right?" Isang tango lang ang isinagot ko. Naramdaman ko ang kainting pag kirot sa aking puson? Huh?

"Sina kuya mas mabait saakin. Lalo na si Cronus." Naiangat ko bigla ang aking ulo.

"Nanduon na ba ang mga kuya mo?" Mas lalo atang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"I don't know babe." Pagkatingin ko sakanya ay agad nya naman akong ninakawan ng isang halik.

Napangisi nalang ako dahil sa ginawa nya. Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman ko ang paghinto ng kotse. Malapit ng dumilim at kulay kahel na ang kalangitan. Malayo layo ang bahay ng mga magulang ni Zelos. Tumingin ako sa pabas at sumalubong saakin ang napakalaking bahay, ay hindi mansyon pala.

Halos puro salamin ang harap ng bahay makikita mo kung gaano kaganda ang bahay dahil sa liwanag nito. Sa bandang kanan naman ng bahay ay may isang malaking swimming pool.

Binitawan ko ang kamay ni Zelos at pinagmasdan ang kabuoan ng bahay nila. Nakakalula sa laki ang bahay nila Zelos, sobrang galing naman ng architect nila.

Hinaplos haplos ni Zelos ang likod ko, na sa tingin ko ay paraan nya para pakalmahin ako ng kaonti. Tumingin ako sakanya at ngumiti.

Bumaba na sya at agad naman akong pinagbuksan ng pinto ni Blake. And Zelos being possessive eh agad naman akong hinawakan ni Zelos sa bewang.  

Naglakad na kami patungo sa main door nila. Yung path way nila ay may ilaw sa gilid na nagbibigay liwanag sa daraanan namin. Sa gilid naman ay para syang garder dahil sa sobrang daming bulaklak, iba ibang uri.

Hinwakan ko ng pagkahigpit higpit ang kamay ni Zelos na nagapulupot saaking bewang. Habang papalapit ng papalapit ay mas lalong palakas ng palakas ang tibok ng aking puso. Padoble ng padoble ang kabang aking nararamdaman.

"Let's get inside i know mom and dad is very thrilled to meet you." Isang kabadong tango lang sinagot ko sakanya.

Isang kabadong buntong hininga ang pinakawalan ko at nagdiretso na sa paglakad. Nang matapat na kami sa pintuan ay agad nya naman iyong binuksan. Isa itong wooden two door.

Agad naman itong binuksan ni Zelos at sumalubong saamin ang napakagandang bahay nina Zelos. Nauna syang pumasok at agad naman akong binigyan ng daan para pumasok.

The interior of the house is breath-taking. There was a large sofa at the middle of the living room and coffee table and two single sofas. There was a big chandelier hanging at the middle of the house and below the staircase is a grand piano. Napaka aliwalas tignan. There was a soft music playing at the background and a soothing ambiance welcomed us.

The SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon