Chapter 3

18.3K 280 26
                                    

Tiring day

Isinantabi ko muna ang first encounter namin ni sir at Inumpisahan ko na ang trabaho ko. Inisa isa ko ang mga files na nakalagay sa table ko at most of them ay kailangan nalang ng pirma ni sir.

Tinignan ko ang schedule ni sir at ilang minuto before 9 nalang magsisimula na ang conference with the board. Pinindot ko ang intercom na nakalagay sa table ko

"Goodmorning sir. I just wanted to remind you that your meeting with the board member will start in 3 minutes." I said and tried my best to sound cheerful.

"I know. Be ready you'll go with me." Then he ended the call. Calm down Saina boss mo yun

Iniayos ko ang mga dadalhin ko sa meeting, notebook and pen to take down notes, recorder para irecord lahat ng mapaguusapan sa loob, phone in case may kailangan tawagan, tsaka yung schedule ni sir.

Kanina pagbaba ko ng bag ko ay nakita ko ang I.D ko sa loob ng drawer katabi ng table ko. Ready na ako ng makalabas si sir ng office nya hindi ko kasi napansin ang damit nya kanina kaya ngayon ko lang naadmire.

"Follow me." Wala na bang mas ihahaba pa ang mga sasabihin nya?

Inaayos nya ang coat nya habang naglalakad kami. When we exited the door ay nakita kong sobrang titig nung receptionist na napagalaman kong ang pangalan nya ay Badette. Ngayon ay todo naman ang ngiti nya pinapakita talaga nya ang ngipin nya at may pasimpleng pag hagod ng buhok si ate.

Pero dedma lang sya kay sir. Inunahan ko na agad si sir para mapindot ko yung button up ng elevator. Nakalagay nanaman sa schedule nya kung saang room ang gagamitin at conference room 4 ang gagamitin which means sa 49th floor sya.

Ng mapunta na ang elevator sa floor namin ay agad naman syang sumakay hinarang ko ang kamay ko para hindi agad sya mag sara sumunod ako sakanya at pinindot ang button. Huminga ako, wala pa naman akong masyadong gingawa napapagod na agad ako.

Bumukas ang elevator at agad namang lumabas si sir sumunod agad ako. May glass wall lang ang naghahati sa conference room. May button sa gilid ng wall na nangangailangan lang ng thumb mark print at sadyang ang mga board members at secretary lang nila ang makakapasok dito.

Si Mr. Lamarque nalang ang hinihintay. Napatingin silang lahat saamin. At nagsimula na ang bulong bulongan. I over heard some of them saying na bago nanaman daw ang secretary ni sir, baka daw pati ako hindi makatagal.

"Don't worry about them." Napatingin ako bigla kay sir pati sya siguro narinig yun.

Umupo sya sa pinaka dulo ng table. Tinanggal nya yung pagkakabutones ng coat nya at naupo straight. Napaka intimidating ni sir ang sarap nyang titigan. Sobrang smooth ng features nya. Kanina nga nanliliit ako nung tumabi ako sakanya e. Yung parang kahit isang kamay lang nya yung gamitin nya kaya nya ako ihagis kainis.

Napatitig ako saakanya. sobrang tangos ng ilong nya pointed pa. Yung kilay nya na makapal pero bagay sakanya. Yung pilikamata nya mahaba at makapal, hindi mo na kailangang titigan para mapansin dahil kapansin pansin talaga.yung mata nya na kapag tumingin sayo nakakatunaw. Tapos yung lips nya grabe nakakatakam. Seryoso. Yung manipis na mapula. Kissable lips may gahd! Nakakainlove sya. Pero hindi panaman ako nafafall taaka hindi na ako aasa noh!

Nagtake down notes ako at nagrecord ako habang on going pa ang meeting. It's all about the extention sa Cebu. 2 hours din ang inabot ng meeting. Naging maganda ang takbo ng meeting at kung ako ang tatanongin pipirmahan ko agad ang paper. Nakakaconvince din ang speaker nila.

After ng meeting ay nagsilabasan naman agad ang board members pero si sir ay nakaupo parin dun sa pwesto nya at muling binasa ang proposal. Napaka specific ni sir.

The SadistWhere stories live. Discover now