⇜CHAPTER 16⇝ ENDING

2.3K 32 14
                                    

AUTHOR'S NOTE: So it finally ended. Salamat sa lahat ng nagbasa, nag-comment at nag-vote. I enjoyed writing this story and reading your comments. Thank sa lahat ng encouragements.

            “I’m in love. I’m in love. In love daw ako sabi ni ate,” sabi ko habang naglalakad sa lawn ng campus. Para lang akong tangang kinakausap ang sarili.

            “Shet. Alam ko in love ako pero kay Soshi. Hindi kay Jeremy. Paano naman ako mai-inlove kay Jeremy eh uber nakakainis yon? Arrkk...aray,” reklamo ko. Sumobra na pala pagpiga ko sa suot kong necktie. Nasakal na tuloy ako.  

           Nasa ganon akong kalagayan nang mamataan ko si Jeremy. Naglalakad siya papunta sa direksyon ko. Nanlaki ang aking mga mata sa pagkabigla. Di ko kasi inaasahan na makikita ko siya eh. Paano ba naman two weeks na ‘kong pinagtataguan niyang lalaking yan.

            “Shet!” napabigla kong sabi bago ako mabilis na nagtago sa likod ng puno. Shet buti na lang may puno kahit isa kungdi saan naman ako magtatago, sa basurahan? Ay hindi ko carry.

            Sumilip ako mula sa pinagtataguan. Napabigla ako ng balik sa pwesto nang makita kong malapit na pala si Jeremy. Tinantiya ko ang paglampas niya sa punong pinagtataguan ko. Binilangan ko pa nga eh. Parang praning lang.

            “One…two…three…four…..and a half seconds…”

Mabilis akong humakbang sa kanan para umusod ng pwesto. Dikit na dikit ako sa puno grabe kulang na lang maging puno na rin ako. Or tuko, kung ano man ang mas tamang sabihin ahahahahaha.

            Sumilip uli ako.

            Shet! Hanuba? Bakit andiyan pa siya? Dapat nakalampas na siya eh. Napabalik ako ng wala sa oras dun sa original pwesto ko sa likod ng puno. Pano halos nasa tabi ko na pala si Jeremy. Nag-about face yata ang gago di man lang ako winarningan.

            Bakit ba ‘ko nagtatago? Di ba dapat siya ang nagtatago? Siya ang umiiwas eh. Kaasar naman. Ano bang gagawin ko?

            “Oy.”

            “Ay palaka! Buset! Ano ba?” galit na reklamo ko sabay hampas dun sa nanggulat sa kin. Pero bigla naman akong nasamid nang mapagsino ko yung nanggulat. Si Istorbo pala. Para ko tuloy nalunok ang dila ko. Shet nag-blush pa ‘ko. Nataranta tuloy ako. Hanap, hanap ako ng mapagtataguan. Eh wala na ‘kong ibang makita kungdi yung puno. Alangan naman dun pa din ako magtago eh nakita na nga ako. Sa sobrang pagkataranta, ayun…yung bag ko na lang napagdiskitahan ko. Ipinangtakip ko sa mukha at pumikit pa ‘ko nang mariin ha. Parang engot lang. As if naman kasing maitatago ako ng bag ko di ba?

            “Ano’ng itinatago-tago mo diyan?” tanong niya sabay sandig ng braso sa katawan ng puno ko. Kinanya ko na yung puno eh no. He he

            Nag-lean forward pa siya konti nang hindi ako sumagot. Napalunok tuloy ako. Shet naman Jeremy. Wala namang ganyanan. Nangse-seduce ka na yata niyan eh. Sige ka, baka bumigay ako. Ahahahahahhaha. Guraveeeehhhhh….ang landi ko lang.

            “Ano sasagot ka ba o hahalikan na lang kita?”

            Amputchang lalaki ‘to! Sige mag-seduce-an na lang tayo dito. Ganyan din lang mukhang nasa mood ka. Parang hindi nangyari ang nangyari sa ball ha. Balik katarantaduhan na naman ang peg nito.

            Hinablot niya yung bag ko at inihagis sa may likod niya. Nawalan tuloy ako ng cover. Tapos inilapit niya ang mukha niya nang di pa rin ako nakasagot. Akmang hahalikan talaga ako, AS IN! Muntik na tuloy ako atakihin sa puso.

Ang Love Gurung Walang BoyfriendWhere stories live. Discover now