⇜CHAPTER 5⇝

2.4K 34 10
                                    

            “Girls, nabalitaan nyo ba yung nangyari kanina sa lobby ng Sakura building?” narinig kong excited na tanong nung babaing estudyante na bagong dating sa mga kaibigan nito. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ng mga kaibigan.

            “Ano’ng incident yon?” tanong nung babaing parang model ng shampoo sa ganda ng buhok.

            “Yung proposal.”

            “Ah oo alam ko yun. Andun ako kanina eh kaya na-witness ko lahat ng nangyari,” sabat naman ng isa pa na mukhang manika ang mukha. Ang gaganda talaga ng mga students dito. Affected talaga ang confidence ko sa ganda nila.

            “Talaga!? Kwento mo naman.”

            “Nag-break na daw yung dalawang yun. Kelan lang. Pero kanina nagpunta yung girl sa room nung guy para mag-sorry at magpaliwanag. You know, the usual it’s not you, it’s me echos. Pero sabi nung girl willing daw syang mag-concentrate sa feelings niya dun sa guy at kalimutan yung other guy.”

            “Ha? May other guy na involve? Kaya naman pala sila nag-break eh,” sabat ni long-haired girl.

            “Oo pero medyo kakaiba ang story nito. Kasi yung other guy daw ni hindi man lang kilala yung girl. Kaya walang relationship yung other guy at yung girl.”

            “So ano’ng problema?”

            “Narinig ko nag-confess yung girl sa bf niya na mas mahal niya daw yung other guy.”

            “Ahh…gasp!” exaggerated na sabi nung mga nakikinig.

            “Pero mahal nya rin naman daw yung bf nya. At willing na daw sya ngayong mag-concentrate sa relationship nilang dalawa. Everyone was expecting a fight or something. Pero exactly the opposite ang nangyari. Yun nga, the guy forgave the girl and they hugged.”

            “Tapos?”

            “The guy got down on his knees and proposed to the girl. He even had a ring ready for the occasion kasi, apparently, this is the second time na nag-sorry yung girl. And he decided to forgive her and bought the ring to propose to her, hoping that she’ll accept it.”

            “Wooooowww, how sweet naman!” kinikilig na sabi nung girl na mukhang Barbie.

            “Yeah. Pero ang biggest surprise about the whole story was that, sumulat yung girl kay Heart tapos sinunod niya yung advice ni miss Heart and walla...engage na sila ngayon ng bf niya.”

            “Wait, wait, wait...sino’ng miss Heart?”

            Nag-ala tengang-elepante yung mga ears ko nang marinig ang penname ko. As in super eavesdrop talaga ako.

Ang Love Gurung Walang BoyfriendWhere stories live. Discover now