⇜CHAPTER 10.2⇝

1.9K 26 3
                                    

 Pabagsak akong humilata sa kama. Nakabukas ang dalawang braso ko na parang naghihintay ng kayakap. Ni hindi ako nagpalit ng damit-pangbahay o nag-alis ng sapatos.

“Missy, you have no idea what I’m capable of.” Alingawngaw sa isip ko ng iniwang salita ng ex ni Jeremy.

Bumuntung-hininga ako. Honestly hindi ko alam which is worse, iyung walang pumapansin sa iyo at wala kang kaibigan pero wala namang nang-iistorbo sa tahimik mong buhay. O iyung may nakakakilala na nga sa’yo at laging pumapansin pero you gained enemies naman.

Naalala ko uli yung ex ni Jeremy. She really has a beautiful, angelic face. Pero ang sama ng ugali. Naalala ko uli iyung banta niya and I can’t help but feel afraid. Kahit kailan hindi naman kasi ako nagkaroon ng kaaway. Saka kahit kailan hindi ko kinailangang kainggitan o pagselosan ng ibang babae dahil let’s face it...I’m plain and ordinary. Isang dakilang reyna ng mga average. Walang nagkakagusto sa akin. Never na may nanligaw. Kaya hindi ako sanay nang pinagseselosan. And honestly I don’t know how to handle this situation. I don’t know how to handle a girl like Jeremy’s ex.

“Kasalanan mo ito, Jeremy,” bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa kisame.

Nagpakawala uli ako ng buntung-hininga bago ako umikot sa kanan para pwersahin ang katawan kong umupo. Matagal kong tinitigan ang bundok ng mga sulat para kay Heart. Bumalik na uli iyung regular writer ng Informed Students last week pa. Pero sa akin daw lahat nakapangalan yung mga sulat kaya ako na daw ang sumagot kung pwede, sabi ni Frenchie. In-offer-an pa nga niya ako na maging regular writer din sa special column nila pero hindi ako agad nagbigay ng sagot. Windang pa kasi ang utak ko sa lahat ng nangyari these past week kaya wala ako sa mood magbigay ng advice. Baka ma-disappoint ko lang si Frencie eh ang bait niya pa naman sa akin. Sa totoo lang si Frencie lang ang dahilan kung bakit ko tinanggap yung mga sulat na nasa harap ko ngayon.

Lumapit ako sa mga sobreng de-kulay. Umupo ako sa carpeted na sahig sa tabi ng mga iyon tapos ay kumuha ako ng isa at binuksan iyon. Inabot ko ang laptop at nagsimulang mag-type ng mga sagot sa sulat. Minutes later, I let out a deep sigh.

Nothing’s changed. These letters are about the usual nonsense.

Nakagawian ko nang basahin lahat ng letters kay Heart at sagutin as much of them as I can kahit hindi for publishing ang marami sa mga iyon. I always enjoyed reading and answering them. Pero ngayon, ewan ko ba. Wala talaga ako sa mood. I’m really just forcing myself to do this job. Yes, kung dati it’s more like a hobby, ngayon trabaho na siya. Kasi hindi na ‘ko nag-e-enjoy. They are still talking about the usual stuff pero iba ngayon eh. Siguro dahil sa dami ng sarili kong dalahin kaya ako nagkakaganito.

I shouldn’t let them bother me. Sabi ko sa sarili, referring to Jeremy and his bitch of an ex.

Kumuha uli ako ng sulat. It’s probably the 19th or 20th letter.

Dear Heart,

How are you na? Hindi ka nagsagot ng letters last week (bumalik na nga kasi yung regular writer last week kaya hindi nagsagot ng sulat si Heart.) Na-miss tuloy kita at ang mga witty advices mo.

Just in case you are wondering, isa ako sa mga fans mo. Ang galing mo kasi magbigay ng payo. May sense pero hindi over-the-top. Lahat sila praktikal at hindi sugar-coated. I got the feeling tuloy na you are a true person. Walang halong kaplastikan.

Oh before I forget, thank you nga pala sa advice mo. I was one of the lucky letter senders na nakatanggap ng response from you. I followed your advice and, whola...my long-time crush finally noticed me. We are dating now, thanks to you.

Ang Love Gurung Walang BoyfriendWhere stories live. Discover now