CHAPTER 25:

1.1K 44 2
                                    

Luhaang napatitig ang binata sa dalaga.

"No! Hindi totoo yan!" sigaw niya rito.

"Totoo 'yan! Anak ako ng mag-asawang Yuzon na pinatay ni Alfonso Ramirez!" pasigaw na tugon ni Elise. "Pinatay nila ang magulang ko maging ang ninang Cynthia ko."

"Sabihin mong nagbibiro ka lang! Sabihin mo!" mataas ang boses na saad ng binata. Humigpit rin ang kapit nito sa braso ng dalaga.

"Nagsasabi ako ng totoo!" Ani Elise at iwinaksi ang kamay ng binata sa kanyang braso. Tumalikod siya at binuksan ang mga butones ng kanyang damit saka iyon ibinaba.

"Nakikita mo ba ang mga pilat na nasa likod ko? Tanda iyan ng pagmamalupit sa'kin nina Valdirama at Mendoza noong araw na patayin nila ang magulang ko!" patuloy ng dalaga. "Ang araw kung saan ginahasa at binaboy nila ang mura kong katawan." Sa pagkakataong iyon ay hindi maiwasang mapaiyak ni Elise. Sa tuwing binabalikan niya ang nakaraan, bumabalik din ang sakit at hirap na naranasan niya noon.

"No... No!" luhaang sigaw ng binata. Lumabas siya ng kotse at pinagsisipa ang gulong niyon. Hindi niya matanggap ang mga naririnig mula sa dalaga.

"Nakikita mo rin ba ang peklat na ito?" Ani Elise saka siya tumagilid at ipinakita ang may kahabaang peklat. "Ito ang peklat na nakuha ko noong mahulog ako sa hagdan kasama ang kuya Charlie ko."

Natigilan ang binata sa tangkang pagsuntok sa bumper ng kotse. Maang siyang napatingin sa parte ng katawang itinuro ng dalaga.

Oo, tandang-tanda niya ang panahong tinutukoy nito. Ang araw at oras kung saan ito nahulog.

"Ngayon, sabihin mo... Mali bang maghiganti sa mga taong naging dahilan ng pagkasira ng pamilya ko? Sa pagkamatay ng magulang ko at pagkawala ng kapatid ko? Mga taong naging dahilan ng pagkasira ng kinabukasan ko?" patuloy ng dalaga nang hindi umimik ang binata. "Kulang pang kabayaran ang pagkamatay ng anak ni Valdirama at pagkamatay ni Mendoza! Kulang na kulang pa!"

"Ibig mong sabihin, ikaw ang pumatay sa kanila?"

"Oo. Ako nga," walang gatol na tugon nito sa binata.

Dahil sa narinig ay walang pakundangang sinuntok ng binata ang side mirror ng sasakyan. Bakit? Bakit sa kanila pa ito nangyari? Ang pinakamamahal niyang kapatid, naging mamamatay-tao? Ang hirap... Ang hirap isipin na ang inosente niyang kapatid ay nababalot ngayon ng galit sa puso. Galit para sa mga taong kinapopootan rin niya.

"Ginahasa rin nila sina mommy, tita Belen at ninang Cynthia."

Napalingon dito ang binata, nagsalubong ang paningin nila ng dalaga.

"Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman 'yan?" naguguluhang tanong niya dito.

"Wala pa man kami ni kuya Charlie dito sa mundong ibabaw... Kinidnap sila ng mga armadong kalalakihan at dinala sa abandunadong gusali at doon..." Huminga muna ng malalim ang dalaga bago nagpatuloy. "Doon ay pinagsamantalahan sila nina Valdirama at Ramirez ."

"What? Paan---"

"Dahil sa hindi sinasadyang pagkakataon, napanuod ko ang video na nagpapatunay ng kawalanghiyaan nina Ramirez. Patay na rin si... Patay na rin si Mary Grace!" matapos ang huling katagang binitiwan ay napahagulhol na naman ng iyak ang dalaga.

Dahil sa sari't saring emosyon ay tumawid si Bradley sa kabilang kalsada at pinagdiskitsahan ang isang puno. Doon ay ibinuhos niya ang lahat ng galit na kanyang nararamdaman. Sipa, suntok ang iginawad niya sa kawawang puno ng saging hanggang sa mabuwal iyon.

Nang hindi pa makuntento ay bumalik siya sa kotse at kinuha niya ang kanyang baril. Pinaputukan niya ang ilang puno ng saging na nasa paligid.

Naalerto naman ang dalaga dahil sa ikinikilos ng binata. Mabilis niyang isinara at inayos ang kanyang damit saka lumapit sa nagwawala pa ring si Bradley.

"Anong nangyayari sa'yo? Kilala mo ba ang mga magulang ko?" tanong niya rito.

Tila binging walang narinig ang binata at nagpatuloy lamang ito sa ginagawa.

"Tinatanong kita... Sumagot ka!"

Ngunit hindi pa rin ito pinansin ng binata. Sa inis ng dalaga ay sinugod niya ito at pinaghahampas sa dibdib.

"Please! Sumagot ka... Kilala mo ba sila? Bakit ganyan na lamang ang reaksiyon mo nang marinig mo ang pangalan nila? Si kuya Charlie... Kilala mo rin ba siya? Sumagot ka!" sigaw ni Elise sa mukha nito.

"Gusto mo ba talagang malaman?" ganting-sigaw ni Bradley rito. "Gusto mong malaman kung ano ang kaugnayan ko sa kanila?"

"Oo. Gusto kong malaman!" luhaang tugon nito.

"Puwes! Kilala ko sila... kilala ko sila lalo na ang kuya mo dahil..." Nabitin sa ere ang nais sabihin ng binata.

"Dahil ano?" Ani Elise na hinawakan sa balikat ang binata. " Please...Tell me!" pagsusumamo pa nito.

Mariing tinitigan ni Bradley ang dalaga.

"Dahil si Charlie at ako ay..." hindi alam ng binata pero parang ang hirap sabihin dito ang totoo.

Bumuka ang kanyang bibig ngunit ni isang kataga ay walang lumabas.

Gustong-gusto niyang isigaw sa mukha ng dalaga na...

Oo, Ako si Charlie, ang nakakatanda mong kapatid, ang kuya mo na nangulila sayo sa loob ng maraming taon, pero nahihirapan siya.

Nahihirapan siyang sabihin dito ang totoo. Paano nga ba niya sasabihin dito na ang nakatalik nitong lalaki ay ang kuya nito? Paano niya ito pakikitunguhan pagkatapos ng nangyari sa kanila sa talon? Paano niya ipapaliwanag dito na sa maikling panahon na nakasama niya ito, nahulog na ang loob niya dito?

Paano... Paano niya sasabihin at ipagtatapat na sila ay MAGKAPATID?

Walang paalam na naglakad siya palayo at isinuksok sa tagiliran ang hawak na baril.

"Saan ka pupunta?" narinig niyang sigaw ng dalaga ngunit nagpatuloy lamang siya sa paghakbang.

Hindi niya alam kung saan tutungo... Isa lang ang alam niya, hindi niya matanggap na ang babaeng nakapukaw sa puso niya ay ang kanyang kapatid. Ang kanyang kapatid na siyang naging lakas niya sa mga nagdaang taon sa kanyang buhay.

Natigilan siya ng maalala ang mga narinig kani-kanina lang. Napatiim-bagang siya at kuyom ang mga kamaong nilingon niya ang kapatid.

"Magbabayad si Alfonso Ramirez sa lahat ng ito! Magbabayad siya!" puno ng poot niyang turan saka nagpatuloy sa paglalakad.

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon