CHAPTER 5:

1.7K 62 0
                                    

NAGULAT SIYA SA BABAENG nasa mga bisig niya ngunit agad din siyang nakabawi nang makita ang pulang likido na umaagos sa mga hita nito.

Pinasan niya ito at isinakay sa kanyang kotse saka ito pinaharurot patungo sa pinakamalapit na hospital.

Bawat taong madaanan niya ay may pagtatakang nakabadha sa mukha ng mga ito at hindi maiwasang lingunin siya. Sino nga ba naman ang hindi mapapalingon kung makakakita ka ng isang tao na balot na balot ang katawan maging ang mukha ay may takip?

Naiilang man ay pinilit niyang kumilos ng normal at agad tumawag ng doctor. Maging ang doctor at nurse na nag-asist sa pasyenteng kasama niya ay hindi mapigilang tingnan siya ng makahulugan.

Nanahimik siya at hinintay na matapos ang doctor sa ginagawa.

"She had a miscarriage." Wika ng doctor nang bumaling ito sa kanya.

Nagulat siya sa nalaman at pinakatitigan ang babaeng nakahiga. Huminga siya ng malalim saka ibinalik ang paningin sa kausap. "Maliban sa sinabi niyo, may iba pa bang damages sa katawan niya?"

"Bukod sa miscarriage, nakaranas din siya ng panggagahasa at dahil narin sa ilang sugat na natamo niya, she's in a coma!"

"Gaano katagal siyang ganyan?"

"Depende. Pwedeng abutin ng ilang araw, linggo o buwan."

"Ah, sige ho. Salamat!"

Tumango lamang ang doctor at nagpaalam na. Dahil private room ang kinaroroonan nila ay kumpleto iyon sa gamit. Nakita niya rin ang tv kaya binuksan niya iyon, saktong nagsasalita ang isang reporter.

"Wala pong mapagkilanlan sa taong di-umanoy nakasagupa ng mga tauhan ni Congressman Valdirama. Tinatayang nasa pitong bilang ang namatay at dalawa ang sugatan. Narito po ang kagalang-galang na Congressman..." Patuloy ng reporter at di nagtagal nagsalita na ang Congressman. "Handa po akong magbigay ng malaking pera maiharap lang sa'kin ang taong lumastangan at kumalaban sa mga tao ko."

"Lalaki daw po ba o babae ang nakasagupa ng mga tao mo, Congressman?" Tanong ng reporter kay Valdirama.

"Walang makakapagsabi dahil hindi raw nila nakita ang mukha nito."

Hindi niya na tinapos pa ang panunuod. Mabilis ang naging kilos niya at agad naghanap ng pwedeng madaanan.

Samantala, inutusan ni Valdirama ang mga tauhan na halughugin ang lahat ng bayan o hospital sa kanilang lugar para hanapin si Bebzai. Hinding-hindi siya papayag na mapunta sa kamay ng iba ang itinatago niyang sekreto.

Papasok na nang hospital ang mga armadong lalaki samantalang palabas naman ang dalagang si Elise habang pasan sa likod ang wala paring malay na si Bebzai.

Patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan ng sasakyan at isinakay sa passenger ang kasama. Mabilis niyang pinaharurot ang kotse palayo sa lugar na iyon.

Tinawagan niya ang kaibigang si Princess na nakasama niya rin sa organization ngunit kasalukuyang nandito sa Pilipinas.

"Princess, i need your help." Agad niyang saad dito nang sagutin ang telepono.

"Ok, how?"

"Magkita tayo sa resto mo. I'm on my way!"

"Okay."

Makalipas ang kalahating oras ay narating niya ang lugar kung saan sila magkikita ng kaibigan.

"Is this true?" Katanungang namutawi sa bibig ni Princess nang makita ang itsura ng kasama ni Elise na nakahiga sa sasakyan.

"Ssshhh... kaya nga i need you help for this."

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon