CHAPTER 8:

1.5K 41 0
                                    

   

MATAPOS ANG BIDDING ay nagdudumaling tumalilis ang dalagang si Elise at hinila si Mary Grace. Sa likod ng Cabaret sila dumaan.

"Bakit dito tayo dumaan? Lagot ka kay Bradley nito!" Wika ni Mary Grace na halos kaladkarin ni Elise.

"Bradley? Kilala mo ang lalaking iyon?"

"Oo, kaibigan 'yun ng Jowa ni Bebz---" Natutop nito ang sariling bibig at biglang nanlaki ang mga mata nang matanaw ang lalaki na humarang sa kanila.

"At saan ang punta niyo?" Salubong ang kilay na tanong ng binatang si Bradley sa dalawa, partikular sa dalagang si Elise.

"Pakialam mo ba, ha?" Nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.

"Pakialam ko? Nakalimutan mo ba na sa'kin ka ngayong gabi? Ako ang nanalo sa bidding, so... siguro naman walang masama kung kukunin ko ang premyo ko at ibibigay mo ang dapat!"

"Sorry, but i can't!" Aniya dito na binitiwan ang kamay ni Mary Grace at nilagpasan ang binata.

"Why? Dahil ba sa hindi si Congressman Valdirama o si Heneral Mendoza ang nanalo?" Patuyang tanong ng binata.

Nilingon ito ng dalaga, "What do you mean?"

"Nakita kita kanina kung paano mo tingnan ng pailalim si Heneral. May galit ka ba sa kanya o mas tamang sabihin na gusto mong makabingwit ng matabang isda?"

"You don't have the right to say that words to me! You don't know me and i'm not the girl that---" Unable to complete the sentence when Mary Grace started to walk and standing beside her. "Kung gusto mong mapalapit sa mga taong target mo, be nice to him!" Bulong nito sa punong-tainga niya.

"Why i need to do that?" Pabulong ding tanong niya.

"Mamaya ko na lang ipapaliwanag," Tugon nito saka hinarap ang binata. "Bradley ikaw na ang bahala kay Bebzai!"

"Oo naman. Akong bahala sa kanya!" Tugon ng binata kay Mary Grace ngunit nakatuon ang mga mata sa dalagang si Elise.

"So, pa'no? Mauna na ako!" Paalam ni Mary Grace saka kininditan si Elise.

"Ano pang itinatayo-tayo mo diyan? Sumunod ka sa'kin!" Untag ng binata sa tahimik na dalaga.

"Huh?"

"Nasasayang ang oras dahil sa kaartehan mo! Sumunod ka sa'kin!" At nagpatiuna na itong naglakad.

Naiinis na sumunod ang dalaga dito.

Dinala ni Bradley ang dalaga sa kanyang bahay at kitang-kita niya sa mukha nito ang pagkamangha nang tuluyan silang makapasok sa loob.

"Did you like my house?" Tanong niya sa dalaga at pinag-aralan ang reaksiyon nito.

"Yeah. Halatang mayaman ka at..." Inilibot nito ang paningin saka naglakad patungo sa living room. "Maganda ang design saka..." Tumigil ito sa isang painting kung saan nakaukit ang isang lalaki at isang babae.

Nang tingnan ni Elise ang mukha ng lalaki sa painting at ang mukha ng kausap ay saka niya napagtantong iisa lamang ang mga ito. Binalikan niya ang mukha ng babae ngunit malabo iyon at sinadyang hindi buuin. "Bakit hindi buo? I mean, bakit hindi tinapos ang painting?"

"Do you really want to know?" Balik-tanong ng binata saka naglakad palapit sa dalaga.

"Itatanong ko ba kung hindi?"

"She's my sister but... i don't know where is she now."

"What do you mean? Naglayas ba siya o nakidnap or---"

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon