CHAPTER 14:

1.4K 46 0
                                    


   

Dahil sa natuklasan ay nagdesisyon nga na bumalik ng Pilipinas si Nero.

Kakaibang saya ang bumabalot sa puso niya ng mga sandaling iyon.
Sa haba ng panahong dumaan, wala siyang kamalay-malay na ang batang natagpuan niya sa gitna ng kalsada, ang batang inaruga at itinuring niya na parang anak ay siya palang kanyang tunay na anak.

Para siyang idinuduyan sa alapaap dahil sa kaligayahang nararamdaman niya. Muli niyang tinitigan ang litrato at natigilan siya nang dumako ang mga mata niya sa dalawang sanggol.

"Kambal? Kambal ang anak ko? Pero nasaan ang isa?" Naguguluhang nagpalakad-lakad siya sa kabuuan ng silid.

"Belen, nasaan ka na ba? Totoo bang patay ka na o nakaligtas ka mula sa kamay ni Alfonso? Kung buhay ka, bakit hindi kita natagpuan nang mga panahong hinahanap kita, kayo ng anak natin?" mga nabuong tanong sa isipan niya.

Napasabunot siya sa sariling buhok ng walang makuhang sagot. Lumabas siya ng silid tangan ang dalawang necklace.

-----

MANILA NORTH CEMETERY

Araw iyon ng libing ng anak ni Valdirama. Halos maglupasay ang congressman sa iyak dahil hindi pa rin nito matanggap ang pagkawala ng nag-iisang anak.

Sa di-kalayuan, dalawang magkahiwalay na nilalang ang nakamasid sa kinaroroonan ng pamilya Valdirama.

Puno ng galit ang mukha ng mga ito at iisa ang nasa isip. 'Yon ay ang makita ang lalaki sa loob ng kabaong.

Di nagtagal ay nakita nilang tinatabunan na ng lupa ang kabaong at nawalan ng malay ang Ginang, samantalang sumumpa naman si Valdirama bago tuluyang mawala sa paningin ang anak.

"Ipinapangako ko anak, magbabayad ang sino mang gumawa nito sa'yo!" tiim-bagang na saad nito.

"Sige lang, Valdirama... tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo." Saad ng isang nilalang at naglakad ito patungo sa puntod ng mga magulang.

Ang isang nilalang naman ay nanatili lamang sa kinatatayuan at tuwang-tuwa sa nakikita.

"Nag-uumpisa pa lang ang laro, Valdirama. Humanda ka, dahil ikaw ang isusunod ko!" Nakangising saad nito at inilibot sa kabuuan ng sementeryo ang paningin.

Nahagip ng kanyang paningin ang isang pigura ng lalaki. Parang pamilyar sa kanya ang tindig nito. Pinagmasdan niya ang lalaki at nang humarap ito sa gawi niya ay saka niya lang ito nakilala. Tama! Ito 'yung lalaki sa Cabaret at ang lalaking tinulongan niya.

"Hmmnn... mukhang maliit ang mundo natin ah," anas nito at hindi iwinaglit ang mata sa lalaki.

Balak niya itong sundan, nahihinuha niya na kailangan niya ang tulong nito.

Samantala, matapos makapagdasal ay pasalampak na naupo sa harapan ng puntod ng mga magulang ang binatang si Bradley.

Labin-limang taon na ang nakalipas, pero sariwa pa rin sa isip niya ang naging kamatayan ng mga ito. Naulila siya, nawalan ng magulang at... ang nag-iisa niyang kapatid, hindi niya pa rin matagpuan hanggang ngayon. Buo ang paniniwala niya na buhay ito, ngunit bakit hindi niya ito mahanap?

Dinampot niya ang larawan ng mga magulang na nasa ibabaw ng lapida. Tinitigan niya iyon at muli ay bumalik sa ala-ala niya ang nakaraan.

Matapos ang pagsabog ng kanilang bahay ay hinanap nila ang nawawalang kapatid. Maingat at tahimik ang ginawa nilang paglalakad dahil nasa paligid pa rin ang mga tauhan nina Alfonso. Nagtago sila sa isang puno na una nilang nakita, ngunit nagulat sila nang makita ang kaklase at kaibigan ni Charlie na umiiyak habang nakasandal ang likod sa puno.

ANG BABAE SA CABARET NI: M.D.STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon