Nakita ko siyang ngumisi at doon nagpakita ang matutulis niyang pangil. Sakto akong napatigil sa harapan niya. Naramdaman ko ang daliri niya sa labi ko.

Inilapit niya ang ulo niya sa leeg ko at naramdaman ko ang ilong niya sa leeg ko. Pakiramdam ko inaamoy niya ako, pataas hanggang sa tenga ko at doon siya mahinang bumulong.

"My wife."

Hinapit niya ang bewang ko at isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang kamay niya na nilalaro laro ang dulo ng buhok ko at bahagya itong hinila kaya napatinghaya ang ulo ko.

"Tell me you're mine, kitten."

Ang lapit na ng labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kaso kusa na lamang lumabas ang mga salitang ito sa bibig ko.

"I'm yours. Only yours." Naramdaman ko ang pagngisi niya bago niya tuluyang sinakop ang mga labi ko.

Napabalikwas ulit ako at napahawak sa ulo ko. Bakit pakiramdam ko totoong totoo yung panaginip na 'yon? At tanging pulang mata niya lang ang nakikita ko.

Hindi ko alam pero otomatiko akong napahawak sa labi ko.

"Hindi. Gemma hindi yun totoo. Panaginip lang lahat 'yon at walang tao na may pulang mata. Nananaginip ka lang." Iniling iling ko yung ulo ko. Napahawak ako sa tiyan ko na kumukulo na. Nitong nakaraang araw hindi na ako nakakakain ng masyado.

Aalis na sana ako sa kama kaso ngayon ko lang napansin ang suot ko. Kailan pa ako nagsuot ng pulang cocktail dress bago matulog?

Napatingin ako sa mini table ko sa gitna at may nakalapag doon na isang bagong iPhone, tatlong pulang rosas at isang note. Nilapitan ko

You have the greatest body, my kitten. I can't stop looking at your curves while changing you into that red-fvcking-dress. Soon, I'm gonna make you mine---in bed. For now, enjoy my birthday gift, 'wife'.
-H

Naramdaman ko ulit yung malambot niyang labi sa panaginip ko. Bigla akong nangilabot. Nanginginig kong kinuha ang phone at pagbukas ko agad na bumungad sa akin ang isang picture. Picture ito ng maliit kong drawer. Nagtaka ako kung bakit may ganitong litrato pero pinuntahan ko pa rin yung maliit na drawer at pagkabukas ko, may isang susi na nakalapag doon na hindi sa akin.

Ibinalik ko yung tingin ko sa phone at pagkaswipe ko may litrato nun ng isang mamahaling kotse at mukhang kuha itong litrato na 'to sa harapan ng bahay namin. Napalabas ako at halos bumagsak ang panga ko. Ito yung kotse sa larawan!

Saktong nag vibrate yung iPhone.

From: Unknown
Time received: 8:59 A.M.
You look good in that dress.

To: Unknown
Time sent: 9:00 A.M.
You f*cking pyscho! Lubayan mo na ako! Sa tingin mo madadala mo ako sa mga ganito?

From: Unknown
Time received: 9:00 A.M.
I love you that's why I'm doing this. Don't you love me kitty?

To: Unknown
Time sent: 9:00 A.M.
You killed Jack! I'm not going to fall for you a$$hole!

From: Unknown
Time received: 9:01 A.M.
You wished for him to die. And babe, you WILL eventually fall for me.

To: Unknown
Time sent: 9:01 A.M.
Pero hindi ko sinabi na gawin mo! Get lost! Or else I'm going to call the cops!

From: Unknown
Time received: 9:02 A.M
Getting feisty huh? I like it. Go ahead and call the cops. One...

To: Unknown
Time sent: 9:02 A.M.
Tantanan mo na ako!

Married to UnknownWhere stories live. Discover now