Chapter 1: Past is Past

86 2 0
                                    

Sapphire's POV

I want to get out of this mess! I want to get out of this building! Yan lang ang tumatakbo sa isip ko. Takbo lang ako ng takbo habang sa narinig ko ang boses niya.

"You can run but you can't hide! Ha-Ha-Ha!" malalim ang boses nito. Halatang gumagamit ng voice control.

Nakita ko ang locker room. At kasya dito ang isang tao. Pero hindi ako stupid para magtago dyan. Nagdadasal nalang ako na sana makakita ako ng tao dito at humingi ng tulong.

Tumakbo ako sa may hallway. Takot na takot akong maglakad dito dahil may possibility na dito lumabas ang killer. Wala akong idea kung sino ito. At ano ang motibo niya. But fck, bakit ako ang napagtripan niya?

Takbo. Takbo. Takbo. Ano pa ba ang gagawin mo kapag may humahabol sayong killer? Gusto kong tumigil ngunit buhay ko ang nakataya dito.

Tumingin ako sa likod ko. Wala na yung clown na humahabol sakin.

"T-tulong!" may nakita akong babae na gumagapang. At putol ang... Paa nito. Siya ba ang may gawa nito?

"What the fck happened?!" naiiyak ako sa nakikita ko. Ano ba tong pinasok ko?

"Pinutol niya ang paa ko. Pinutol niya ang paa ko!" paulit ulit niyang sinasabi. Siya si Danika. Siya yung sikat na student dahil sa mga nakuha niyang awards. Naging champion ang school namin dahil sa bilis niyang tumakbo. Kasali siya sa Varsity team sa Running. Isa siya sa mga Seniors na nagdadala ng hakot-hakot na awards. Naaawa ako sa kanya dahil hindi na ulit siya makakatakbo. Hayop siya.

I am so scared. Hindi ko alam kung paano siya tutulungan. Ang ginawa ko nalang ay pinasabit ko siya sa likod ko.

Habang sumasabit siya sa likod ko. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang matagal ng humahabol sakin. Yung clown. May hawak siyang chainsaw.

"HAHAHAHA! HAHAHAHA! Akala niyo ba makakapagtago kayo ng matagal? Walang makakalabas dito ng buhay!" nakakatakot ang tawa nito at may kung anu-anong kutsilyo ang naksabit sa belt nito.

Sapphire, kaya mo to. Kailangan mong mabuhay. Kailangan mo pang balikan ang bunso mong kapatid at ang pamilya mo.

"Kumapit ka ng mabuti. Ipikit mo ang mata mo. Makakalabas tayo dito." kahit takot na takot ako. Tumakbo ako ng napakabilis. Halos hindi ko na alam kung saan ako dadaan at magtatago.

Ang kailangan ko lang at mahanap ang labasan. Kaya ko ito. Makakalabas kami.

Hinabol kami ng clown na iyon. Tawa lang ito ng tawa. Muntikan na niya kaming maabutan. Pero dahil sa bigat ng dala niyang chainsaw, medyo bumagal ang takbo nito.

"Sige lang Sapphire! Tumakbo ka lang! Sisiguraduhin kong sisigaw ka sa sakit dahil sa gagawin ko sayo!" sigaw nito. Hindi ako nagpatinag.

"Pakyu ka! Kung papatayin mo ako, uunahan kitang gago ka!" sigaw ko dito.

"Talaga ba? Titingnan natin kung tatalab ba yang lakas ng loob mo sa mga hirap na daraanan mo kapag nahuli kita." sabi niya sakin.

"S-sapphire, natatakot ako. Natatakot akong mamatay." Sambit ni Danika.

Naramdaman ko na wala ng humahabol samin. Kaya agad kaming pumasok sa isang room. Nakita namin na ito ang Theatre Room.

"Danika, may alam kabang pwedeng pagtaguan dito?" Luminga linga ako at nag isip kung saan magtatago.

"Sa ilalim ng stage. may daan papuntang stock room. Ang stock room ay nasa ilalim ng stage." sagot nito.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Agad kaming pumunta sa ilalim ng stage. At nakita ko ang mga props at damit na ginagamit. Agad akong kumuha ng isang damit. at binalutan ang dumudugong binti nito.

"A-aray." umaray lang ito sa sakit. Kailangan niya ito para hindi siya maubusan ng dugo. Baka iyon pa ang ikamatay niya at hindi dahil sa gagong clown na yun.

"Shit, walang signal." triny kong sumagap ng signal pero wala talaga. ginamit ko nalang na flashlight ang phone ko para makapaghanap ng mga pwedeng gamitin kapag hinabol niya ulit kami.

"Kunin mo ito," inabot ko ang pocket knife na nakita ko sa ilalim ng table. Siguro ay ginamit ito nung huling play nila na Romeo at Juliet.

Habang naghahanap pa ako ng mga pwedeng pang defense, Narinig kong may pumasok sa pintuan ng theatre room.

Agad agad ko namang pinuntahan si Danika at nagtago kami sa closet. Fck, bakit closet pa? Halatang halata dito kami pupuntahan.

"Sapphire? Danika? Nasaan na kayo?" sabi ng putapeteng clown na ito. Tanungin ba naman daw ako Kung nasaan ako?!? Aba! Shunga! Parang namang sabihin ko sa kanya, gustong gusto ko pa mabuhay.

"Kaawa-awang Danika, Nadamay ka pa. Pasensya ka na. Kung hindi ka sana nagsta-stay ng sobrang hapon dito sa school, hindi sana kita puputulan ng paa.." sabi nito, "Hindi ka na rin sa mamamatay. HAHAHAHAHA!"

Narinig ko rin ang pagbukas ng pinto at pagpasok nito sa Stock Room. Hindi na nito hawak ang mahabang chainsaw, pero may hawak itong mahabang katana. Nakita ko naman si Danika na parang naiiyak na. Pero sinenyasan ko nalang siya na huwag masyadong maingay.

Nakita namin na humarap agad ang clown sa closet. Mabagal siyang lumapit papalapit samin. Hanggang sa biglang...

Clak!

"Shit!" agad na napalabas ang clown sa stockroom at lumabas ng Theatre Room. Umiiyak kaming dalawa dahil akala namin na iyon na ang katapusan.

Hindi ko alam kung anong tunog iyon na nagpalabas sa gagong clown na iyon. Pero nagpapasalamat ako sa tunog na iyon. Ngayon ay makakalabas na kaming dalawa.

___________________

How's the start of the revised version? Sorry medyo naguluhan kayo. Pero aayusin ko ang mga updates nito para hindi kayo maguluhan.

Love you guys! Muah!

The First Case: SapphireWhere stories live. Discover now