"All of me, loves all of you.."

17 1 0
                                    

"Thanks sa paghatid pa!" I said to my father while Im removing my seatbelt. Bago ako bumaba ng sasakyan ay naglahad muna siya ng isang halik sa aking noo.

"Ingat ka Yumi. Send my good luck for Zach!" He said before he go.

Tumingin ako sa aking wrist watch! "11:54, sheez! 13 minutes na akong late sa game." Sabi ko sa sarili at dali-daling tumakbo patungo sa gym ng aming campus.

Bago pa makapasok ay dinig ko na ang dagundong ng ingay sa loob at kita ko ang malaking tarpaulin sa labas. Sinisigaw nito ang pangalan ng school namin, "East Great Falls High for Back to Back". Last year kasi ay panalo ang school namin laban sa "Xavier High" at ngayon ay sila pa din ang kalaban ng team namin. Asa pa silang manalo, maning-mani lang sila sa boyfriend ko. *smirk*

Pagkapasok ko ay di na ako nanibago sa dami ng tao, finals na ngayon. Tie ang standing at parang do or die na ito. Sa amin ang home court kaya malakas ang advantage. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko ang dalawa kong bestfriend sa pinaka-unahan na bleachers. Bakante ang isang upuan at mukang para sa akin iyon, kaya agad-agad akong dumerecho doon.

"Zach for three! Pasok" Sigaw ng commitee bago pa ako makaupo. Halos mag-wala ang crowd.

"That's my boy!! Whooo!" Sigaw ko at napansin naman kaagad ako nila Marie at Marj.

"First time ma-late ng proud girlfriend" Tukso sa akin ni Marie

"Nag-lunch pa kasi kami ni Papa" Sabi ko, tumango lamang sa akin si Marj busy'ng-busy siya sa pag-sigaw sa forever crush niyang si Minho.

4th Quarter na at halos dikit na dikit lang ang laban. 67 ang team namin at 69 ang kabilang team. Nakaka-kaba! Kelangan manalo nila Zach dahil kung sino

ang mananalo dito ay pipili ang isang pinaka-sikat na University dito sa Pilipinas para mag-laro sa kanilang team at may ibibigay na scholar.

Nasa kakampi ni Zach ang bola, 30 seconds na lang ang oras. Ang higpit ng bantay ng kalaban, hindi niya alam kung kanino ipapasa ang bola. Shit! They can't lose.

Dini-dribble niya pa din ang bola, naka-cross fingers na ako. Holy shit! Pinasa niya ang bola kay Minho, nakuha ni Minho at pinasa niya kay Zach na nasa three point line. Wala siyang bantay. Nakaka-bingi ang crowd.

"Zach i-shoot mo!" sabi ni Marj

"Tangina Zach! Nasa sayo ang panalo!" sabi ni Marie

"Mashu-shoot niya yan." Kampante kong sabi pero sa totoo lang nagdadasal na ako ng Ama Namin

5

4

Tinira niya ang bola.

3

Feeling ko nagi-slow motion

2

"Zach for Three!"

1

Kasabay ng hiyawan ang tunog ng buzzer. "Yeeeeeeeeeeeeeeessss!!" Sigaw ko. Niyakap ko sila Marj at Marie at sabay-sabay nagtata-talon.

70-69 ang score. Isa lang ang lamang namin pero atleast panalo.

"East Great Falls! Huuu-Haaa!" Sabay-sabay na sigaw ng crowd

Papunta ako kay Zach at nakita ko siyang buhat-buhat ng mga ka-team niya. He never fail us.

"Zach!" Sigaw ko habang naka-ngiti. Agad niya naman akong nakita kaya nagpababa na siya sa mga ka-team niya.

"Hi baby! You see that? Back to back champ kami" He said to me with a big smile on his face. Tagaktak ang kanyang pawis kaya kinuha ko sa bag ko ang dala kong bench and bath.

All of MeWhere stories live. Discover now