-12-

3.5K 98 11
                                    

 (A/N:(Ham Eun Jung as Danica Denny David At the Side picture EveryOne ^u^ )

 Chapter -12-

Denise POV .

*BOOOOOOOOOOOOM*

Nagkatinginan kaming Dalawa ni Seven ng Biglang Sumalpok yung isang Sasakyan sa may Bandang Puno . Tinignan ako sandali ni Seven at nagmamadaling Alisin ang Seatbelt niya . Pamilyar ang Sasakyan na iyon . Pakiramdam ko ay nakita ko na ito ..

My Pakiramdam ako na parang may Nagaganap na mali sa paligid ko ..

“Dito ka lang .. wag kang lalabas dito naiintindihan mo ? “ Sambit niya . tumango lang ako sa kanya at tinignan siyang Tumakbo papunta dun sa may Sasakyan .

Pagbukas niya ng Pinto ay Bakas nag Pagaalala at takot sa mga mata niya .. napasinghap pa ako ng bigla niyang Ipinasok ang katawan niya sa loob at parang may Kinukuha .

Maya maya pa ako naglalakad na siya papunta dito sa sasakyan niya na gamit naming Dalawa . may dala dala siyang isang Babae . pamilyar yung babaeng iyon at hindi ako nagkakamali dahil ilang beses ko na itong Nakita ..

“Danica “ Mahinang Bulong ko ..

Kinabahan ako ng Makita ko siya .. ewan ko kung bakit ko ito nararamdaman pero pakiramdam ko marami ang Mali sa mga Nangyayari ngayon sa paligid ko ..

Si Danica Denny … or mas kilala sa School bilang Didi ..

Agad agad siyang ipinasok ni Seven sa may Likod at nagmamadaling sumakay ng Driver's Seat at pinatakbo sa Hospital .. pero hindi pa man niya na iistart yung makina sasakyan ng Bigla kaming Nakarinig ng napakalakas na Pagsabog. Biglang Sumabog yung sasakyan na kanina lang ay Nabangga sa isang Puno .. Nagkatinginan pa kami ni Seven at tinignan pang muli si Didi pagkatapos ay Pinaharurot niya na ito papuntang Hospital ..

“NURSE ! NURSE !!! TULONG !! “ Sigaw naming pareho ni Seven ng Makarating kami sa may Hospital . Agad agad na may Lumapit sa aming mga Nurse na may Dalang Strecher ..

“Mam .. Sir .. hanggang dito nalang po kayo. “ pigil sa amin nung Nurse ng makarating kami sa Pintuan ng Emergency Room .

Tumango lang kaming Dalawa ni Seven at nagpaiwan na duon sa may Labas ng Emergency Room .

Tahimik lang kaming dalawa ni Seven habang Nakaupo sa mga Upuan dito sa Hospital.. ilang oras na rin kaming nandito at hindi pa rin lumalabas yung Doctor na tumitingin kay Didi .. bakas ang Sobrang Pagaalala at pagkabalisa sa mukha ni Seven ..

Miski ako ay kinakabahan ng hindi malaman .. Natatakot sa parehong Dahilan ..

“Seven ! Denise ! “ Napalingon kaming Dalawa ni Seven ng may Tumawag sa aming Pareho .

Tumatakbong Lumapit sa amin sila Red ang buong Barkada … pero wala Si Evo ..

Bakas sa mga mukha nila ang Pag aalala habang nakatingin sa aming dalawa . “A-ayos lang ba k-kayong Dalawa ? “ Tanong niya sa amin . Tumango tango lang ako kay Red habang Si Seven ay bahagyang ngumiti lang ..

Nakahinga naman ng Maluwag si Red at Naupo na sa Tabi ko . yung iba naman ay naupo na rin sa iba pang Upuan . Tahimik lang kaming Lahat sa Labas ng Emergency Room . Naghihintay na lumabas yung Doctor mula sa Pintuan na nasa Harapan namin .

“Nagmamadali kaming pumunta dito dahil akala namin may nangyari na sa inyong dalawa ni Seven “ Pabulong na sambit ni Red sa akin .

Napalingon ako sa kanya at bahagyang ngumiti “Salamat .. pero si Didi .. “

“ano bang nangyari ? “ tanong niya sa akin . Napatingin pa sa amin yung iba at mukhang may balak din silang Makinig .

The Ugly Princess Dreams (Book1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon