-11-

4.4K 104 14
                                    

 (A/N: Denise And Seven at the Side Picture ... 
P.S : The Picture is for Fictional use only . :D Enjoy <3 )

Chapter -11-

Denise POV .

“Thanks for the Day Benben “ Nakangiting sambit ko at akmang papasok na ko ng Bahay namin ng bigla niya akong Hinila paharap sa kanya .

Magtatanong pa lang sana ako kung bakit pero nagulat nalang ako ng biglang magdampi ang mga Labi ko sa labi niya . Napakalambot . napakasarap sa pakiramdam habang magkadikit ang mga Labi namin . nakatingin ako sa kanya habang siya ay nakapikit . Unti unti niyang ibinuka ang mga mata niya at nakangiting inilayo ang kanyang mukha mula sa mukha ko . “Good night my Princess “ Sambit niya sabay halik sa may Noo ko at naglakad pabalik sa kanyang Sasakyan .

Ibinaba pa niya ang salamin ng sasakyan niya at kumaway kaway sa akin bago niya pinaharurot paalis yung Sasakyan niya .Napahawak pa ako sa Labi ko habang Nakatingin sa may Direksyon kung saan dumaan paalis yung sasakyan ni Seven .

*DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG*

Parang may isang Batalyon ng mga  Kabayo ang nasa Loob ng dibdib ko . parang may isang Paligsahan ng pabilisan ng pagtakbo ang nasa loob ng Dibdib ko . Masyadong Mabilis ang pagtibok ng puso ko , kanina nung magdikit ang mga Labi namin ay parang Napakapamilyar sa akin ng mga Halik na iyon . hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko hindi ito ang una ko .

Napalingon ako sa Gilid ko ng maramdaman ko nanaman ang kakaibang tingin na iyon . Nakita ko ang pag galaw ng mga halaman at ang pag galaw ng isang katawan . Nagtatago siya sa may bandang puno malapit sa may bahay namin . Kinilabutan ako dahil sa naka itim siya .

Agad agad akong pumasok sa loob ng bahay namin at sinigurado kong naka lock ito .

Gabi na at sigurado akong tulog na si Inay . kaya nag madali akong Pumanik sa kwarto ko tutal ay hindi na rin naman ako nagugutom dahil kumain na kami ni Seven kanina .Naalala ko pa yung tinanong niya ako kung pepwede niya ba akong Ligawan . hindi agad ako nakasagot nun habang nakatingin sa kanya .

“D-denden ? “ Mahinang tawag niya sa akin . Bakas sa mukha niya ang pagkailang at pagkapahiya . Malamang dahil sa hindi pa ako sumasagot sa tanong niya .

“Y-yes “ Diretso ang tingin ko sa mga Mata niya . Nung una ay bumakas pa dito ang pagtataka pero maya maya pa ay nanlalaki na ito sa gulat at saya .

“TALAGA ?!?! “ Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin “ YES !! “ Sigaw pa niya at saka niyakap ako .

Napatingin ako sa paligid ko dahil ramdam ko nanaman ang tinginan sa amin ng mga Tao sa loob ng Shop na iyon .

Matapos naming kumain kanina ay nagyayaya siyang pumunta sa Condo Unit niya dahil masyado daw pangit ang unang Punta ko dun kaya ang sabi niya ay babaguhin namin yun . isipin ko nalang daw na iyon ang una kong punta sa Unit niya . kaya niloko ko pa siya at umarte ako na parang First time ko ang makapunta dun

Wala naman kaming ginawa kung hindi ang Manuod ng CD pagkatapos ay naglaro lang ng X-Box sandali at kumain ..

The Ugly Princess Dreams (Book1 Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon