Habang naghuhugas kami ng pinggan ay sinamantala ko ang pagkakataon para humingi ng pasensya sa kanya.

"Pasensya ka na nga pala sa mga sinabi kanina ni Andrea. Huwag mo na lang pagtuunan ng pansin iyon," sabi ko.

"Why are you always saying sorry, Bree? Wala ka namang ginagawang masama. Kung dahil lang naman sa mga sinasabi nila, ayos lang sa akin iyon. You don't have to apologize for something like that. I truly understand. Alam ko namang nagbibiro lang sila," aniya.

"Kahit na. Baka kasi hindi ayos sa'yo iyon."

"It's okay. Don't worry about it. I don't want to hear you apologizing again for something like that, okay?" he said. Tumango ako bilang sagot. Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko.

Pagdating ng gabi, napagpasyahan ng tatlong lalaki na mag-inuman. Pero bago iyon, pinatulog muna nila ang mga bata. Mahirap namang mag-iinuman sila tapos gising pa ang mga bata.

Iyon nga ang nangyari. Naghanda sila ng beer at pulutan sa labas. Pumuwesto sila sa mesa na malapit sa sun lounger samantalang kaming tatlong girls naman ay nanatili sa porch. Naglagay lang kami ng tatlong upuan at isang pabilog na mesa roon para makapagkwentuhan. Hindi naman kasi kami pwedeng uminom dahil kung sakaling malasing ang tatlong lalaki, walang mag-aasikaso sa mga bata pati na rin sa kanila. Besides, magbe-breastfeed pa si Saff.

Naghanda na lang kami ng mapapapak na manok at nagtimpla si Eunice ng juice na iinumin namin.

"So, kailan mo balak sagutin si Hero?" tanong ni Saff habang naghihimay ng manok.

Napakunot-noo ako. "Bakit ba atat na atat ka na sagutin ko si Hero? Hindi ko pa nga alam kung sasagutin ko talaga siya o hindi, eh."

"Crush mo naman siya, 'di ba? So, may possibility na sasagutin mo nga siya," sabi ni Eunice.

"Crush lang iyon, Eunice. Yes, I like him pero hindi ibig no'n ay sasagutin ko na siya," sabi ko. Bahagya akong napayuko. "But I do feel something inside me whenever I'm with him."

Narinig ko ang pagsinghap ni Saff kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nagulat ako nang makitang pareho silang nakangiti ni Eunice at mukhang may hinihintay silang marinig sa akin.

"What is it? Anong nararamdaman mo?" tanong ni Saff. Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi ko nga rin maintindihan, eh. Basta kapag kasama ko siya, sumasaya ako. Kapag wala siya sa tabi ko, lagi kong iniisip kung ano ba ang ginagawa niya. Kapag nagte-text siya o tumatawag, napapangiti ako. Kapag may sinasabi siyang nagpapakilig sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko. What do you think that means?"

Nakita kong pareho silang napatakip sa bibig na para bang kilig na kilig. Napakunot-noo ako.

"Oh my gosh! You're starting to fall in love with him," pasigaw na bulong ni Saff. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"What? P-Paano mo naman nasabi?" nauutal kong tanong.

"Ano ba? Dumaan na kami diyan, Bree. Siyempre, alam na alam namin iyan," nangingiting sabi ni Eunice. "Shucks! Kinikilig talaga ako!"

Napaiwas ako ng tingin at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Ganoon ba iyon? Am I really starting to fall in love with him? Shucks! Paano nga kung oo? Ibig sabihin, magkaka-boyfriend na ako?

Pero hindi. Kailangan ko pang makasigurado na seryoso nga talaga si Hero. Alam ko namang sa bawat relasyon ay may masasaktan. I just want to make sure that if I'm going to get hurt, it'll be worth it. Gusto kong makasigurong sa tamang tao ako masasaktan.

"So, kailan mo siya sasagutin?" ulit ni Saff sa tanong niya sa akin kanina.

Napanguso ako. "Hindi ko alam. Gusto ko munang makasiguro sa nararamdaman ko. Paano kung masaktan ko lang siya sa huli? Saka paano kung siya naman pala itong hindi rin sigurado sa nararamdaman niya para sa akin?"

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon