"Ganun po ba? Ano po bang maitutulong ko?"

"Kayo ang huling nakasama ni Mr. Peres, kakailanganin niyo pong sumama sa amin sa station. May mga ilang katanungan po kami sainyo."

Naalala ko yung note na natanggap ko kanina. Akala ko titigil na siya pero nagkakamali ako.

If anyone could f*ck you, that would be only me kitty. Only. Me.
-H

That's it. Kinuha ko yung phone sa bulsa ko. I can't take this anymore, siguro kung ipapakita ko sa kanila 'tong mga messages na natatanggap ko sa loob ng apat na buwan siguro matutulungan nila ako.

"May kailangan po kayong mala---"

"Sir sa tingin ko kailangan muna niyang magpahinga lalo na't nakaka trauma ang pangyayari kanina." Sabi nung kasama niya.

Natigilan ako at napakunot noo. Tumango tango din naman si Rose sa tabi ko.

"Tama nga yung kasama niyo sir. Maawa naman kayo sa bestfriend ko, halos himatayin sa sobrang pagod at putla."

"Hindi ayos la--"

"Sabagay tama nga naman sila. Pasensya na Ms. Andréz. Magpahinga muna kayo saka nalang kami magtatanong." Umalis na sila at bago yun nakita kong lumingon ng bahagya yung kasama niyang pulis at ngumisi.

What the hell was that?

Lumingon naman ako kay Rose at saka pinanlakihan ng mata.

"Alam kong malaki mata mo bes. Jusme tara na nga!"

"Seryoso ka ba? Bakit mo sinang-ayunan yung sinabi nung lalaki kanina?"

"Bes di ka ba naaawa sa sarili mo? Tignan mo nga oh ang laki laki na ng eyebags mo saka nangangayayat ka na. Pahinga din pag may time kaya tara na!"

No, something is not right.

■■■■

From: Unknown
Time received: 3:15 A.M.

You tried to tell the cops? I told you, do not mess up with my game.

Nagising ako at yan ang bumungad sa phone ko. Sigurado akong may password ang phone ko pero paano ito nabuksan?

Someone went inside my bedroom that's for sure.

Naalala ko bigla yung lalaki kanina na kasama nung police. Hindi kaya siya yun? Kakaiba yung mga ngisi niya at kakaiba rin siya kung tumingin sa akin.

To: Unknown
Time sent: 3:17 A.M.

Stop messing with my life! Ano bang gusto mo ha?!

From: Unknowm
Time received: 3:17 A.M.
You.

Nanayo ang balahibo ko. Lalo na't naalala ko na naman yung nakita ko dalawang linggo na ang nakakaraan. Hinding hindi ko yun makakalimutan. Hinding hindi ko makakalimutan ang dalawang pares ng mapupulang mata na nakita ko sa salamin pagkapatay na pagkapatay palang ng ilaw.

Sigurado akong hindi ako namamalikmata.

Napatakbo ako sa banyo at kinuha ang baby oil doon sa drawer. Ibinuhos ko yun sa daliri ko na may singsing at pilit na tinanggal.

Hindi ko alam kung anong klase siyang nilalang.

"Kung naririnig mo man ako ngayon, makinig ka ng mabuti!" Sigaw ko, hindi ko alam kung nasa tabi lang siya pero desperado na ako. "Nakikita mo tong singsing na pinipilit kong tanggalin sa daliri ko?! Kung sino ka man sa tingin ko napakadesperado mong kumuha ng asawa! Sinong matinong tao ang maglalagay ng singsing sa daliri ng isang tao habang tulog?! Siguro walang nagmamahal sa'yo kaya kung sino sinong babae ang binibigyan mo ng singsing!"

Married to UnknownWhere stories live. Discover now