Marami akong naging ex, pero sa last ako nasaktan. Kay Sam, dahil ang alam ko mahal niya ako, ang alam ko kaya niyang panindigan ang ipinangako niya sa'kin, ang alam ko perfect na lahat, wala nang hihilingin pa kundi ang mag tagal pa kami.
Kaso ayon, parang kanta lang din yung relasyon namin. Napunta lahat sa maling akala.
2 months akong hindi nakapag move on sa brake up namin. Kapag nakikita kong may ibang babae siyang kasama, ang sakit sakit. Parang lagi nalang may tumutusok sa may bandang dibdib. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba siya ngayon o hindi na. Ang alam ko lang masakit kapag may kasama siyang iba. Masakit sa tuwing ipapamukha niya saking wala na kami, at sa tuwing ipapaalala niyang hindi niya na ako mahal.
Nag tagal kami ng 1 year, that's why. Sa loob ng isang taon ang daming ala-ala. Masaasayang alaala. Kaya ganoon nalang kahirap para sakin kalimutan lahat.
Kina usap ko siya ng ilang beses. Pinakiusapan, sinuyo pero wala parin.
Nag babakasakali na bumalik yung dati.
"Ikaw na, mag bibihis lang ako" si Lai.
Tumango ako at dumeretso na sa CR.
Sa tuwing trip ko mag over night kina Lai o kaya trip naming dalawa, pinapayagan naman ako ni mama, basta 'no boys' .
Tinapos ko yung ritwal ko sa banyo at sinuot ang damit ni Lai. 'Di naman mag kalayo ang size namin. Pati ang edad, months lang agwat. Mas matanda si Lai ng dalawang buwan sa akin.
Lumabas ako ng banyo at nakitang pinipindot ni Lai yung Cellphone niya. "Sino na naman 'yan?" salubong ko .
"Kakausapin niya daw ako sa Sabado" saka nilapag ang patay na cellphone sa side table.
Kumunot ang noo ko "Bakit hindi pa bukas?" sabay suklay sa buhok.
simula
Start from the beginning
