"Meet my cousin"
"Dapat di mo na 'yon ginawa" bulyaw ni Lai.
"Alam mo? Dapat lang yon sa kanya no!" Umupo ako sa kama niya habang tinatanggal ang sapatos ko
I'm wearing black dress below the knees and Lai wearing pink tube dress above the knees with matching black blacer.
"Sis, problema namin iyon. Kami. Samin. Ako at siya."
Alam kong wala ako sa posisyon but I can't help it.
"So.. Papayag ka nalang na ganoon? Na ganoon ang turing sayo?" hinarap ko siya. "Sis, ilang beses na nating nahuli yang gago mong boyfriend na may kalandiang iba tapos sasabihin mo sakin na huwag ako makialam?"
Natahimik siya at nakita kong namamasa na naman yung mata niya.
Huminga ako ng malalim. Saka siya nilapitan sa hamba ng pintuan ng cr.
"Sis, hindi ako mag sasawang ipaalala sayo na tao ka, may karapatan kang irespeto bilang babae at may karapatan kang masaktan kasi may puso ka. Maraming lalaking nag kakandarapa sa'yo kasi maganda ka" hinagod ko ang maitim niyang buhok. "Maraming lalaki ang kaya kang pahalagahan. Please lang, kung nasasaktan ka. Nasasaktan din ako para sa'yo."
"At hindi rin ako magsasawang ipa alala sa'yo na si Ethan lang ang tinitibok ng puso ko" ngumiti siya pero tuloy parin ang agos ng luha sa pisngi. "At siya yung buhay ko" halos pabulong.
Dumiretso na siya sa loob ng cr at bumalik ako sa kama.
I don't get it. Bakit kailangang mag paka martyr ng tao?. Kung hindi ka mahal. Hindi ka mahal. Period. Walang tanong tanong. Obvious masyado na hindi mahal ni Ethan si Lai.
Kapag ako ang nag mahal. Sigaradong mag titira ako para sa sarili.
Dahil alam kong may puso ako, mag mamahal at masasaktan. Kahit ilang beses pa nilang pag laruan ang puso ko, hindi ako susuko hanggat hindi mahanap ang the one ko.
Ang mama at papa ko, masayang namumuhay hanggang ngayon. Dahil kahit anong daming pag subok sa buhay nila, kapag mahal daw ang isa't isa, walang bibitaw at walang suauko. Kakayanin kahit hirap at gusto nalang bumitaw. Kasi ang pagsubok sa relasyon ay siya ring nag papatatag nito.
Si mama ang tagapag payo ko sa buhay pag ibig ko. Marami na akong naging kasintahan. Pinag laruan, niloko, at sinaktan. Pero kahit anong sakit kailangang mag pakatatag hanggang mahanap mo ang kaisa isang para sa'yo. Yung lalaking kaya ibigay alang alang sa iyo.
