CHAPTER 12

473 11 0
                                    

Kumalat sa buong bayan ang pagtakas ng mag-ina at laman sila ng usap-usapan ngayon. Pinaghahanap na sila at nasa diyaryo na ang picture ng tatlo. Labas lang kay Mico dahil hndi siya kilala, maging ni Aling Linda.

-----

Dumating sila sa safe house na iyon. Kakaiba ang lugar na iyon na animo'y nasa loob ng maliit na kagubatan.

Medyo malaki ito at sementado. Walang nakakaalam sa lugar na iyon dahil may kalayuan sa ilang baranggay. May ilaw naman sila rito na gawa sa generator at may telebision na pinapanooran nila ng balita.

Habang tuluyan na ngang nawawala si Jumary sa sarili dahil lagi itong nakatulala. Walang kaimik-imik at laging malungkot ang mababanaag mo sa kanyang mukha.

-----

Samantala, dumating na rin kay Teddy ang balita tungkol sa kanyang kaibigan na si Jumary habang inaalagaan siya ng kanyang Tita Doray at itinigil na rin ng pulisya ang pagbabantay sa kanya sa hospital dahil sa napatunayang walang kasalanan ito. Bagkus ay ginagawa nila ang lahat upang tuluyang mapagaling ito.

Teddy: Ito ang dahilan kaya ako umiwas sa inyo, Jumary. Hindi ko kinaya ang mga nakita ko noong isang gabi nang mapatay mo si Cardo...          -ang nasa isip ni Teddy.

Natulog si Teddy nang mga sandaling iyon kina Jumary. Magkatabi ang dalawa sa isang kama at nagising siya habang binibigkas ni Jumary ang pangalan ni Cardo. Samantalang nakapikit ito't nakahiga sa tabi ni Teddy.

Jumary: Napalungkot mo ako, dahil napalungkot mo si nanay, dahil sa ginawa mo sa asawa mo, kaya't humanda ka...               -mga bulong ni Jumary habang nakikinig si Teddy.   Maya-maya'y pumikit ulit si Teddy dahil sa naramdamang pagtayo ni Jumary. Pagkatapos ay mariin niyang idinilat ang mga mata at kitang-kita niya kung paano magbago ang anyo ni Jumary.

Kinuha ang palakol, at isang bagay na kakaiba. Lumabas ng kuwarto, at tinungo ang labas ng bahay. Sinuyod ang maisan at sinundan siya ni Teddy. Hanggang sa mapatay nito si Cardo at siya naman ang nakita ni Santillan.

Muli'y napasinghap nang malakas si Teddy nang dumilat siya. Nakasandal habang nasa loob ng hospital. Sumunod na naglaro sa isip niya ang mga sandali ng pagkakahuli sa kanya.

Sa pagkakataong iyon ay nakitulog siya sa tatlong kaibigang si Roy, Michael at Buloy. Lumabas siya ng bahay at saktong naramdaman niya ang kakaiba sa likuran ng bahay. Nakahilera kasi roon ang ilang puno ng mangga at niyog. Sinundan niya ang naramdaman at kitang-kita ulit niya si Jumary, at sa pagkakataong ito'y siya ang napagbintangan at nahabol ni Mendoza.

Teddy: Bakit sa 'yo nangyayari iyan, Jumary? Sino ang sumasapi sa 'yo?

-------

Joshua: Ate, pare, kailangan nating magplano upang malutas ang mga kababalaghang ito.     -habang magkatabi ang tatlo sa lamesa, samantalang nasa loob ng kuwarto si Jumary.

Joselyn: Ano'ng plano mo, Joshua?

Joshua: Ate, siguro nakakabuting dito ka lang at bantayan mo lang si Jumary. Kami naman ni Mico ay babalikan natin ang San Agustin, sa bayan mo, ate...   - habang nakikinig ang dalawa.

Mico: Mayroon pa akong ibang alam, pare.

Joshua: Ano 'yon?

Mico: May isang kaso noon sa Mindanao na katulad ng nangyayari kay Jumary. I think, magkakonektado ang dalawa, at maaari tayong kumalap ng impormasyon sa lalaking sinapiaan din.

Joselyn: Oo, alam ko rin 'yan. Pero ano naman ang konektado niya? Samantalang malawak ang pagitan ng lugar at magkaiba ng panahon ang pangyayari...

Joshua: Tama ka, pare. Kailangan rin natin puntahan ang taong 'yon. Pero, 'di ba, baliw na raw ngayon 'yon?

Mico: Oo, pero aalamin natin. Malay mo, baka may makuha tayo kahit papaano.

Joselyn: Tama 'yang iniisip n'yo. Pero kailangan muna n'yong alamin ang tunay na ikinamatay ni Samuel sa San Agustin.

Joshua: Oo, ate, 'wag kang mag-alala. 'Nga pala, pare, paano ako makakapunta sa Mindanao, eh, 'di ba, wanted na rin ako?

Mico: Magdi-disguise ka, pare, at ako na ang bahalang kumuha ng pekeng ID para maikuha ka ng ticket.

Joshua: Salamat talaga, pare...

Joselyn: Joshua at Mico, aasahan ko kayo sa balak n'yong dalawa. Pero sana, makabalik kayo rito bago pa sumapit ang bagong buwan. Sa pagkakataong iyon ay 'di ko na kayang pigilan ulit ang paglusob ni Jumary. Kailangan ko kayong dalawa rito...

-------

Colonel: Mr. Mendoza, ikinalulungkot kong ipaalam sa iyo na pansamantala kang sinisibak ng taas sa serbisyo...

SPO4 Mendoza: Ah, bakit, sir?! Hindi naman makatarungan 'yan, ah?

Colonel: Hindi makatarungan ang pagpapahirap mo sa batang iyon! Wala kang ebidensya na siya ang may kagagawan! 'Tapos, walang awa mo pang pinagbabaril sa magkabilang braso.

SPO4 Mendoza: Alam n'yo naman, sir, na nadala lang ako sa galit ko nang mga oras na iyon dahil sa sinapit ni Jorge.     Ngayon, sa lahat ng paghihirap ko sa kasong ito ay ito pa ba ang magiging kapalit?!

Colonel: Kung ginamit mo sana nang maayos ang kukute mo, 'di sana hindi sa 'yo mangyayari ito. Alam mo naman sa batas natin, hindi pinapairal ang tapang kundi sa 'isip' ginagamit.

-------

Hindi matanggap ni Mendoza ang kinahinatnan niya, dahil doon ay lalong umapaw at nagliyab ang galit niya sa mag-inang iyon.

Mendoza: Lintik na mag-inang iyon. Humanda kayo sa akin, hindi ko kayo titigilan hangga't hindi ko kayo napapatay.                   -wika niya habang nakaharap sa kanyang salamin na tila nababaliw...

(Ano ba ang dahilan ng lahat ng kababalaghang ito? At hanggang saan hahantong ang buhay ng binatilyong si Jumary?)

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITWhere stories live. Discover now