CHAPTER 5

618 15 0
                                    

Muli ay tipon na tipon na naman ang mga tao sa panibagong bangkay na si Jude na nakahandusay lamang sa likuran ng bahay nila.

Nagising na lang ang tatlong magkakaibigan mula sa maiingay na tao sa labas ng bahay na iyon.

Madaling araw pa lang ng mga sandaling ito...

At kasunod na dumating ang mga magulang nito, at umiiyak sila, at 'di makapaniwala sa natamo ng kanilang anak.

SPO4 Mendoza: Lintik na killer na 'yan! Nalusotan na naman tayo, ah!   -ang galit nang si Mendoza.

SPO2 Santillan: 'Di ba, partner, sabi ko naman sa 'yo na kakaiba na talaga ang salarin na iyan...

Habang nakatayo na naman ang dalawang pulis sa bangkay na iyon, dagsaan ulit ang reporter at mga tao mula sa magkakabilang baryo.

Isinama naman ng dalawang pulis ang tatlong kaibigan ni Jude upang imbestigahan pero wala ring kasagutan, at tulad ng ibang nabiktima, malinis pa rin ang paggawa ng salarin.

Teddy: Kawawa naman 'yang si Jude, Jumary, 'no?, kahit masama ang ugali niya, kahit papaano ay kapitbahay at ka-schoolmate padin natin siya, kaya't pinapatawad ko na siya.     -habang nakatayo ang dalawa sa 'di kalayuang bangkay ni Jude na tinakpan na lang ng kumot.

Jumary: Sobra na talaga ang mga nangyayaring kababalaghan sa bayang ito. Kailan kaya ito matatapos?

Teddy: Aba, Jumary, sana nga mahuli na ang serial killer na iyon, at alam mo kung may mapupuntahan lang akong iba, eh, lalayas na ako sa lugar na ito. Hindi natin alam kung sino ang isusunod niya.

Jumary: Pero siguro mabuti na rin 'yan kay Jude. Ang daming galit sa kanya.   -habang nakatitig si Jumary sa kinaroroonan ng bangkay.

Teddy: Oo nga, pero ipinagtataka ko lang, lahat ng mga nabibiktima ay mababait namang tao. Bakit itong si Jude ngayon ang biniktima na masama ang ugali. 'Di ba?

Teddy: At saka dati-rati, minsan naiisip ko, baka itong si Jude ang killer kasi dahil sa kapangitan ng ugali.

Jumary: Oo, pero hindi ba't minsan na rin siyang isinama sa presinto upang imbestigahan, pero hindi naman siya...

Teddy: Nga pala, Jumary, bakit ba ayaw n'yong lumipat sa ibang lugar para ligtas ka din?

Jumary: Ewan ko ba kay inay. Siguro hindi naman ganoon kadali iyon. Unang-una, matitigil ako sa pag-aaral, maiiwan namin ang bayang ito na kinalakihan ko at nandito ang tahanan at hanap-buhay ni inay.

Teddy: Kung sabagay nga, tama ka.

Maya-maya'y dumating na ang ambulansyang kakarga sa bangkay ng biktima at sumakay naman ang mga magulang ni Jude rito.

At umuwi na rin ang dalawang matalik na magkaibigan.

Aling Joselyn: Hoy! Jumary, anak?! Galing ba kayo sa bangkay ng salbaheng iyon?   -tila medyo galit na pagtatanong ng ina ni Jumary.

Teddy: Tita Joselyn, eh, hindi naman namin matitiis na hindi pumaroon, eh, halos lahat ng mga tao rito ay nagkakagulong nakapalibot doon, eh.

Aling Joselyn: Hoy, Teddy, kahit na, wala akong pakialam sa mga tsismoso't tsismosang kapitbahay natin. Basta sinasabi ko sa inyo, hindi maganda ang dulot niyan sa inyong isipan, okay?!

Jumary: 'Nay, pasensya na po, pero paano kaya kung umalis na lang tayo rito, para mapalayo tayo sa panganib dito.

Teddy: Oo nga naman, tita, para hindi na rin nakikita ni Jumary ang mga bangkay na napapatay.

Joselyn: Hindi muna, anak. Kasi wala pa namang napapatay na binatilyo ang salarin na iyon na nasa kaedad mo. Ang pawang pinapatay lang niya ay 'yung nasa edad na desi-otso pataas.

Teddy: Tita, bakit alam na alam n'yo?

Joselyn: Eh, siyempre, bawat nabibiktima ay ibinabalita sa TV at sinasabi kung ilang taong gulang ang biktima, 'di ba?

Teddy: Tama nga po pala, tita.

Jumary: 'Nay, pasensya na kayo, ah?              -pagpapaumanhin ng binata.

At sumapit ang isa na namang gabi, tahimik ang paligid sa probinsyang ito. Tanging madidinig mo lang sa labas ay mga huni ng kuliglig o iba pang maliliit na hayop at ang mga sasakyang nagpapatrol sa kapaligiran ng probinsyang ito. Ipinagbabawal na rin ng mga pulisya ang mga taong nagsisilabasan sa dis-oras ng gabi.

Malamig ang simoy ng hangin nang mga sandaling ito.

Samantalang ang nanaginip na naman na si Aling Joselyn, tila siya ay binabangungot.

Kitang-kita ng mga mata niya, isang lalaki ang walang awang pinapatay. Hindi niya mailingon ang sariling mukha upang makita kung sino ang nagpapahirap sa lalaking ito habang gumagapang.

"Huuh! Tama na! Maawa na kayo!"       Ang lumuluhang lalaki dahil sa hirap na dinaranas niya, pero hindi makita ang mukha ng lalaking iyon, habang nilalatigo nang malakas sa likod nito mula sa isang 'di kilalang tao.

Kasunod na biglang nagising si Aling Joselyn, alas-dos na nang mga sandaling iyon. Tumayo siya at pumunta sa salamin. Pinagmamasdan niya ang kanyang sarili, ang kanyang kaanyuan, kasabay ng mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan.

"Sino nga ba ang napapanaginipan kong iyon? At bakit kakaiba na lang lagi ang pakiramdam ko? Tila ang bigat ng katawan ko, parang kakaiba na mahirap ipaliwanag? Kung kailan nag-umpisang mangyari ang patayan ay saka ko rin ito naramdaman. Nakakapanibago talaga, pero ano nga ba ang nangyayari sa akin? Sino na ba ako ngayon?"

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon