CHAPTER 2

805 18 0
                                    

"Jumary, grabe naman ang ginawa sa biktima. Natatakot na ako sa mga nangyayari baka mamaya, ako pa ang sumunod dito!" wika ni Teddy habang tinuturo ang biktima.

"Sino mang gumawa niyan, ay napakawalang puso! Isang araw, mahuhuli din siya," wika naman ni Jumary.

"Alam mo, Jumary, sana nga mahuli na nila ang killer, at bagay doon ay bitayin ng sampung beses!" panggigigil ni Teddy.

"Oh, paano ba 'yan, sumama ka na sa bahay, 'inaantay na naman siguro ako ni Nanay, tanghaling tapat na, eh," wika ni Jumary.

"Oo, at baka pinaghahanap ka na naman ng mommy mo! Alalang-alala na naman 'yon kung nasaan ang baby niya," pabiro ni Teddy sa kaibigang maituturing na mama's boy.

Si Jumary at si Teddy ay matalik na magkaibigan. Magkapatid na rin ang turingan nila dahil pareho silang lumaki sa bayang ito.

si Jumary ay ulila na sa ama. Hindi niya nakilala ang ama. Hindi niya alam kung buhay pa ba o patay na ito. Hindi kasi nagkukuwento ang ina niya tungkol dito. Ayaw na ayaw ng ina niya na nagtatanong siya tungkol sa ama. 'Di bale, masaya naman siya kahit walang aman dahil sobrang mahal na mahal siya ng kanyang ina kahit binatilyo na siya sa edad na 16-anyo ay baby pa din ang turing sa kanya ng ina.

Si Teddy naman ay matalik niyang kaibigan na nasa edad 18. Mistisong american-african si Teddy, kumbaga, kano ang ama niya pero maitim na kano. Iyan ang namana niya sa ama dahil nananalaytay sa kanyang balat ang kulay itim at kulot na buhok pero tulad ni Jumary, hindi rin niya nakilala ang ama. Sa litrato lamang niya ito nakikita dahil matapos siyang ipagbuntis ng ina ay bumalik sa America ang ama at iniwan sila sa Pinas.

Ang ina rin niya ay 'di na niya nakasama dahil namasukan na rin ito sa Australia mula nang isilang siya at ang tita na lang niya ang nag-aruga sa kanya, pero lasengga ang tita niya at laging galit. Kaya't ito rin ang dahilan kung bakit siya laging natutulog at nakikikain kina Jumary at welcome naman siya sa mag-ina, dahil hindi na iba ang turing nila rito.

"Jumary, anak!" tawag ni Aling Joselyn habang papalapit kay Jumary at Teddy samantalang naglalakad ang dalawa papunta sa bahay nila Jumary. "Oh, anak ko! Saan ka na naman ba nagpupupunta, at ayan tuloy, pawis na pawis ka!" mga pag-aalala at malambing na boses ni Aling Joselyn sabay na pinupunasan ang pawis ni Jumary sa mukha, leeg at likod nito mula sa tuwalyang dala dala.

"'Nay, 'wag naman dito, nakakahiya. Malaki na ako, ano na ang iisipin ng mga nakakakita," pakikiusap niya sa ina habang patingin-tingin sa paligid.

"Dapat hindi ka pinapawisan lagi, lalo na diyan sa likod mo, baka mamaya magkasakit ka pa," mga pag-aalala ng ina.

"Jumary, nahihiya ka pa ba? Eh, halos oras-oras sa 'yo ginagawa ni Tita Joselyn 'yan, eh," kantyaw ni Teddy.

"Anak ko, pumunta na naman ba kayo doon sa bangkay na natagpuan?" tanong ni Aling Joselyn.

"Opo, inay.." nakayukong sagot niya.

"Ikaw talaga, Jumary, sa edad mong 'yan, eh ,nakakita ka na ng pinapatay! Sa susunod, 'wag na 'wag kong madidinig na pumupunta kayo diyan, okay?!" magkahalong lambing at medyo galit na boses ni Aling Joselyn, "at ikaw teddy, isa ka pa diyan, ah, dapat, ikaw ang humaharang kay Jumary sa mga 'di niya dapat masilayan, dahil ikaw ang nakakatanda," bulyaw niya kay Teddy.

"Pasensya na po, tita," ang napayuko ring si Teddy.

"Ah, siya! Halina sa bahay at makapagpananghalian na, nakahanda na ang pagkain sa lamesa," wika ni Aling Joselyn, at tinungo nila ang bahay.

Hindi naman kalakihan ang tahanan nila. Mahirap lang din sila, may dalawang kwarto, isang banyo, isang kusina at isang sala kung saan sila nanananghalian. May bakuran na maliit kung saan pinagtataniman ni
Aling Joselyn ng mga gulay at may maliit siyang patahian na kadikit lang ng kanilang bahay. Ito ang hanap-buhay nila, ayos lang naman ang kita dahil nagkakasya naman sa araw-araw nilang gastusin.

"Mare! Mare!" ang hingal na hingal na si Aling Linda, ang tsismosang kapit-bahay nila.

"Oh, bakit, mare at parang hinahabol ka ng masamang esperito?!" salubong na sagot ni Aling Joselyn habang nasa hapagkainan sila.

"Mare! 'Yung lalaking pinatay! Kilala ko 'yon!" ang nagkakandautal na si Aling Linda.

"Aba'y sino naman 'yon?" tanong din ni Aling Joselyn.

"'Yon 'yung kaibigan ni Cardo sa kabilang bayan na nakadalo rito kailan lang noong mag-birthday itong si Jumary," pahayag ni Aling Linda.

"Eh, ano naman ngayon?" pasingit ni Teddy.

"Eh, hindi n'yo ba naiisip na lahat na lang ng napapatay ay puro natin kilala o nakakasalamuha?" pahayag ni Aling Linda.

"Eh, Nagkataon lang 'yon, mare. Sige na, mare, dahil hindi maganda sa pandinig ng mga bata ang tungkol sa mga 'yan," usal ni Aling Joselyn."

"Aysuuss, mare, mga bata pa ba 'yan. Sige ka, baka wala ng magkagusto sa mga binatilyo mo, eh, pinapalaki mo silang isip-bata," sagot naman ni Aling Linda...

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITWo Geschichten leben. Entdecke jetzt