CHAPTER 3

693 19 0
                                    

Joselyn: Anak... Gising na at mala-late ka na sa pagpasok mo. -malalambing na tinig ang pumukaw sa mahimbing na tulog ni Jumary.

Bumangon na ito at tinungo ang C.R. at naligo. Pagkatapos ay isinuot ang mabango at bagong laba niyang uniporme sa school. Nagpabango at nagsuklay sa harapan ng salamin, kasunod na tinungo ang lamesa.

Joselyn: Oh... ang gwapo talaga ng baby ko, kaya maraming nagkakagusto sa 'yong dalagita. -panlalambing ng ina habang hinahanda ang agahan ng anak.

Jumary: Eh, siyempre, inay, saan ba ako magmamana? Kundi sa iyo, kasi kapag maganda ang ina, gwapito din ang anak. -paglalambing din ni Jumary.

Joselyn: Pero, baby, promise mo sa akin na 'wag ka munang mag-g-girlfriend, ah? Saka na kasi, bata ka pa at gusto kong magtapos ka muna para gumanda ang buhay mo.

Jumary: Opo, 'nay. 'Wag kayong mag-alala, saka na 'yang mga babae, kasi 'nay para sa akin ay kayo lang muna ang babae sa buhay ko.

Joselyn: Ang baby ko talaga, ang lambing na...

Teddy: Oh, Jumary, halika na't mala-late na tayo. - si Teddy na kararating lang mula sa bahay ng tita niya at nasa ayos na rin ito para sa pagpasok.

Joselyn: Oh, sige na, anak, ah, at 'di pa muna kita maihahatid ngayon kasi 'andami kong tatahiin na in-order sa akin para sa darating na piyesta sa kabilang bayan.

Teddy: Okay lang po 'yan, tita, mas maganda na pong hindi kayo nakabuntot lagi kay Jumary, 'ayan tuloy, hanggang ngayon ay 'di pa nagkaka-girlfriend. Nadi-discourage 'yung mga naggagandahang girls kapag nakikitang hatid-hatid mo siya.

Joselyn: Hoy, Teddy! Tumigil ka diyan, puro na lang kalokohan ang nasa kukute mo. -saway nito kay Teddy.

Jumary: Sige po, inay, at tutuloy na kami... -at hinalikan sa pisngi ang ina.

Teddy: Jumary, may ipapakilala ako sa 'yong cute na babae, at crush ka daw niya. -paumpisa ni Teddy,

Jumary: Hay, naku, Teddy, ilang beses kong sasabihin sa 'yo na ayaw ko na muna...

Teddy: Hoy! Anong ayaw, bakla ka ba? Kahit bago ka lang mag-16, dapat marami ka ng girlfriend. Madami ba namang nagkakagusto sa 'yo tapos, sinasayang mo lang.

Jumary: Eh, bakit ikaw? Malapit ka nang mag-desi-otso, eh, wala ka pa namang siyota, 'di ba?

Teddy: Anong wala? Mayroon na, kaya lang, lingguhan lang. Kasi, ayaw naman talaga sa akin ng mga babaeng nabobola ko, paano kasi, pangit ako at negro... -mga malulungkot na bigkas ni Teddy,

Jumary: Magda-drama ka na naman...

At papalapit na ang dalawa sa jeep na nakaparada.

Pumasok na sila sa jeep at mabilisan namang napuno ang loob dahil sa maraming mag-aaral na tumutungo sa kabilang bayan kung saan, naroroon ang kanilang paaralan.

Maya-maya'y dumating na sila at nagbabaan...

Tinutungo na nila ang gate ng school nang matanaw nila si Jude kasama ng tatlong ka-grupo nito.

Kilala ito sa tawag na hudas dahil sa ubod na pangit ng ugali. Mayabang, malaki at siga sa school. Ang kasalukuyang nasa 4th year na si Jude. 18 years old ito, pero dahil sa adik ay mukha nang matanda at ito nga'y kinatatakutan ng mga mag-aaral. Ngunit siya ay ka-baranggay nila Jumary, hindi nga lang magkalapit ang bahay nila.

Teddy: Oh, ayan na naman at nakatambay sa karenderiaa ang sigang si hudas, at kasama pa ang mga alagad niya...

Jumary: 'Wag mo ng pansinin at lingunin. Diretso lang tayo ng lakad.

Pagtapat nila sa karenderia, 'di nalalayo sa gate ng cchool ay tinawag sila ni Jude.

Jude: Hoy! Mama's boy at negrito! Hali nga kayo rito.

Huminto ang dalawa at nagkatitigan.

Jude: Mga pare, hindi 'ata ako naririnig ng dalawang unggoy na ito. -habang magkakatabi ang mga badboy ng school.

Buloy: Gusto yata makatikim, Jude? Upakan na kaya natin...

At nilapitan nga nila ito at pinaligiran.

Jude: Hoy, mama's boy, nakakapagtaka naman at wala ngayon ang buntot mo?" -matapang niyang boses.

Teddy: Jude, eh, na-busy lang ang ermat niya, eh, puwede mp ba kaming padaanin, please. -panunuyo nito.

Jude: Bastos ito, ah! Anong padaanin?! Kakalapit ko nga lang sa inyo ,eh, 'tapos aalisan n'yo na ako! -sabay sapak sa ulo ni Teddy, at napaurong pa si Teddy kasunod na nahipo ang sariling ulo.

Jude: Hoy, Mama's boy! Akin na 'yung sengkwenta mo diyaan, pang-'yosi' lang nami. -sabay abot ng palad nito.

Jumary: Ah, Jude, pasensya na pero wala akong baon ngayon, eh...

Dahil doon ay nag-init si Jude at hinawakan sa t-shirt sa may dibdib si Jumary at hinila. Sabay aksyon ng kamao nito sa mukha nang napapikit na si Jumary.

Jude: Oh, ano?! Gusto mo bang basagin ko muna ang pagmumukha mo!

Jumary: Oh, sige! Ito na... -sabay abot ng baong 50 pesos kay Jude habang nanginginig ang kamay niya.

Agad kinuha ni Jude ang pera at itinulak si Jumary.

Jude: Magbibigay lang pala ,eh, pinapatagal pa... -habang nakaupo pa rin sa lupa ang binatilyong si Jumary mula sa pagkakatulak ni Jude sa kanya.

Tumalikod ang apat at lumayo habang nagtatawanan.

Sunod-sunod naman ang mga mata ni Jumary sa kaaway habang papalayo.

Galit na galit ang mga mata ni Jumary na tila nanlilisik at mapupula.

'Di niya napansin na nakatitig sa kanya si Teddy at nagtataka sa kanya...

Teddy: Kakaiba naman 'tong nakikita ko kay Jumary. Totoo ba ito? -pabulong sa sarili.

Jumary: Hoy! Ano ba't nakatitig ka diyan? Hindi mo na ako inakay patayo...

Teddy: Ah, eh, Pasensya ka na, Jumary. Namalikmata lang kasi ako...

Jumary: Eh, ano bang nakita mo sa akin? Para kang nakakita ng demonyo...

Teddy: Hindi, Jumary. Hayun nga ang apat na demonyo, oh... -sabay turo ni Teddy sa nakalayo ng grupo ni Hudas...

At nagtawanan na lang sila...

ITUTULOY>>>

THE KILLER SPIRITWhere stories live. Discover now