Our Real Love Special Update: YUAN'S POV

Start from the beginning
                                    

"Parang gets ko kung bakit," pag-sang-ayon ko.

Tumangon naman si Lace. "Dati, halos ihatid na tayo sa bahay natin sa sobrang dikit niya sa 'tin. Makita lang tayo sa daan, siya pa 'tong nagpapahaba ng usapan."

"Kung sabagay, tama ka diyan," sagot ni Sawyer.

"Kaya bumalik ako sa loob para puntahan ulit siya. Nakita ko siyang nasa counter na, nagbabayad. Pagkita ko sa pinamili niya...imposibleng isang brown bag lang inabot lahat nang nilagay niya sa cart. Sinundan ko siya palabas, pero hindi sa carpark papunta si Manager...sa sakayan ng jeep."

"Kahit gusto kong isipin na nagtitipid lang si Manager, imposible 'yun," mahinang sabi nitong si Sawyer. "At isa pa...siya 'yung nago-grocery para sa sarili niya? E 'di ba...alagang-alaga ng Daddy niya si Manager? Unica hija."

Napatingin ako kay Lace. Halatang may 'di pa siya sinasabi.

"Sabihin mo, pre, kung ano pa nangyari."

Tumango siya. "Kahit na tingin ko, mapapahiya si Manager kapag nagpakita ako eh ginawa ko pa rin. Tinawag ko siya saka sinabing sa 'kin na sumabay. Pulang-pula mukha niya sa hiya pero napa-okay na lang siya sa 'kin nang kunin ko 'yung dala niya. Tatanungin ko n asana siya nung nasa isip ko nang unahan niya 'ko magsalita sa loob ng sasakyan. Humingi siya ng favo na 'wag sabihin sa iba 'yung tungkol sa nakita ko. Tinanong ko kung may financial problem pba sila ni Tito pero natawa lang siya dahil siya lang ang may financial problem. Hindi raw kasi suportado ng Daddy niya pagbalik dito sa Pinas. Hindi siya binigyan ng pera, nangutang lang din daw siya ng ticket pauwi saka tuition fee niya sa Austine. Gusto niya daw talaga bumalik dito kaya nagpumilit siya."

"Sa tingin n'yo..." Tumingin ako sa kanilang tatlo. "Kailangan ko pa magtanong kung bakit niya gustong umuwi dito sa Pinas?"

"Dahil it's more fun in the Philippines?" seryosong sagot ni Sawyer.

"Sira, hindi 'yun."

"Loko, tinitingnan ko lang kung matalino ka. Syempre, dahil miss niya tayo. Sus."

"Hindi lang 'yun," dagdag ni Lace. Mukhang iisi na nasa isip namin.

"Tama," habol ko. "For sure...dahil din 'yun kay Manong."

"Totoo 'yan," sagot ni Sawyer.

"Kanina ang sabi mo—."

"Sssshhh..."

Isang malaking "BAKIT!??" ang nangyari sa relasyon nina Manager at Manong. Nang umalis si Manager, medyo okay pa sa umpisa si Manong pero habang tumatagal – mas nakakatakot na siyang lapitan. Init ng ulo, at sakit din dumipensa. Bugbog-sarado lagi babantayan niya e.

Tapos nawalan na kami ng balita sa kanila hanggang sa maka-graduate kami.

And then...Nandiyan na si Louisa the nurse.

Hindi naman sa bias kami pero...syempre mas gusto namin si Manager Andy. Iba pa rin 'pag siya, at iba rin ang mood ni Manong Dare nung sila pa. Mukhang okay naman siya ngayon na sila ni Louisa pero mukhang masaya si Manong no'ng si Manager ang kasama niya. Duda lang talaga ako na nagkaroon ng closure 'yung dalawa, at kung todo-bigay na talaga ang pagtingin ni Manong kay Louisa. Tingin ko kasi...hindi pa, eh.

Naalala ko no'ng party, hindi ko na lang sinabi sa iba, nahuli ko si Manong Dare na nakatingin kay Manager Andy habang nakikipag-usap kay angelic Lilian. At ito pa, ah!? Katabi lang niya si Louisa no'n na kausap naman sina Tito at Tita.

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Where stories live. Discover now