"Talaga po,Naging masaya po ba kayo ni papa"

Ngumiti sa akin si Mommy at hinaplos ang Buhok ko "Oo naman lalo na ng isilang ka kaso nawala ang papa mo,binawi na siya ng Diyos sa atin."

Pumait ang ngiti

"Mommy..."

"Okay lang ako anak, tanggap ko na nawala na ang Papa mo. Anak bakit di mo subukang pumikit din at isipin kung gaano mo kamahal si Ambo."

"Pero-"

"Anak, walang masama kung susubukan mo atleast sinubukan mo at sinisiguro kong wala kang pagsisisihan kung sakaling piliin mong mahalin siya Habang buhay."

"Opo mommy"

Pumikit ako tulad nang sinabi ni Mommy ay inisip ko kung gaano ko siya kamahal.
Naalala ko ang una naming pagkikita,  napaka sungit niya noong oras na iyon.

Naalala ko ang oras na pumayag akong maging Gf niya, nakita ko noon na napaka buti niyang Lalaki.

Naalala ko ang oras na mapahiya siya noon sa prom, feeling ko ako ang nasaktan dahil sa nangyari sa kanya at nasaktan ako ng maalala kong umalis siya.

Naalala ko ang muli naming pagkikita at napaka saya ko noong oras na iyon,"Grabe siya walang tatalo sa Kasungitan niya" lahat ng iyon ay naalala ko hanggan sa maalala ko ang paghalik niya muli sa aking labi noong nasa Play ground kami at nakaupo sa Swing.

Napangiti ako Dahil sa isipan ko Nakita kong gusto ko siyang Makasama habang buhay, gusto kong tumanda at magkaapo na kasama siya.
Nawala ang Takot ko at napalitan ito ng Saya.

"Alam ko na po Mommy, maraming salamat po" nakangiting sabi ko kay Mommy

"Mabuti naman Anak" sabi niya at lumabas na sa kwarto ko.

Kinuha ko ang Cell phone ko at tinawagan ko si Ambo, ring lang ito ng Ring kaya nagalala ako at tinawagan ko naman si Ken.

"Helow ken?"

"Lorna!!!" Bungad nito sa akin na

"Tinatawagan ko Si Ambo walang Sumasagot eh-"

"Nasa hospital kami ni Ambo,inatake siya ng sakit niya" ang sagot niya na ikinanginig ng buong katawan ko

"Huh?Ano!Okay lang na ba siya?Okay ba siya saang Hospital mo siya dinala?" Alalang sabi ko

"Lorna Relax Okay na siya, Sandaling huminto ang Puso niya kanina dahil naapektohan ito pero Okay na siya, Ang kaso baka bukas pa siya magising" sabi ng Doctor.

Napaluha ako ng maisip kong ako na ang dahilan kung bakit siya inatake ng Sakit niya

"Ken please sabihin mo naman sa akin kung saan mo siya dinala oh?please!"

"Sige itetext ko na lang" sagot niya

Napaluha ako at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, tumingin ako sa nakasabit na Cross sa aking kwarto at naisip ko na magdasal para sa kanya.

"Panginoon Nagmamakaawa po ako Huwag niyo po siya kuhain sa akin,mahal na mahal ko po si Ambo,MAHAL NA MAHAL KO PO SIYA PANGINOON" umiiyak napagmamakaawa ko

Mayamaya ay tinext niya sa akin ang location ng Hospital at dali-dali akong pumunta.

Pagpunta ko doon, nakita kong walang malay na nakahiga sa kama ng hospital si Ambo, sa tabi niya ay nakaupo naman si ken.

"K-ken ayos lang ba siya?"

Tumayo si ken at lumapit sa akin.

"Lorna, Don't worry he is Okay, sa tingin ko bukas gigising na siya."

Nerd and the The Bully GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon