Chapter 22

353 10 1
                                    

Past Girlfriend and now may future Wife


Ken POV

Sinundan ko ang kotseng sinasakyan ni Ambo Dahil sa Takot na baka maisipan niyang Magpakamatay noong oras na iyon.

Nakita kong huminto siya saglit at itinapon niya sa labas ng bintana ang isang bagay at muli siyang nag drive ng kotse niya.

Bumaba ako saglit upang kuhain ang bagay na itinapon niya, pagkatapos ay muli ko siyang sinundan.

Ivan POV

Itinapon ko mula sa Bintana ang binili kong engagement ring with box para kay Lorna Dahil sa sakit ng ginawa niyang hindi pagpayag, pagkatapos ay ipinarada ko ang kotse.

Lumabas ako sa kotse ko upang umuwi na sana sa bahay ng biglang naramdaman kong muling nanikip ang dibdib ko.

Muli ay bumalik lahat ng sakit na nararamdaman ko ang pag iwan sa akin ng nanay ko, nang ama ko, pagkamatay ng Lola ko at pagiwan nya sa akin ngayon lahat yon bumalik at nagsam-sama sa utak ko.

Ken POV

Nakita kong lumabas na kotse ni Ambo, bumaba ako sa kotse ko upang kausapin sana siya ng biglang makita ko siyang nakahawak sa Dibdib niya at sumisigaw sa sobrang sakit, pagkatapos ay muli siyang nawalan ng malay.

"Ambo!"

Lumapit ako sa kanya agad at sinalo siya.

"Ambo!"sigaw ko ng makitang halos na mumutla ang kanyang mukah

Hinawakan ko ang dibdib niya, napaluha ako nang maramdamang hindi tumitibok ang kanyang puso."hindi toh pwede"Hinawakan ko ang pulso niya sa leeg at kamay at naramdaman kong tumitibok pa ang mga pulso niya,Agad ko siyang sinakay sa kotse ko at Dinala sa Hospital.

Lorna POV

Nasa kwarto ako, malungkot at gulong-gulo ang isipan ko

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako masaya at hindi ko tinanggap ang proposal niya

Pumasok sa kwarto si Mommy,lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko.

"Anak,bakit hindi ka pumayag?" Tanong ni Mommy

"Parang hindi pa kasi ako handa eh,feeling ko natatakot ako na pagpumayag ako baka-"

"Baka magbago ang pagibig niya sayo o magbago ang pagibig mo sa kanya?ganun ba ang kinatatakot mo?"

"Opo..." Malungkot kong tugon

kasi madalas nababasa ko sa wattpad or.Novel nakapag kinasal ang dalawang karater na nagmamahalan, nagbabago ang buhay nila, Tapos may magbabago ang Damdamin, may magkakaroon ng kabit at sa huli mayiiwanan, Alam ko naman na ang ganung bagay ay sumasalamin sa tunay na buhay lalo na sa mga kasal natao

Kaya naman natatakot ako at hindi handa

"Anak, nakita ko na mahal niyo ang isat-isa at sa tingin ko hindi magbabago ang ang pagmamahalan niyo"

"Pero paano kung magbago siya?"

"Anak kung nakatakdang magbago ang damdamin niya, dapat noon pa man nagbago na pero walang nagbago kahit ikaw wala ding nagbago"

Hindi ako sumagot at pinakinggan ko lang ang mga sinasabi ni mommy.

"Anak alam mo ganyan din ako noon eh, nang mag propose sa akin ang papa mo natakot din ako tulad mo."

"ano pong ginawa nyo?" Tanong ko

"Pumikit ako,inisip kong mabuti ang isasagot ko at sa isip ko nakita kong isisilang kita at magiging masaya kami ng papa mo,nang makita ko iyon na wala ang takot ko at naniwala ako na walang magbabago sa pagmamahalan namin ng papa mo kaya sinagot ko siya ng oo"

Nerd and the The Bully GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon