"NAniwala ka naman sa sinabi niya sayo? Anong sinabi mo sa kanya? Anong sabi niya sa mga bata? Pano ang mga anak niyo? Alam na ba niya na may Jade na kayo?"sunod sunod na tanong naman ni Kyla sa kanya.

"Hindi ako naniwala, at ang sabi ko akin lang siya, wala siyang sinabi tungkol sa mga bata. At hindi ko pa nasabi ang tungkol kay Jade"sagot naman nya.

Bumalik na siya sa pagdedesign ng mga damit.

"Wait, itigil mo nga muna yan at magkwento ka. Kailan niya sinabi na hindi ka niya mahal, para naman hindi ka namin nakita na nagkalapit kayong dalawa."nang-aalalang sabi nito.

"Don't worry Bru, kasi naman wala akong balak na pakawalan si Malik. wala akong plano na mawalan ng ama ang mga anak ko."pagbibigay niya ng assurance sa kaibigan niya.

"Dapat lang noh, tatlo na anak niyo. Anong plano mo?"tanong naman nito.

"So far, wala pa...magpapalamig muna ako ng sitwasyon. Ako naman ipilit kay Malik ang gusto ko"sagot niya sa kaibigan.

Hindi na sila nagkibuan ng kaibigan niya, nag-iisip marahil ng plano kaya natahimik ang kasama.

"Ma'am Kyla, may naghahanap po sa inyo"tawag ng isang staff nila.

Naiwan naman siyang mag-isa sa loob ng opisina nila. Wala naman siya maisip na magandang design ng mga damit. Kaya naman lumabas na din siya ng office nila. Nakita niya ang kaibigan na may client n a kinakausap.

"Hey Girl saan ka pupunta?"tanong sa kanya ni Kyla ng nasa pintuan na siya.

"Just there, bibili lang ng coffee"turo niya sa katapat na coffee shop.

Hindi naman siya nagtagal sa pagbili niya ng coffee, pabalik na siya sa shop nila ng may mapansin siyang sasakyan a tapat ng shop nila. Parang nakita na niya ang kotse na iyon, hindi lang niya matandaan kung saan.

Nakapasok na siya sa loob ng shop ay iniisip pa din niya kung saan niya nakita ang sasakyan na iyon.

"What are you looking at?"tanong sa kanya ni Kyla.

Nakaupo kasi siya sa couch malapit sa glass window ng shop nila at nakatanaw pa din sa labas. Particularly sa sasakyan na nakapark sa labas ng shop nila.

"That car. The red one"turo niya sa sasakyan na nasa labas.

"Napansin mo din, madalas ko makita yan sa labas ng apartment ng parents ni Carla noong dun pa kayo nagstay ng mga bata. And parang yan din ung nakita ko naman sa tapat ng condo niyo last time"paliwanag sa kanya ni Kyla.

Inabotan niya ito ng coffee, habang nag-iisip siya ng malalim.

Bigla niyang naalala kung saan niya nakita ang sasakyan na ito. Tama nga si Kyla nakita na din niya noon sa tapat ng tinutuluyan nilang apartment ng parents ni Carla ang sasakyan na iyon.

Natatandaan nga niya minsan lumabas pa siya para lang hintayin kung lalabas ba ang may-ari ng sasakyan na iyon pero hindi naman lumabas noon. Madalas nga niya itong makita noon, pero hindi na niya napansin pa na sumunod pala ito sa condo nila.

Sino kaya ang may-ari ng sasakyan na yan.?nagtatakang tanong niya sa sarili niya.

Dumating ang kinahapunan ng nasa labas pa din ang sasakyan hindi man lang gumalaw ito para man lang kumain ng tanghalian o magbanyo ang nasakay sa loob nito.

"Girl mauuna na anko umuwi nagloloko daw kasi si Ivan sabi ng yaya niya"paalam sa kanya ni Kyla.

Tinanguan lang niya ang kaibigan niya, at nagpatuloy siya sa ginagawa niya.

Buti nalang at nasa condo pa din ang kapatid niya kaya naman pwede siyang magpagabi ng kaunti na hindi niya iintindihin ang mga anak niya.

Kaya naman habang nag-eenjoy pa siya sa paged-design ng mga damit pinag-igihan nalang niya. Ito naman talaga ang gusto niya noong bata pa siya, fashion designing nga din ang kinuha niyang course noong pinag-aral siya ni Malik noong. Sayang lang at isang semester lang siya.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now