"Well, inaakit mo lang kasi siya kaya naman hindi siya makapagpigil"halata na sa boses ng kaharap niya na napipikon na ito.

Napangiti naman siya sa tagumpay niya, kahit man lang dito makabawi siya.

"Wala pa nga akong ginagawa, naaakit na si Malik sa akin. Lapitan ko pa nga lang siya gusto na niyang magpaputok agad. Pano pa kaya kung may gawin na ako..tsk...tsk...tsk"aniya ditto.

"Hindi ka makakalapit kay Malik, because tonight is the last time you will get near to him"banta naman nito.

"Well galingan mo sa pangbabakod, baka mamaya niyan yong binabakuran mo tumalon na sa bakod ko...at kapag nangyari 'yon mas mataas na bakod na ang gagawin ko para hindi na siya makakaalis sa teritoryo ko"ganting banta niya.

Nagitilan naman ito sa pagsasalita, ngiting tagumpay naman siyang nagsimulang maglakad paalis sa venue ng engagement party nito. tatawagan nalang niya ang kapatid niya na sa parking lot nalang sila magkita.

Pero hindi pa siya natuwa sa mga sinabi niya kaya naman muli siyang humarap sa nang-gigigil na dalaga.

"Ahh, Naomi right...may nakalimutan kasi akong itanong sayo...how come na sa apat na taon niyong steady ni Malik wala pa kayong anak...kasi ako the last time I check hindi pa kami nagtagal ng isang taon buntis na ako agad...kambal ung una..tapos ung huli I guess three weeks lang yata kaming nagsama...buntis na naman ako...tsk...tsk...baka one week nalang ngayon...malalaman mo nalang na....."sinadya niyang binitin ito sa kung anong sasabihin niya.

"BITCH!!!"tili nito.

Natawa naman siya sa naging reaction nito sa mga sinabi niya. hindi na niya pinatulan pa ito at nagsimula na naman siyang maglakad palabas.

Sa nakita niyang reaction ni Naomi alam niyang may laban siya.

Makukuha pa niya si Malik.

Kaya mas ginanahan siyang makuha pabalik si Malik.

At gagawin niya ang lahat maging kanya ulit si Malik.

Siya ang ina ng mga anak nito.

Siya ang unang babaeng inaya nito ng kasal.

Kaya siya lang ang may karapatan na maging MRS. PEREZ.

.............................

"Girl, bakit bigla kang nawala kagabi?"tbungad na tanong sa kanya ni Kyla kinabukasan.

Late ng pumasok ito sa shop, si Carla nga hindi papasok kasi napuyat daw ito.

"Si Malik kasi..."she sound like a little girl na nagsusumbong sa nanay niya.

"Tsk...sayang naman ang hinanda nila Marco"sagot naman sa kanya nito.

"What?"nilingon niya ito.

Nakaupo kasi siya sa table niya na nakatalikod sa may pinto ng opisina ng shop nila.

Bukod kasi sa pagiging model nagtry na din siyang magdesign ng mga damit na ibebenta nila.

"Sabi ko sayang yong hinanda nila Marco para sa inyo ni Malik kagabi"ulit nito.

"Ano naman iyon?"

Wala siyang ideya sa sinasabi ng kaibigan niya, wala naman kasing sinabi ang mga ito na may iba pa palang pinaplano ang mga ito.

"They planned a night for you and Malik...alone time together"nakangising sagot ng kaibigan niya.

"Hmp..Malik told me he didn't love me anymore"nakakunot ang noo naman na sabi niya sa kaibigan.

"WHAT!!!!"gulat na tanong nito.

Malalim na buntong hininga lang ang naisagot niya sa kaibigan niya, nilapitan naman siya nito.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now