25: Almost There

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo, siya ang date ko bukas." Ngumiti ito at binaybay na nila ang daan. "Kasi tatanda na akong mag-isa kasi walang babae na pumapasa sa standards ko."

"Ang drama mo naman," she laughed bago siya tuluyang lumabas ng bahay. "Subukan mo kasi na kalimutan yung standards mo. Just see if you guys jive. Gray and I were never in each other's radars."

Wala pa naman halos alas sais ng hapon, maaga lang talaga pumunta ang mga kaibigan niya sa kanyang bahay kasi doon pupunta ang mga make-up artists. Ayaw niya na kasing mag-hotel kasi mas komportable siya na doon sa sarili niyang bahay kumpara sa kahit anong hotel. Higit na mas malapit din ang simbahan doon at pati na ang venue.

"So saan tayo?" She asked again.

"I'm taking you out of town. Let's have dinner sa Tagaytay. Game ka?"

"Oo naman, just get me home before midnight para naman I could still sleep para maganda ako sa kasal ko bukas. Okay?" She smiled. Minsan niya na lang makasama ito and she knows na magpapatuloy yun kapag kinasal na siya. This guys got her through so much kaya naman this is her gift to him, her time.

"So, kamusta kayo ni Papa Gray?" He laughed a little, iyon kasi ang tawag nito sa boyfriend niya, parang Papa P lang daw na si Piolo Pascual.

"Gray laughs a lot everytime I tell him na you call him that."

"Pogi kasi ni Gray eh, tapos parang si Piolo lang na may anak din na gwapo, in Ethan's case ay super cute." Natawa na lang din siya sa analogy nito.

"Ewan ko sayo! Mas gwapo siya kaysa kay Piolo no!" She said, gwapo man si Piolo, iba ang kamandag ni Gray.

"How are you guys?"

"We're doing great. Iba talaga yung feeling. It took a long time pero dumating din siya finally." She explained. Kulang ang mga salita para maexplain niya ang kung ano mang nararamdaman niya sa relasyon nila. She just knows na he's heaven sent.

"I was waiting for you to turn 34 para di na ako mag-eeffort maghanap ng mapapang-asawa. Iniwan mo ako sa ere." Sabi nito. Natawa naman si Mati kasi natatandaan pa pala nito iyon.

"Sorry na pero di mo na ako pwedeng pagnasahan, humanap ka na daw talaga. Look around, malay mo makita mo lang siya sa tabi-tabi." She always hopes na may makilala nga itong babae na mamahalin ito ng totoo. He has so much love to give kaya he deserves it.

"You've set a high standard Mati. Mahirap ata pantayan yun." He said.

"Bolero. I promise you, may darating. Huwag ka lang talaga magpaligoy-ligoy pa. Okay?" She smiled and focused her gaze sa kalsada.

Mabuti na lang at hindi traffic kaya pasado alas siete y media ay nasa Tagaytay na sila at naghahanap ng makakainan. They settle sa isang 24 hours na Bulalo restaurant. Hilig naman kasi nilang magkaibigan na kumain lang talaga kung saan-saan.

"I'll just take this call." Nagpaalam siya kay Carson bago sinagot ang tawag ni Gray sa kanya.

["Hey,"] bungad sa kanya ni Gray.

"Miss mo na ako no?" She laughed a little.

["Of course naman sweetheart, even Ethan misses you. Kanina ka pa hinahanap."] he said. ["I love you."]

"Oh, saan naman nanggaling yan? I love you too. Sweet mo talaga, kaya kita mahal eh." Sabi niya dito.

["Wala lang, enjoy kayo ni Carson. He texted me where you guys are."] Kaya naman walang room para sa selos sa relasyon nila ni Carson kasi mismong si Carson na ang nagpapaalam kay Gray. Her fiancee trusts her friend.

"Thank you love, babawi lang ako sa mga pag-turndown ko sa mga lakad namin. I'll be home by midnight. See you tomorrow my love."

["I can't wait."] He said bago sila tuluyan nagpaalaman.

Noong makabalik siya sa table nila ni Carson ay andoon na ang orders nila. Namiss niya ang ganitong dinners nila ni Carson.

"Food's here. Kain na tayo." Ngumiti ito at inabutan siya ng plato.

"Baka hindi magkasya ang gown ko sa akin bukas ah! Sinasabotahe mi ang diet ko!" Natatawa niyang bintang dito.

"Hindi no!" He said.

"Thank you Carson sa lahat ng naitulong no sa amin ni Gray." She smiled and grabbed his hand. "Ikaw ang fairy godmother ng buhay ko."

"Godmother talaga?" Napatawa ito bago binawi ang kanyang kamay at sumandok ng kanin.

"Pwera biro, you are one of the many people who paved the way for us."

"You deserve this much happiness Mati and you are happy with him kaya wala akong choice kundi tulungan kang makuha yun." Mati felt sincerity flowing through every every single word that he said.

"Kung deserve ko to, lalo ka na." She smiled.

"Thanks, pero baka mahirapan na ako niyan. No one tickles my fancy." Sabi nito.

"You will find it. Kapag nahanap mo na, huwag mong pakakawalan at huwag kang magpaligoy-ligoy pa. Love comes along unexpectedly." Living testimony siya nun.

"Let's see." He said.

Masaya lang sila ni Carson doon sa mini-outing nilang yun. They laughed and rejoiced together about their lives and friendship. Sigurado siyang patuloy na magiging parte ng buhay niya ang kaibigan niyang ito. There are so many instances in her life that would not have led her to Gray kung wala si Carson para itulak siya sa tamang direksyon.

"I had so much fun."

"Yes, me too. Mauulit to." Binuksan niya ang gate ng bahay nila bago muling humarap sa kaibigan at niyakap ito. "Hopefully next time ay double date na ito."

"I love you." He said. May kaunting hint ng lungkot sa boses nito, bagay na pinagtaka ni Mati.

"I love you too and thank you." Bumitiw na siya sa pagkakayakap dito. "See you tomorrow. Remember to tell me how pretty I am."

"I won't forget." He smiled bago ito sumakay ng sasakyan at nagmaneho papalayo.

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon