25: Almost There

10.8K 241 3
                                    

"I'M SO EXCITED sa outcome nung decorations. The whole place looked amazing kanina noong sinilip namin. I bet magugustuhan ninyo iyon." Sabi ni Kara habang kumakain silang magkakaibigan. Ito kasi ang nagdisenyo ng mga gagamiting decorations at flower arrangements. Binisita na kasi ng mga ito ang simbahan at and hotel kung saan magaganap ang kasalan. Ayaw kasi niyang makita ang lugar para bukas full effect ang surprise niya.

"I have to agree, tapos nakapagractice na rin kami ng choir kanina para sa kanta habang naglalakad ka papunta sa altar, yung first dance ninyo at yung special number." Sabi naman ni Didi, excited na excited ito at ang asawa nito noong malaman na ikakasal na siya kaya naman nag-compose daw ng kanta ang dalawa para sa kanila ni Gray.

Almost three months have passed mula noong mag-propose si Gray sa kanya. Wala siyang masabi sa mapapang-asawa kasi mas naging hands on pa ito sa preparations kaysa sa kanya. Kung possible lang ata ay gusto na ni Gray na maikasal sila kinabukasan nung araw na nagpropose uli ito. She was laughing at the idea kasi magkasama naman na sila sa bahay and they are living already as husband and wife kaya naman additional perk na lang talaga sa kanya ang maikasal sa lalaki. Their parents were so happy about their 2nd engagement, mas masaya daw na naging parte na sila noon hindi tulad noong una na silang dalawa lang talaga ni Gray.

Ethan is still as naughty as ever, they are teaching him the basics for when he goes to a school for toddlers the following year. Nakakatuwa ito kasi sobrang eager matuto at napaka-curious sa mga bagay-bagay. Mati's enjoying everyday with Ethan and Gray, sobrang blessing lahat ng nangyari sa kanila the past year, she found the love she's been praying and waiting for, Gray became a father and Ethan got a new family.

"Thank you so much girls sa tulong ninyo. The wedding will beperfect because of you guys." She smiled and raised a glass of champagne. "Here's to friendship!"

"Cheers!" Masaya nilang sabi.

"Here's to a love that's going to last a lifetime!" Pahabol naman ni Roni.

"Cheers!" Sabi uli nilang sabay-sabay bago pinagdikit-dikit ang mga baso nila.

Patapos na silang kumain noon ng biglang tawagan siya ni Carson. Inaaya siya nito na lumabas sila kahit saglit lang. She felt obligated na sumama dito kasi hindi niya na ito masyadong nakikita ever since maging sila ni Gray, not that Gray distrusts Carson, yun nga lang ay talagang ubod na ang mismong oras ni Mati para sa pamilya. She owes a lot to Carson, malaki ang naitulong nito sa pagmamahalan nila ni Gray.

"It has been so long since we had time to go out." Salubong sa kanya ni Carson noong daanan siya nito sa bahay nila ni Gray.

Nagpaalam na siya sa fiancee niya na kasama niya si Carson and that she may be out till midnight. Doon kasi ito matutulog sa hotel kasi hindi pumayag ang mga nanay nila na sa isang bahay lang sila ngayong gabi kasi di daw swerte, pumayag na lang sila at isinama na din nito si Ethan. Hindi naman siya nito pinigilan at sinabihan lang na mag-ingat. Gray always gives her his utmost trust kaya naman ganoon din siya sa lalaki, she trusts him so much.

"I'm free as a bird until 12 MN. Where do you want to go? Maaga pa." She smiled bago sumakay sa sasakyan nito. She missed hanging out with Carson the most kasi parang hinayaan lang siya nitong gawin ang gusto niya without asking for too much time from her.

"Ikaw ang bahala. I just missed you." He said.

"Sus, kamusta naman ang mga blind dates mo?" Batikan na ito sa pakikipagdate dahil sa nanay nito na takot na takot na hindi magroon ng apo.

"Still the same, yun nga lang I now have to attend them faithfully and until the end kasi wala na yung way out ko." Sabi nito.

"Nako, sabihan mo si Tita na pumunta din bukas ah." Kilala na niya ang ina nito kasi napagkamalan talaga siya nitong nobya ng anak.

First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz