Wala na ba itong pakialam sa kanya kahit man lang ang makita ang mukha niya.

Shit ang sakit pala... daing niya.

Alam niyang galit si Issay sa kanya pero fuck ang hirap tanggapin na hindi man lang siya magawang tingnan nito kahit isang sulyap lang.

Hindi niya matatanggap na mapupunta si Issay sa iba, oo nga at iniwan niya ito pero may dahilan siya kung bakit niya ito ginawa.

Bakit walang naireport sa kanya ang mga tauhan niya na may nanligaw kay Issay o may lalaking umaaligid ditto. Wala man lang nakapagsabi sa kanya, kampante siya na siya pa din ang nasa puso ni Issay kahit na galit ito sa kanya.

"What a slut"bulong ni Naomi sa tabi niya.

Tiningnan niya ng masama si Naomi, buti nalang hindi ito nakatingin sa kanya. Nang ibalik niya ang kanyang paningin nakita niya ang paghalik sa kamay ng lalaki. Kaya naman kung kiligin ang mga kadalagahan sa hall ganon nalang.

Sa inis niya iniiwas niya ang paningin niya sa stage para hindi makita ang mga pinaggagagawa ni Issay at ng lalaking kasama nito.

Ano nga ba ang pangalan ng lalaki iyon, mamaya pagagalitan niya ang mga tauhan niya at hindi man lang inireport sa kanya ang tungkol sa lalaking iyon.

Napagawi ang tingin niya sa gawi ng table ng mga kaibigan niya, napansin niyang tuwang tuwa ang mga kumag niyang kaibigan habang nakatingin sa stage.

Natutuwa pa sila na naagawan ako, bwisit... mga kaibigan ko ba talaga ang mga gago na ito. inis na pansin niya sa mga ito.

Teka naalala niyang bigla na alam na nga pala ng mga ito na nasa Pilipinas na si Issay, so ibig sabihin may alam ang mga ito. pero bakit noong huling nakausap niya ang mga ito wala namang nabanggit ang mga ito sa kanya na may boyfriend na si Issay.

Sisitahin nga niya ang mga ito kapag nagkaroon siya ng time na makausap nito ng sarilinan.

Nang hindi siya nakatagal tumayo siya sa table nila at sinenyasan ang DJ, nagpatugtug naman ito ng isang melo music kaya naman inaya niya ng saway si Naomi. Kinikilig naman na sumama sa kanya si Naomi, halatang halata naman na gustong gusto nito ang nangyayari.

Pero deep inside him kaya lang naman niya inaya ito ng sayaw para pagselosin si Issay.

Na mukhang hindi epektib kasi naman hindi pa din talaga ito tumitingin sa kanya.

Noong una sila lang dalawa ni Naomi ang sumasayaw, pero hindi nagtagal nagsitayuan na din ang mga kaibigan niya at nagsimula na din isayaw ang mga asawa ng mga ito. palihim niyang hinanap si Issay kung nasaan ito.

Nakita niya itong nakaupo na sa isang table malapit sa table ng mga kaibigan niya. Kasama nito ang sinasabi na boyfriend nito, ang sweet pa din ng mga ito kung mag-usap.

Kaya naman nainis na naman siya, hindi na maalis ang paningin niya sa mga ito.

Biglang lumingon sa gawi nila si Issay, kaya naman hindi niya naiwasan na asarin ito.

Bigla niyang hinalikan sa labi si Naomi habang nakatingin pa din siya kay Issay. Na gusto niyang pagsisihan sa bandang huli, kitang kita niya ang sakit sa mata ni Issay habang nakatingin sa kanila ni Naomi.

Fuck, ang tanga mo talaga Malik. kastigo niya sa sarili niya.

Agad niyang pinutol ang halik niya kay Naomi.

"Lets have a sit"aya niya kay Naomi.

"What?...why?"takang tanong naman sa kanya ni Naomi.

"Its just..."hindi niya alam kung paano magpapaliwanag kay Naomi.

My Playboy Boss Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz