Our Real Love (REY POV)

Start from the beginning
                                    

"Maghanda ka. Malapit ka na bumili ng barong."

"Barong? Bakit, ano meron?"

"Kapag 'di mo tinigilan 'yang pagsukat sa mga sapatos ko, imbes na kasal – burol mo magiging okasyon. Maghugas ka nga muna ng paa!"

Hinablot ba naman sa 'kin 'yung sapatos niya.

"Grabe 'to. Para—." Napahinto ako. "K-Kasal???"

Binalik niya sa lagayan niya 'yung rubber shoes niya sabay hagis sa 'kin nung pulbo panlagay sa paa ko.

"Kapag hindi nawala amoy ng paa mo pagbalik ko, hindi kita gagawing best man."

Alam kong hindi pa alam ni Adeline 'yung balak niyang 'yun kaya tahimik lang ako. Kaso...parang ang tagal naman ata umuwi ng isang 'yun?

Hihigop pa sana ako sa kape ko nang marinig kong tumunog 'yung doorbell. Tumayo muna 'ko pagkapatong ng mug sa lamesita. Pumunta ako sa gate saka sinilip. Oh? Bakit nandito 'yung dating karibal ni Jarret.

Walang pag-iisip, binuksan ko 'yung gate.

"Oh, kapatiran sa kagandahang lalaki, ano'ng ginagawa mo rito—." Napatigil ako sa pagsasalita. OH HINDE!!! ANO'NG GINAGAWA NIYA RITO!??? "Ahh.... A-Ano-o.... B-BAKIT...Hello, Miss Wendy."

Sabay na napataas ang kilay nila sa 'kin. Teka, mali ba ginawa ng gwapong 'to? Umubo ako para kalmahin ang dibdib ko. NGAYON KO LANG ULIT SIYA NAKITA! Nasa langit na ba 'ko...ulet!?? Teka, hindi ako nakapaghanda sa pagdalaw niya sa 'kin.

"Ah...Napadaan kayo?" tanong ko gamit ang malalim kong boses.

Nakatingin pa rin ako kay Wendy nang marinig kong ngumisi si Trace. Tumingin ako sa kaniya sabay akbay sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya.

"Lam mo, chong? Kahapon pa 'ko badmood pero pinawi mo 'yun. Tara sa loob, nandiyan si Jenn?"

Naglakad kami papasok habang nakaakbay pa rin sya sa 'kin. Nakatanaw ako kay MISS WENDY sa likuran ko pero hinahawakan ni Trace 'tong ulo ko pabalik sa harapan.

"Hahaha! Kung sa'n –saan ka tumitingin, nandito bahay n'yo."

Bumulong ako sa kaniya. "Pero parang nasa likod 'yung mundo ko—UHB!"

"Hahahaha!" Tawa niya pagkatapos niyang tabigin 'yung tiyan ko. "Palabiro ka talaga, Rey."

Parang humigpit ang kapait niya sa braso ko. Kung magkakamali ako, iisipin ko may galit sa 'kin 'tong si Trace e.

Pagkarating sa loob, umupo kaming lahat sa sofa. Humarap ako kay Miss Wendy. Mukhang hindi ako naintindihan kanina. Englisera nga pala siya. Buti na lang, naturuan ako ni Jarret.

"Ah...WELCOME!"

"HAHAHA!"

"F*ck..."

Bakit tumatawa 'tong si Trace? Tapos...ano 'yung binulong ng anghel ko? Hehehe. Mukha kasi siyang hindi makabasag pinggan. Hmm... Parang ang bulong niya... Pak? Parang PAK! Gano'n!?

'Yung tulad sa TV?

Ahh... Baka ekspresyon niya 'yun. Pang-sagot sa Welcome ko? Ngumiti ako sabay sagot ng...

"Pak ka rin."

"HAHAHAHAHA!!" Napatingin na 'ko kay Trace sa lakas ng tawa niya. "Sorry, sorry. Napapasaya mo 'ko, Rey."

Our Real Love by A.B.Castueras (3RD BOOK OF SMITH TRILOGY)Where stories live. Discover now