WHO DONE IT? Case#5: Murder or Suicide

1.5K 39 24
                                    

Title: Murder or Suicide

by Linus Kew

 

Level: Easy

Sa isang bahay, sa isang kuwarto, nakatayo si Detective Frederick sa may pintoan ng banyo. Maigi niyang pinagmamasdan ang duguan at wala ng buhay na si Carlos Santos, dalawampu’t anim na taong gulang.

Nakaupo siya sa sahig at bahagyang nakasandal sa pader. Nakasuot ng bathrobe ang biktima at hawak niya ang baril sa kaniyang kanang kamay. Mula naman sa itaas ay ang nakabukas na shower na patuloy bumabasa sa katawan ng biktima at inaagos ang dugo mula sa butas ng ulo patungong drenahe (Drainage).

Ayon sa witness, huling nakitang buhay ang biktima ng mga 10:00 ng gabi at narining ng mga banda 11:00pm. Galing siya sa dinaluhang party at pagkatapos ay umuwi at nagkulong sa kuwarto saka nagpakamatay.

Ayon kay John, kaibigan ng biktima at kasama sa party, na mga bandang 10:00 pm, hinatid niya si Carlos pauwi ngunit hindi na siya tumuloy pa sa bahay. “Si Carlos ang nagsagawa at umayos ng party.” wika ni John ng kausapin siya ni Detective Frederick kanina lang sa salas. “Plano niya kasing magpropose sa babaeng gusto niya, si Jenny, sa party kaso umayaw si Jenny. Kaya ayun napahiya at nadepress si Carlo. Sinamahan ko siya pauwi dahil nag-aalala ako sa kanya kaso di ko inaasahan na aabot sa ganito. Kilala ko si Carlos, matatag siya at alam ko na hindi niya magagawang magpakamatay pero nagkamali pala ako. Isa lamang palang babae ang magiging dahilan ng pagsuicide niya.”

Ayon naman kay Rico, isa ring kaibigan ni Carlos, nasa sarili niyang bahay siya habang kausap pa niya si Carlos ng mga bandang 11:00pm sa cellphone. “Sigurado akong lasing ng mga oras na iyon si Carlos dahil ilang beses ko siyang naririning na sumusuka. Naging tama rin ang hula ng sinabi niya sa akin ang ginagawa niya. Nagpapakalasing siya sa kaniyang kuwarto dahil sa nangyari sa party. Paulit-ulit din niyang sinasabi sa akin na gusto na niyang mawala sa mundo. Kaya naisipan ko siyang dalawin ngayong umaga kasama si John. Sabi ng katulong ni Carlos na nasa loob ng kuwarto si Carlos at hindi pa lumalabas. Kumatok kami sa kaniyang kuwarto ngunit di siya sumasagot. Inutusan ko ang katulong na kumuha ng susi. Nang makapasok kami sa loob ng kuwarto ayun at nakita namin si Carlos na walang buhay. Agad kami tumawag ng ambulansya pati narin ng mga pulis at iyon na nga ang sumunod na nangyari.”

Ayon naman sa pahayag ng katulong, “Dumating si Sir Carlos ng mga bandang 10:00 pm. Inihatid siya ni Sir John ngunit hanggang gate lang at umalis narin agad. Nagpasabi si Sir na wag daw siya guguluhin sa kuwarto nito tatawagin lang daw niya ako kung may kakailanganin. Sumunod naman ako. Nang mga gabing iyon wala naman akong narining na ingay o putok man ng baril. Ngayong araw tulad ng ginagawa ko sa araw-araw, naglinis ako ng bahay maliban sa kuwarto ni Sir. Dumating ang tubero (Plumber – naglalagay at umaayos ng mga sirang tubo) ng mga 8:00 am at sinamahan ko siya sa kusina at itinuro ang sirang lababo. Pagkatapos ay sunod naman dumating ang mga kaibigan ni Sir. Habang nag-aantay sila sa sala, bumalik naman ako sa kusina upang siguraduhin naroon at ginagawa ng tubero ang trabaho niya pagkatapos ay bumalik narin ako sa trabaho ko. Mga ilang minute pa tinawag nila ako upang puntahan si Sir Carlos. Ilang beses naming kinatok ang pintoan ni Sir kaso walang sumasagot kaya pinakuha nila sa akin ang susi ng kuwarto. At iyon na nga, nakita na naming patay si sir sa loob ng kaniyang banyo. Ano nalang ang mangyayari sa akin? Mawawalan na ba ako ng trabaho?

Gumilid ang detektib sa isang tabi ng dumating ang ibang tauhan na kukuha sa bangkay. Pinatay nila muna ang shower saka binuhat at inilagay ang bangkay sa isang malaking itim na plastic samantalang ang baril naman ay inilagay sa maliit at transparent na plastic para ito’y dalhin at suriin.

Imposibeng makahanap sila ng gunpowder sa katawan ng biktima pagkat inagos na iyon ng tubig sa shower, muling bulong ng detektib.

Naglibot-libot ang detective sa kuwarto. Lahat ng gilid pati ilalim ng kama ay tiningnan niya ngunit wala siyang nakitang kahinahinala. Napakalinis ng kuwarto. Maayos ang pagkakatupi ng mga damit sa cabinet. Maayos din ang kama. Wala ka ring makikitang alikabok sa mga mesa at sahig. Maliban sa masangsang at maasim na amoy ng alak na humahalo sa bango ng room freshener.

Tumingin din siya sa loob ng maliit na refrigerator. Laman ng ref ay isang tray ng ice cube, limang litro ng tubig at sampung lata ng beer.  

Makalipas ang ilang oras. Dumating si Inspector Speal at James, isang police officer, at nilapitan ang detektib. “Wala kaming natagpuan na ibang fingerprint kundi ang fingerprint lamang ni Carlos Santos.” Wika ni James.

“Anong masasabi mo, Frederick? Isa nga itong suicide.” Bulalas naman ng Inspector.

Hindi sumagot ang detektib kundi tahimik siyang nag-isip. Kailangan niyang pag-isipan itong mabuti. Ayaw niyang magkamali siya sa kanyang pagdesisyon. Magkamali lang siya siguradong hindi na maibabalik ang lahat. Maya-maya’y ngumiti siya saka tumawa. Tumingin siya sa dalawa. “Inspector,” wika ni Detective Frederick, “Carlos Santos  ________.”

What do you think, Guys? Was Carlos Santos was murdered or committed suicide? Choose your answer.

                  A)   Committed suicide.

                  B)    Was Murdered. (If murdered choose a suspect:

                                                               a.     John

                                                               b.    Rico

                                                               c.     Servant

                                                               d.    Plumber

                                                               e. Others (e.i burglars)

                   C)    I’m so stupid. I don’t know! XD (eheheh)

WHODUNNIT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon