Answer of The Case of The Jealous Son + trivia

2K 66 38
                                    

Narito na ang sagot! Tama din kaya ang hula ninyo? ^_^

--------------------------------------------------------------------------------------------

Answer of The Case of The Jealous Son:

Ngumiti ang detective saka tumingin kay Renie na tila siguradong-sigurado sa kaniyang ihahayag. “Alam ko na ang pagsisinungaling mo, Reynold Donald.”

Nanlaki ang mga mata ni Renie saka tumawa, “Nagbibiro ka ba, Mr. Detective. Ako? Ako ang pumatay kay papa? Malaking kalokohan yan. Naging biktima rin ako rito. Nakita ko ang lalaking yun at nagawa pa niya akong saksakin.”

“Totoo bang may taong pumasok dito o baka ang taong iyon ay ikaw mismo, Reynold.”

“You don’t have evidence, Mr. Detective.”

“I do have much evidence to accuse you. Kung gusto mo ipapaliwanag ko sa iyo ang sa tingin ko na nangyari. Sumunod kayo sa akin.”

Sumunod ang lahat at tumungo sila sa entrance ng bahay. Dala-dala ni Renie ang kaniyang bag. Tumahimik sila at nakinig sa sasabihin ng detective.

“Pagpasok ko palang ay napansin ko na agad ang mga ginamit ninyo na sapatos at ang pinagtatakahan ko ay iyong sinabi mo Reynolds sa akin. Ang sabi mo ay naabutan ka ng ulan. Paano mo ipapaliwanag ang tuyo mong sapatos?”

Ngumit si Renie, “Malapit na ako dito sa bahay bago pa tuluyang lumakas ang ulan at bago pa mabasa ang sapatos ko.”

“Kung ganoon, paano mo naman ipapaliwanag ang basang medyas na suot mo? Huwag mong sabihin na nabasa ang medyas mo dahil wala kang suot na sapatos. Paano mababasa ang medyas mo kung tuyo naman ang suot na sapatos mo?”

Napatahimik si Renie at tumingin ng masama sa detective saka ngumiti muli. “Yan lang ba, Mr. Detective. Sa tingin mo ba ang ebidensiya na iyan ay sapat para akusahan ako.”

Binalikan ng Detective ang ngiting iyon. “Meron pa ako isang ebidensiya.”

Tumungo ang  lahat sa silid kung saan pinatay si Mr. Donald.

“Tingnan ninyo ang basag na vase na ito.” Wika ni Detective Frederick habang itinuro ang basag na vase.

“Anong meron naman sa vase na iyan, Sir?” tanong ni James.

“Marami.” Sagot ng detective. “Dahil sa gulong ginawa rito sa loob siguradong hindi ito agad-agad mapapansin. Ang vase na ito ay may lamang bulaklak at tubig at ang pinagtatakahan ko ay kung bakit napakalayo ng bulaklak sa binasagan nito at ganun din ang lamang tubig nito.” Patuloy ng Detective.

“Sinabi ni Mrs. Donald na narinig niyang mayroong nabasag pagdating niya. Kung sadya lang na nahulog ang vase sa lalagyan nito ay dapat magkasama parin ang bulaklak at ang tubig ngunit sa nakikita niyo ay napakalayo ng kanilang agwat sa isa’t-isa. Maaaring may humawak ng vase at ginamit itong pangdepensa ngunit imposible na ang biktima ang gagamit nito. Imposible rin na ang sinasabi ni Renie na suspek. May hawak na ang suspek na kutsilyo bakit pa siya gagamit ng vase. Imposible rin na si Renie pagkat inabangan na siya sa pinto pa lang.”

“Tama ka dyan, Mr. Detective.” Ang sabi ni Renie. “Natabig iyan ng suspek nang atakihin niya ako. Sinasabi ko sa iyo na hindi ako ang pumatay sa aking ama.”

“Hindi pa ako tapos.  Meron pa akong isang ebidensiya na hindi ko pa nasasabi iyon ay ang suot mong damit, Reynold.” Kinuha ni Detective Frederick ang bulaklak sa sahig. “Ito ay isang Stargazer.” Dinurug niya ang bulaklak sa kaniyang kamay saka binitiwan. “At ang pollen nito ay nakakamantsa at hindi basta-basta naaalis.” Tumingin siya kay Renie na tila may halong pananakot. “Ngayon Reynold paano mo naman ipapaliwanag ang mantsa sa damit mo?”

Tumingin ang lahat kay Reynie. Tulad ng sinabi ng detective ay nakita nila ang dilaw na mantsa sa damit ni Reynie.

“Dumating ka dito bago pa bumuhas ang ulan. Pagkat kilala ka ng papa mo ay agad ka ring nakapasok sa kaniyang silid at syempre doon mo na ginawa ang plano mo. Suot ang gloves ay pinatay mo siya. Pagkatapos ay nagsuot ka ng ibang sapatos at nilagyan mo ng dugo ang paanan at alam mo na ang sumunod na nangyari. Matapos mo guluhin ang silid ay lumabas ka ng bahay. Hindi ka dumaan sa stone path kundi sa putikan. Hinubad mo ang ginamit mong sapatos, dahil sa umuulan nabasa ang medyas mo. Pagkatapos ay bumalik ka dito sa loob para itago ang sapatos at ang gloves at nagbihis ka ng tuyong damit, kaso dumating si Mrs. Donald kaya nataranta ka. Bumalik ka dito sa silid at ginamit mo ang tubig sa vase na may lamang pollen at binuhus mo iyon sa iyong sarili upang mabasa ang iyong tuyong damit. Saka mo sinaksak ang iyong sarili. Tama ba ako ha, Reynold Donald?"

Napatahimik lang si Renie at sumimangot.

“At isa pa nga pala, ang bag mo, napapansin ko na kanina mo pa iyan hindi binibitawan. Mayroon ka bang mahalagang bagay sa loob niyan?”

Agad na hinablot ni James ang bag ni Renie at binuksan ito. Naroon nga ang sapatos at ang gloves na nakalagay sa plastik pati ang basang damit.

Saglit tumahimik ang paligid.

Nilapitan ni Mrs. Donald ang anak at nagtanong, “Renie, totoo ba na-,”

Hindi makatingin ng diretsyo si Renie at siya’y tumango nalang.

Para namang mahihimatay si Mrs. Donald ngunit agad niyang hinablot si Renie. “Bakit mo iyon nagawa sa papa mo? Ano bang nagawa niya para patayin mo siya?”

“Dahil sa’yo!” sigaw ni Renie na ikinagulat naman ni Mrs. Donald. “Ginawa ko iyon para sa’yo dahil mahal kita. Ginawa ko ang lahat para maging tulad ni papa pero mas mahal mo parin si papa kaysa sa akin.”

“Renie, mahal kita at mahal ka rin ng pa-,”

“Hindi ganiyang pagmamahal ang gusto ko. Bakit hindi mo ba maintindihan? Mahal na mahal kita!”

Ipinatong ni Detective Frederick ang kaniyang kamay sa balikat ni Renie. Lumingon si Renie sa kaniya. Umiling ang detective. “You should realize now that she is your mom. Your love for her is wrong, you should know that, Reynold.” 

Hindi na nagsalita pa si Renie at sumama na sa mga pulis.

Author's Note:   

Sana naman may nakaintindi rin kung bakit pinatay ni Renie (Reynold Donald) ang kaniyang ama. Kung wala parin ipapaliwanag ko:

       Si Renie ay mayroong Oedipus complex. Ibig sabihin may malalim siyang pagkagusto sa kaniyang ina at galit at selos naman sa kaniyang ama. Lumaki siya dala-dala iyon hanggang sa napatay niya si Mr. Donald. (Diyan ko kinuha ang title.)

 THANKS PO SA PAG-BASA, PAG VOTE AT PAG-COMMENT!

Trivia:

1.        Ang Oedipus complex ay ginamit na term noon ni Sigmund Freud sa kaniyang psychosexual stages of development na nangyayari tuwing nasa preschool palang ang bata (3-5 years old). Nangyayari ito sa mga batang lalaki malapit sa kanilang ina. Kabaligtaran naman nito ay ang Electra complex na ang batang babae naman ang may love of affection sa ama at galit at selos naman sa ina.

            Normal lang ang may ganitong kaso ngunit kung hindi agad na din ito na resolba sa kaniyang paglaki ay siguradong alam niyo na ang mangyayari. Daddy's Girl or Mama's boy paglaki ng batang yan. At siguradong may conflict ang relationship nila sa kanilang inaayawan na parent.

2.        Si Oedipus, ay character sa play ni Sophocles (Greek). Sanggol palang ay pinatapon na noon sa malayo si Oedipus ng kaniyang ama na si King Laius dahil sa hula na papatayin siya ni Oedipus at papakasalan nito ang kaniyang ina.

           Ngunit nabuhay si Oedipus at siya ay inalagan ng nakapulot sa kaniya. Nagpahula din siya at sinabi sa hula na papatayin niya ang kaniyang ama at papakasalan ang kaniyang ina. sa sobrang takot ay umalis siya at tumungo sa malayo. Nakasalubong niya si Laius at sila'y nag-away hanggang sa napatay niya si Laius. 

          At sa thebes naman, nasagutan ni Oedipus ang lahat ng riddles ng sphinx at napanalunan niya si Jocasta, ang kaniyang tunay na ina. Nagkaroon sila ng anak. 

At nang malaman ang katotohan, nagpakamatay si Jocasta at ng makita ito ni Oedipus ay agad naman niyang binulag ang kaniyang sarili.

WHODUNNIT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon