WHO DONE IT? Case#1: The Case of The Jealous Son

3.3K 78 46
                                    

Title: The Case of The Jealous Son

By Linus Kew

2:15 pm

Umaga, nabalutan ng makakapal na ulap ang araw at unti-unti nawalan ng liwanag at init sa paligid. Alam ni Renie na maya-maya’y uulan na. Buti nalang at narating na niya ang loob ng bahay ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Hinubad niya ang kaniyang sneaker maliban sa kaniyang medyas at inilagay sa cabinet pero naisipan niyang huwag gawin iyon. Kung iiwan ko na nakaayos ang aking sapatos siguradong paghihinalaan nila ako, wika niya sa kaniyang sarili at ikinalat ang sneakers sa sahig. Pagkatapos ay may kinuha siya sa kaniyang bagpack, isang pares ng leather shoes at hand gloves na nabili niya kahapon at ito ay kaniyang isinuot saka siya pumasok sa loob dala-dala ang matalim na kutsilyo.

Dumaan siya sa sala, sa kusina, pati sa ikalawang palapag. Sa bawat lakad niya napapansin niya ang litrato ng kanilang pamilya na nakasabit sa pader. Nag-iisa lang siyang anak ng pamilyang Donald at lahat ng gusto niya ay kaniya itong nakukuha maliban sa isa – pagmamahal na hangad niya noon pa man. Sa tuwing nakikita niya ang litrato ng kasal ng kaniyang magulang ay nakakaramdam siya ng selos. Nanginginig siya sa galit sa tuwing nakikita niya ang masasayang ngiti ng kaniyang magulang. Lalong tumitindi ang kaniyang selos at galit sa ama sa tuwing pag-uwi nito ay nakita niyang naghahalikan ang kaniyang magulang. Kaya gagawin niya ang lahat na mawala ang ama at magiging masaya na ang lahat para sa kaniya at sa kaniyang ina.

Agad siyang nagtago ng makita ang ama sa kuwarto nito at nakaupo sa harap ng paborito nitong mesa. Abala siya sa pagbabasa ng kaniyang libro.

“Renie?” tawag ni Mr. Donald ngunit hindi sumagot si Renie. Tumayo si Mr. Donald at lumapit. “Renie ikaw ba yan?” tawag nitong muli. Halos malapit na siya sa pintoan ng biglang sumulpot ang ulo ni Renie na siya naming ikinagulat ni Mr.Donald.

“Papa, pwede ba kitang makausap?” ang sabi ni Renie habang hinihigpitan ang hawak na kutsilyo na kaniyang itinago sa kaniyang likuran.

Ngumiti ang kaniyang ama na may pag-aalala sa sasabihin ng anak. “May nangyari ba, Renie?” tanong  niya habang siya ay palabas ng pintoan ngunit bago pa siya makalabas ay agad siyang sinaksak ni Renie sa tiyan. Nagulat si Mr.Donald at hindi makapaniwala. Tiningnan niya ang kutsilyo na nakabaon sa kaniyang tiyan na hindi pa rin binibitawan ni Renie saka siya lumingon sa kaniyang anak.

Nakangiti si Renie.

“B-bak-,”

Binunot ni Renie ang kutsilyo at itinulak ang ama. Nakahandusay at namilipit si Mr. Donald sa sakit. Hindi parin siya makapaniwala na nagawa ito ni Renie sa kaniya ngunit bakit- bakit nagagawa ito ni Renie? Anong ginawa niya para magalit ang anak sa kaniya? Dahil sa nakapikit ang kaniyang mata ay hindi niya napansin ang susunod na gagawin ni Renie. Sinaksak siya muli sa dibdib ng paulit-ulit.

Patawa-tawa lang si Renie. Halos hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang sinaksak ang ama. “Hindi ka na kailangan ni mama. Mawala ka! Mawala ka! Ha-ha-ha!”

Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ng pagod si Renie. Humingal siya na tila nauubusan ng hininga. Tiningnan niya muli ang kaniyang duguan at wala ng buhay na ama at abot tainga ang kaniyang ngiti. Muli niyang isinaksak ang kutsilyo sa katawan ni Mr. Donald at doon iniwan. Tumayo siya at tumungo sa mga cabinet isa-isa niyang binuksan ang bawat kuwadro at ikinalat ang mga gamit sa sahig. Ganun din ang ginawa niya sa paboritong mesa ng kaniyang ama ikinalat rin niya ang mga libro Pati ang unan at kumot sa kama.

Pagkatapos ay umapak siya sa nakakalat na dugo. Sinigurado niyang makukulayan ang apakan ng sapatos bago siya tumakbo palabas ng silid, sa hagdanan at sa kusina. Binuksan niya ang pintoan sa kusina at nakalabas na sa likod ng bahay. Dumaan siya sa putikan at hindi sa stone path (sementong daan). Tiningnan niya kung magkakaroon ng shoeprint sa putik at nakita niyang meron nga. Tumakbo siya hanggang sa narating niya ang mataas na pader ng kanilang bahay. Hinubad niya ang sapatos at tumayo sa stone path na nagging dahilan para mabasa ang kaniyang medyas. Kinuha niya ang leather shoes at diniin sa putik saka inilagay sa pader upang magkaroon ng shoeprint ngunit dahil sa ulan ay nabubura ang shoeprint at kumalat ang dumi. Sumimangot  si Renie saka tumingin sa ginawa niyang shoeprint sa putik. Iniisip niyang mawawala ito dahil sa ulan ngunit wala na siyang panahon para ayusin iyon. Agad siyang tumungo sa harap ng bahay dala ang leather shoes at sinigurado niya na sa stone path lang siya dadaan. Pagkarating sa harap ng bahay  binuksan niya ang pintoan at pumasok sa loob. Tumungo siya sa sala at kinuha ang kaniyang bagpack. Ibinalot niya sa plastic ang leather shoes pati ang gloves saka muling itinago sa bag. May kinuha muli siya sa bag na isang malinis na damit agad niya itong isinuot. Nang makatapos na siyang magbihis narinig niyang may humintong sasakyan sa harap. Agad siyang sumilip sa bintana at nakitang paparating na ang kaniyang ina.

WHODUNNIT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon