Chapter 64: His and Her Message

Zacznij od początku
                                    

"To be honest, I don't want you to die. Kaya lang, hindi ko naman makokontrol ang buhay mo. Pero Kian, napaka-strong mong tao..... parang balewala lahat sayo ang sakit mo. Nung sinabi mo na one month na lang ang buhay mo, maraming tao ang nagulat dahil hindi nila nahalata." I looked at the crowd, "Hindi po, ba?"

"Opo." they said pero hindi gaanong sabay-sabay. Bumalik ako kay Kian.

"Stay strong for me... for us.... for all who loves you. Yan lang ang tanging hiling ko sa'yo. Once na huminto ang pagtibok ng puso mo, hindi na ako magpapakita sa libingan mo."

Kian was shocked at my statement, "B-Bakit naman?"

"Baka tumibok ulit. Magkaka-zombie apocalypse pa dito sa Pilipinas." I said jokingly and people also laughed at my joke. Nahawa na rin ako sa mga kabaliwan ni Tristian.

"Napaka-espesyal mo sa akin, Kian at alam mo iyan." I endded my speech and he nodded. Then, binigay ko ang mic kay Sir Cris na kilig na kilig.

Nasa main event na kami at ito na yung part na hindi ko pinakahihintay. May iniabot na volunteer na dalawang blue na tali kay Father Cris at iyon ang mga singsing namin.

"If there be anyone present that may present just and lawful cause why these two individuals may not be lawfully wed, let him speak now or forever hold his peace." he said.

No one answered. Allen broke the silence by shouting, "WALA!" then, andito na yung tanong na pinakahihintay ng lahat.

"Ikaw, Kian Dela Rosa. Tinatanggap mo ba si Elnor bilang iyong kabiyak?"

Kian smiled at me, "Opo, Father." then, the crowd started screaming again. Hindi po ito horror movie or fan meeting ng isang artista aneh?

"Ikaw, Elnor Caspor. Tinatanggap mo ba si Kian bilang iyong kabiyak?"

Hindi na ako nag-think twice. I answered, "Opo, Father."

Tapos, nag-sigawan ulit ang mga tao. Alah, c'mon mabibingi na ako mga 'teh. Tapos, yung exchange of rings este ribbons, we tied each other's ring fingers with a blue ribbon. Hindi daw nila kasi afford na bumili ng singsing eh.

"I now pronounce you husband and wife. Kiss the bride na dis!" Sir Cris said. Dati sa forehead niya ako hinalikan. Ngayon, saan naman? Kian leaned closer to me. Looks like he knows what I am thinking right now.

"Saan mo gusto?" He whispered.

"Ikaw bahala."

Suddenly, I felt a peck on my lips. Naging statwa ako sa nangyari and I just realized what did just happened. He kissed me on the lips! Waaah! Hindi ko na kaya! Kahit 0.00002 seconds lang iyon, parang may nagda-drum and lyre sa puso ko. Nag-ingay ang crowd pati na rin sila Allen.

"Sabi mo, akong bahala." Kian said.

"Oo na, you won." I deadpanned him para maitago ko yung kilig inside me. So, can I say na this is the best day so far?

Minutes after the kasal-kasalan, pumunta kami sa Seven-Eleven at dun daw yung 'nuptial'. Si Kian kasi ang nag-alok ng libreng snack kaya ayan, non-stop kain yung iba. I am also happy for Sir Cris dahil natupad na yung wish niya on that very moment. Pero may question sa pumasok sa mind ko, "Bakit parang perfect ang araw na ito? Hindi naman as in perfect pero yung happy talaga ang araw mo ngayon? Isa ba itong sign na—"

"Elnor? Gusto mo ng slurpee?" Kian asked.

I gestured him a "No." Hindi ako kasi mahilig sa malalamig at bawal daw iyon dahil nga may laban ako sa badminton. I did a time check, it is now three o'clock.

"Guys, ayoko munang umuwi." sabi ni Kian telling that na papasyal pa kami. Gusto kong mag-object kaya lang nag-text si Sir Cris kila Tita Jolina na pwede pa kaming mamasayal and pumayag naman siya dahil hindi pa daw tapos yung meeting ng mga parents ko with them

"Saan tayo pupunta garud ay?" tanong ni Kristel.

The whole group was waiting for Kian's response. Ako naman parang bad idea na papasyal ulit kami baka mamaya mapagod itong si Kian. Well, my other mind kept on telling me na maaga pa at may time pa kami na magpasyal.

"Sa alma mater natin." he answered.

"Meitan Montessori School?" Allen asked.

"Yep. May gusto lang akong makita."

Habang nag-uusap sila, I knew what place Kian wants to see sa dati naming elementary school: The cliff itself.

Wala munang Elnor's hint!
Stay tuned!

The Way He Smashes Her HeartOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz