Chapter 52: Ang Nakasulat Sa Kanyang Notebook

90 11 7
                                    


Wait lang, sabi ni Allen sa akin noon ay gumagana yung cliff every February 15! So ibig sabihin kung nag-wish doon si Sir Cris, may posibilidad na natupad iyon. Nanlaki ang mga mata ko being curious about something.

"Edi Tita Cris, ano ang hiniling niyo po exactly?"

He smiled. "Hiniling ko na sana magkatuluyan ang mga anak ng mga bestfriend ko."

"WHAT?!" hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ni Sir Cris. Humiling siya sa Meitan Cliff na sana ay magkatuluyan kami ni Kian? Watda!

"WHAT?!" t-teka lang? May second the motion? May echo? I facepalmed because of the people outside the classroom made such a noise! Naku, paano yan ay? Malalaman ni Sir na pinabasa ko sa kanila yung letter na binigay niya.

"Pasok kayo." Sir Cris said.

Tristian, Janice, Mikie and Rica entered the classroom and trying to avoid an eye contact. "Ba't kayo nandito?"

"Eh kasi Sir..." Mikie started and she gave me a look. Sinuklian ko naman ito ng isang nakakamatay na titig, I mean a death glare.

"...sinundan namin si Elnor!" she continued. I smiled at her because she made a perfect and accurate palusot.com.

"At bakit niyo naman ako sinundan?!" inumpisahan ko na ding umakting.

"Sorry, it was Tristian's idea." Janice pointed at Tristian. "Teka, bakit ako? Ano nanaman ang ginawa ko?" Tristian replied. Halos muntik na akong natawa sa nangyaring turuan.

"Okey! Okey! Okey! Ayos lang kung narinig niyo ang usapan namin ni Elnor. Basta huwag niyo nalang ipagkakalat! Personal life iyon ni Elnor." Sir Cris said.

"Opo, sir."

Then, I looked back to Sir Cris and cleared my throat.

"WHAT A WISH! Tita Cris naman eh! Bakit niyo po genawa iyohohohohon?! Huhuhuhu..." I started acting crazy in front of the teacher and the others. Hindi ako naniniwala sa magic ng Meitan cliff pero feeling ko nagkatotoo ang wish ni Sir Cris. Actually, may pagtingin kami ni Kian sa isa't-isa. Ah, ewan! May magic ba talaga iyon o baka coincidence lang?

"Kaya nga gusto kong mag-sorry sa'yo, hija. Ginamit ko kayong dalawa as a substitute." he said apologetically.

Substitute? Saan? Substitution sa basketball? Volleyball? Math?

"Nag-wish ako sa cliff na sana magkatuluyan kayo ni Kian dahil pag-ikinasal kayong dalawa, ako ang magiging pari!" he said.

Watda flying shuttlecock! Kaya namen pala. He failed to be the priest na magpapakasal sa mga parents namin ni Kian, so in order na makabawi, he wished at the cliff na sana magkatuluyan kami ni Kian para kami nalang ang maipakasal niya instead. Kasal, agad? Hindi ba pwedeng, graduation sa college at maghanap ng trabaho muna?

That reminds me of one thing. Three years ago, noong third day ng intrams ay napa-marriage booth kami ni Kian remember?

"We did get married pero kasal-kasalan lang po iyon. At isa pa po, masyado pa po kaming bata para doon." I said

"TAMA!" Tristian blurted out. Is he jealous?

"Lumabas ka na lang." I said but he shook his head, "Ok lang ako. Chillax!"

The Way He Smashes Her HeartWhere stories live. Discover now