Chapter 27: Way Back To Meitan

62 11 1
                                    


<Derona Cathedral, present time>

I opened my eyes. I don't know what happened. I just found myself lying on the floor. Naka palibot sa akin ang mga tao kabilang na rin sina Mikie, Janice at Rica. They all looked worried. Wait a sec. Ba't ako nakahiga?! Anong nangyari sa akin? Free na ba ako? Pupunta na ako ng heaven? Ang naalala ko kasi...

"Elnor, ayos ka lang?" -Rica

"Thank goodness, she's alive!" -Janice

"May himala!" -Mikie

Bumangon ako. I clutched my head. Hindi naman ito nabasag. Wala naman akong pilay na natamo. Bukol sa ulo lang ang meron. May miracle nga. Si Tristian kasi eh! Dahil sa kalokohan niya ay muntik na ako namatay! Buti naman nasa simbahan ako. Paano pag hindi sa simbahan ito nangyari? Edi hindi ko na makikita ulit si Kian forever! Buti naman, I am saved.  Speaking of Tristian, wala siya sa crowd. Andun pa rin yung upuan na tinungtungan ko kanina.

"What happened?" I asked them.

"Do you know what happened?" binalik lang ni Rica ang tanong ko.

"Of course, no. Anong silbi ng tanong ko kanina?"

"Girl, you really don't know what happened. I saw the whole thing." eh? Witness si Rica! Alright! Yes!

"Di ba si Tristian yung nauna? Siya yung umaalog ng upuan kanina eh! 'Di ba? Di ba? Di ba? Di ba?"

"Oo, girl. Pero there is something you don't know!"

"Eh?"

>>>>Rewind
-Rica's point of view-

Bago nangyari ang insidente, hinahanap ko si Elnor. Ewan ko ba kung saan nagpunta yun. Habang sumasayaw kasi sila Elnor at Tristian ay umalis muna kami nina Janice at Mikie para bumili ng C2 sa labas. Ayaw naming tatlo ng softdrinks! Pag-balik namin, we realized na tapos na pala ang sayaw dahil nag-asaran yung dalawa. While looking for her, nakarating ako sa may door ng simbahan at nakita ko sila dalawa ni Tristian na parang naglalaro sila ng Langit-lupa. Inaalog ni Tristian ang chair kung saan nakatayo si Elnor. Si Elnor naman, nakakapit lang sa may kurtina ng simbahan.

"Yung full name ni Kian kako, pinahaba mo pa ang usapan!"

"Payn! Kian John C. Dela Rosa name niya. Are you happy?!"

"Orayt!" nang pigilan ni Tristian ang pag-alog, bigla nalang na-out of balance si Elnor. Nabitawan niya ang kurtina na kinakapitan niya.

"WAAAAAAAAH!"

"Elnor! Mag-ingat ka!" -Ako

Ililigtas ko sana si Elnor but I stopped running dahil sasaluhin siya ni Tristian.

"ELNOR!"

BOOOGSH! Pero ang talagang nangyari ay hindi umabot sa expectation ko. Anong nangyari??? Nasalo nga ni Tristian si Elnor kaya lang, ewan ko kung sobrang mabigat ba yung bestfriend ko at parehas silang napahiga sa sahig. Ang pinakamalala pa, nadaganan ni Elnor si Tristian and they both lost their conciousness. That is the reason kung bakit bukol lang nakuha niya. Pero si Tristian, knocked-out.

-Elnor's point of view-

Rica told me everything. Tinakpan ko nalang ang mukha ko gamit ang palad ko sa sobrang kahihiyan. Mag-diet na ako sa susunod! Anong nangyari na kay Tristian! huhuhuhu. Anong gagawin ko? Wahhh! Nagsi-uwian na ang mga dumalo dahil 6pm na. Sira tuloy ang birthday party dahil sa akin.

"Nasaan na si Tristian?" tanong ko sa kanya.

"Andun. Nagpapahinga sa bahay nila."

"Rica, is he okay?"

"He is fine now."

Thank goodness. I looked at my watch. Since, na-figured out ko kung nasaan ang next clue ni Tikbalang, at tamang-tama kukunin ko yung Form 137 sa Meitan Montessori School. Nagsasara yun ng 7pm. 20 minutes lang ang biyahe papunta doon.

"Ah, Rica.... eh... pakisabi thank you sa pagkain, thank you sa handa, thank you sa hindi pagsalo! Thank you. Bye!" kailangan kong magmadali para maaga rin ako makauwi. Nag-abang na rin ako ng jeep sa harap ng cathedral. I just left without saying goodbye kay Tristian. After 15 minutes, wow. Nakarating ako agad. Nasa harapan ko na ang Meitan Montessori School. I am back! Syempre bago pumasok kay ihanda ko na ang aking panyo dahil baka ma-nose bleed ako pag pasok.

<Meitan Montessori School, Office of the principal>

"It is good to be back, Elnor. How is your new school?" kausap ko ngayon ang aming school principal. Siya si Ms. Jeah M. Marquez. Mabait siya at higit sa lahat... engleserang maganda.

"It is fun. Ms. Principal. I am here to receive my Form 137. Derona Central Junior College requires it."

"Sure. Here is your form...and your report card last school year." iniabot niya sa akin ang mga requirements ko. Ang bait talaga niya.

"Thank you, Ms. Principal. Before I leave, can I roam around here a little bit? I really miss this place."

"Sure, Elnor. Why not?"

"Thank you very much, Ms. Principal."

But instead, dumiretso ako sa may school gym. Naghahanap ako ulit ng black box. Ilang minuto akong naghahanap pero I found nothing. Napaupo nalang ako sa mga bleachers. Pinagmasdan ko yung badminton court kung saan nagpapractice kami ni Kian noon. Kailan kaya ulit kaming magkikita? Same to Angie at Allen. Nagkatuluyan na talaga ang mga yun? Hindi naman kasi nila ina-update yung mga facebook nila. Siguro busy sa pag-aaral. Haay. Debale, nakuha ko naman na ang Form 137 at madilim na. I gonna go ho—WOAH!

Boogsh! Aray! Napadapa nanaman ako. Ano naman yung... huh? Teka, parang may takip sa may floor ng gym. Di kaya storage area ito? Binuksan ko ito and may stairway na papasok sa storage area. Inon ko yung flashlight ng cellphone ko at ako ay pumasok. I never knew na may ganitong imbakan pala ang school. Sa loob, may mga basketball ball, net ng volleyball, net ng table tennis, net ng badminton, at iba pang sports equippment. Ilang minuto ang lumipas, nahanap ko na! Nahanap ko na ang isa pang black box. Mamaya ko nalang itong buksan pag-uwi ko. Lumabas na ako sa may storage room, nagpaalam na ako kay Ms. Marquez at sumakay na ako ng jeep pauwing Derona.

<Caspor Residence>

Exact 8pm na ako nakarating ng bahay. Pagkatapos kong maligo at kumain ng dinner, excited akong pumasok sa aking bed room para buksan ang black box. Just as before, habang binubuksan ay paliit ng paliit ang mga boxes. Sayang naman ang pera. Gastosero or gastosera yata ito si Tikbalang. When I reached the smallest box, nakuha ko na ang third letter. The letter goes like this...

Dear Elnor,
I am glad that you found the next clue. The gym is your favorite place to stay during vacant times. I just want you to know my real objective why I am doing this. I know you missed Kian so much and I am sent to help you. Want to know where is he? Not so fast. My next clue is somewhere others can't find it. The legend has it...

-Tikbalang

Yun lang? wala na? May palegend-legend pa siyang nalalaman! Paano ko makukuha ang next clue niya! I need more hints! Tikbalang! Gusto ko nang makita si Kian!

Next Elnor's hint: Badminton Match, mixed doubles
Stay tuned!

The Way He Smashes Her HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon