.............................

Isang malakas na suntok ang nakuha niya sa kaibigan niyang si Marco.

Sinugod nalang kasi bigla ng mga kaibigan niya sa condo niya. Hindi siya nakapaghanda kaya naman nagulat talaga siya sa nangyari.

"Tangina mo Malik!!!"galit na galit na ani Marco sa kanya.

Inawat naman ito ni Jake samantalang mukhang nag-aabang lang si Benjamin para sugurin din siya anumang sandali.

Nakahiga pa din siya sa sahig at hindi niya makuhang tumayo sa sobrang lakas ng suntok sa kanya ni Marco. Natatawa pa nga siya kasi parang dahil sa suntok ng kaibigan niya nagising siya sa matagal na niyang pagkakatulog.

"Ano, tangina ka tumayo ka dyan...duwag"asik pa sakanya ni Marco.

Tumatawa naman siyang tumayo at hinarap ang mga kaibigan niya.

"Hayop ka bro, nakukuha mo pang tumawa...duguan ka na nga"sita naman sa kanya ni Jake.

"Anong problema niyo?"nakangising tanong niya sa mga ito.

Wala naman kasi siyang matandaan na ginawa niya na pwedeng ikagalit ng mga kaibigan niya. maliban nalang sa pag-iwan niya noon kay Issay at sa mga anak nila.

Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ngayon sumukod ang mga ito sa condo niya. And worst mabubugbug pa yata siya ngayon ng mga ito.

"Gago, ikaw ang may problema tarantado ka"sabi ni Benjamin bago siya inuntayan ng suntok nito.

Hindi naman masyadong malakas ang pagkakasuntok sa kanya ni Benjamin di kagaya ni Marco na napahia pa siya.

"Alam mo bang nandito na sa Pilipinas si I......"hindi naman naituloy ni Benjamin ang saabihin nito ng gumanti siya ng suntok ditto.

"Mga gago kayo, kung gusto niyo akong bugbugin wag ditto sa condo ko madaming masisira dito"mangas niyang sabi sa mga kaibigan niya.

Hindi niya hinintay pa na magsalita ang mga kaibigan niya lumabas siya ng unit niya at naglakad paalis, nakita naman niyang sumunod sa kanya ang mga kaibigan niya.

Sa basement parking sila dumeretso pero hindi siya sumakay sa sasakyan niya hinintay niya ang mga kaibigan niya na nakarating sa tapat ng sasakyan ng mga ito.

"Gago, walang magpapasakay sayo dalin mo ang sasakyan mo hayop ka"gigil pa din utos sa kanya ni Marco.

Napangisi naman siya sumakay sa sasakyan ni Marco kahit na alam niyang ayaw siya nitong kasakay.

Wala naman nagawa ang kaibigan niya kaya napilitan din itong sumakay sa sasakyan nito at nagdrive palayo sa building niya.

Tahimik lang silang dalawa habang nasa biyahe, napansin niyang sa bar ni Benjamin sila papunta.

"Wag tayo sa Bar ni Benjamin, sa iba na lang yong hindi kilala"bulong niya sa kasama.

"Anong problema mo kung doon kita dadalin"pagalit pa ding sagot ni Marco.

Bumuntong hininga siya ng napakalalim, ito na yata yong time kung kailan kailangan na niyang sabihin sa mga kaibigan niya ang totoo. Isa pa alam nan g mga ito na nasa Pilipinas na sila Issay, malay niya makatulong pa niya ang mga kaibigan niya sa pagtatanggol sa mag-iina niya.

"May nga mata sila doon, malalaman nila ang pag-uusapan natin"pauna niyang sabi sa kaibigan.

In his peripheral vision nakita niyang sinulyapan siya ng kaibigan niya na may pagtataka sa mga mata nito. Hindi naman nagtanong pa si Marco at sinunod naman nito ang sinabi niya, nakasunod lang naman ang dalawa niyang kaibigan sa kanila.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now