Chapter 10: Painful Past

Start from the beginning
                                    

"Pwede ba, matulog ka na." sabi ko naman sa kanya. "Hindi ako makatulog eh" sagot niya naman sa kin. Pareho kaming hindi makatulog. Bakit kaya naman? Hindi ako sumagot. Pagkatapos ng sa tingin ko ay 30 seconds,

"Ivo, labas ka naman diyan, sige na"--Ana

"Ana, inaantok na ko, sige na matulog ka na din"--ako

At hindi na siya nagsalita pagkatapos. Nakaupo lang ako sa kama ko. Kasi nga hindi ako makatulog.

That was a very long silence.

"Constant as the stars above

Always know that you are love

And my love shining in you

Will help you make your dream come true

Will help your dream come true"

Kumakanta si Ana. Lullaby yata, and base on what I heard, she is just right there, nakaupo siya at nakasandal sa pintuan ng kwarto ko sa labas. Napatayo ako at lumapit sa pintuan, tsaka ako umupo para makinig sa kanya.

"A lamb lies down and rests its head

On its mothers downy bed

Dove in place in the moonlight's glow

And butterfly dreams of a violet rose

Dreams of a violet rose"

at may narinig akong hikbi. UMIIYAK BA SIYA? Binuksan ko ang pintuan at nakita ko siya na nakasandal sa pader, nakaupo at umiiyak.

"Ana, ok ka lang ba? Sorry ha. Wag ka nang umiyak" pagpapatahan ko sa kanya. Ewan ko ba pero parang nanghihina ako pag nakikita ko siyang malungkot. Ok lang naman sa kin na tinatarayan niya ako, ok lang din na pagtawanan niya ako, eh katawa-tawa naman kasi talaga ako, pero yung ganitong umiiyak siya, parang dinudurog ang puso ko.

Tumingin siya sa akin. Pagkatapos nun ay yumuko siya ulet.

"Halika sa labas, magpahangin tayo" aya ko sa kanya. Tumayo ako at in-offer ko ang kamay ko sa kanya. Inabot niya naman at tumayo na din siya.

Lumabas kami nang magkahinang ang mga kamay namin. Mula sa hagdan, hanggang sa pinto, hanggang sa garden. Umupo kami sa dalawang benches na magkaharap at may concrete table sa pagitan. Tsaka ko siya tiningnan.

"Miss ko na ang mga magulang ko" panimula niya. Yun siguro ang dahilan kung bakit siya umiyak. At ayan na naman ang mga luha na tumulo sa mga mata niya. Gaya ng sabi ko kanina, ayaw na ayaw kong nakikita siyang umiiyak kaya pinunasan ko ang mga luha niya.

Tsaka siya nagsimulang magkwento.

------------------------------------------------------------------------

Ana's POV

"Ma kahit wala na akong handa ok lang" sabi ko kay mom. Magfi-fifteen na kasi ako. "Tsaka niyo na lang po ako handaan ng bongga pag 16 na ako, para sweet sixteen, tsaka magtipid naman kayo. Ok na po s kin yung bibigyan niyo ko ng 500pesos tapos ililibre ko na lang mga frends ko." pagpapaliwanag ka sa kanila.

"Oh honey, ok lang, tsaka aanhin natin ang madaming pera kung hindi din lang magagamit sa iyo." sabi ng mom ko. "Ma, kung anong gusto niya, yun ang ibigay natin, don't worry anak, sa ngayon, gagawin muna natin kung anong gusto mo ha.But when your sixteenth birthday comes, kailangang bongga na talaga." sabi ng dad ko at pinisil pa ang nose ko.

Ngumiti lang ako kay dad, my ever-mabait na dad. "Ma, pa, I love you both. Kaya hndi ako magtatampo kung sakali mang gusto kong simple ang birthday ko. Sa 16th birthday ko na lang kayo bumawi, ok?"

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Where stories live. Discover now