"Nakakapagtaka nga ate kasi sa totoo lang hindi ako pinapalabas ng bahay ni Benj, ayaw na ayaw niya akong mawala sa paningin niya simula noong nagsama kami"sagot ng kapatid niya.

Hindi pa kasal ang kapatid niya, ayaw kasi ng kapatid niya na magpakasal kahit na ilang beses ng nagsasabi si Benj na pakakasalan nito ang kapatid niya. Ang gusto kasi ng kapatid niya ayusin muna ni Malik ang relasyon nila bago ito pumayag na magpakasal.

"Well samin naman ni Carla ayaw kaming magtrabaho ng mga asawa naming, for four years house wife lang kami"ani Kyla.

Napakunot noo naman siya sa naririnig na paliwanag ng mga kaibigan niya.

"Hmm.. ano naman ang say ko sa plano ng mga asawa niyo?"tanong niya sa mga kausap niya.

"Eh diba wala ka pang nakukuha na trabaho, ito nalang ang magiging trabaho mo baks. Magtatayo tayo ng boutique tapos ikaw ang model namin"sagot sa kanya ni Carla.

"Kami na bahala sayo girl"segunda pa ni Kyla.

"Tsaka ate may alam akong condo na pwede niyo munang ioccupy"

Binalingan niya ang kapatid niya.

"Saan naman?, baka naman alam ito ni Benj."

"Hindi, someone I meet a month a go. Kailangan niya ng magbabantay sa condo niya, kasi pupunta daw siya sa ibang bansa. At matatagalan siya doon, kaya pwede kayo dun"paliwanag ni Ana.

Bakit biglaan yata ang lahat ng mga nangyayari sa kanila ngayon. Ang dami naman blessing sa kanila. Magkakatrabaho na siya may tutuluyan pa silang libre.

Pero hindi na muna niya inisip kung nagkataon lang ba ang lahat o kung ano. Ang mahalaga ngayon may pagsisimulan na siya. Para sa mga anak niya din naman ang lahat ng ito.

Kaya naman pumayag na din siya sa gustong mangyari ng mga kaibigan at kapatid niya.

...............................

Mabilis lang nilang nasettle ang lahat ng kailangan ng mga kaibigan niya. kasi naman ginamitan ng koneksyon ng mga asawa ng mga ito para mapabilis ang lahat ng kailangan nila sa boutique nila.

Kaya naman after ng dalawang linggo nag-open na din sila. Hindi siya nagpunta ng opening ng boutique nila kasi nandoon ang mga asawa ng kaibigan niya. Hindi pa siya handang harapin ang mga ito para ipaalam na nandito na sila sa Pilipinas.

Dahil alam niyang kapag nalaman na ng mga ito malalaman na din ni Malik na nandito na sila ng mga anak nila. Natatakot siya sa pwedeng gawin ni Malik, kung kakausapin siya hindi o wala pa din itong pakialam sa kanila kahit na nandito na sila sa Pilipinas.

Na mas nakakatakot para sa kanya ang huling naisip niya.

Nakalipat na din sila ng mga anak niya sa condo na sinasabi ng kapatid niya.

Malaki ang condo na nalipatan niya, mukha nga pamilya ang nakatira ditto noon samantalang dalaga daw ang may ari ng condo na iyon. Pinagamit sa kanila ang lahat ng gamit sa loob ng condo. Nahihiya pa nga siya kasi mukhang bago pa ang mga gamit sa loob at hindi pa nagagamit ang mga ito.

Naging smooth naman ang naging buhay nilang mag-iina sa Pilipinas nakapag-adjust naman sila agad lalo na ang mga anak niya.

Naipasok na niya sa school ang mga anak niya, samantalang ang bunso naman niya ay sinasama niya sa trabaho niya dahil wala pa siyang nahahanap na pwedeng mag-alaga sa anak niya.

Wala pa naman siyang masyadong ginagawa sa trabaho niya, kaya hindi pa siya nahihirapan sa anak niya.

Kagaya ngayon nasa boutique lang siya para lang tumambay. Natapos na kasi niya ang photoshoot niya. Kaya naman tumutulong nalang siya sa pagtitinda ng mga damit.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now