Chapter 12: I'm back!

Magsimula sa umpisa
                                    

Tinaas ko ang kamay niya. To let her know that I’m fine.

"See how pathetic you are, loser!" sigaw ulit ni vanessa.

"Tumigil ka na Vanessa, ano ba?!" awat ulit ni Russell

Huminga ako ng malalim. Pinipigilan ko ang luha ko. Galit na ako. At the same time nasasaktan. Nag ipon ako ng lakas. I composed myself. I smiled at her.

"Look who's talking? Yes, Vince left me for your flirt bestfriend. Pero never kong ginawa yang ginagawa mo ngayon. Never akong naghabol sa kanya. Never akong naghabol sa isang lalaki. I never begged para bumalik siya saken. Now who's being pathetic, loser." kalamado kong sabi pero gigil na gigil ako.

"How dare you...!" susugurin niya ako pero inawat siya ni Russell.

"That's enough!" sumigaw na rin si Russell.

Nagulat kaming tatlo. Seryoso siyang nakatingin saken. I can’t read his thoughts. And I don’t care.  Tumalikod na'ko.

After few steps, lumingon ako.

"One thing, please don't bother me with this kind of shit again. And don't you dare threaten me at hindi ako natatakot sa'yo." pagkasabi nun ay tumalikod ako at nagsimulang maglakad.

Nagbubulungan ang mga tao sa paligid.

"If you think i'm done with you, nagkakamali ka! I'll make sure you'll pay for this. Simula pa lang to!" sigaw nito.

"I said that's enough" galit na rin si Russell. " For Christ sake Vanessa, pinagtitinginan na tayo nga mga tao dito."

" I don't care!" galit na sabi nito.

At hinarap ni Vanessa ant mga usisero’t usisera.

"What’s wrong with you people?!!”

Yun lang ang huli kong narinig. Pumasok na’ko sa cafeteria. Ito ang napala ko sa pagpasok ng maaga.

Umupo ako sa pinakadulong bahagi ng cafe. Sa favorite spot namin ni Jess. Parang pagod na pagod ako. Nilabas ko yung ibang books ko. Naramdaman ko umupo si Jessica sa tapat ko. Tumingin ako sa kanya.

Ngumiti ito. "You're back my friend!"

Ngumiti lang ako. Am I? My old self is back? Mataray at palaban. After Vince left me, hindi naging ganun kadali ang buhay ko dito sa campus. Not to mention na mas miserable ito pag mag isa lang ako sa condo.

"You better watch out." natatawa kong sabi sa kanya.

Maraming tsimis na kumalat. Pinag sawaan na daw ako ni Vince kaya iniwan ako. Pinagpalit daw ako ni Vince sa mas maganda at mas hot. Mas maganda nga ba yung flirt na yun at mas hot. I don't think so.

Di ko na matandaan yung iba pa nilang sinasabi. May mga iba na sadyang pinaparinig talaga nila na ako ang pinag uusapan nila.

Halos dalawang linggo na ganun. Nanahimik ako. Hindi ako lumaban. Wala silang narinig na kahit na ano. Alam ni Jessica ang lahat ng ito. Lagi siyang nasa tabi ko. Kahit bihira ko syang kausapin. Bihira akong magsalita.

One thing I like about her, hindi siya makulit. Never siyang nagpilit na mag open ako. Nirespeto niya ang pananahimik ko. And I was sorry I ignored her. But she never left me. Masaya ako at okay na kami.

Pag may tampuhan kami hindi ito nagtatagal. Minsan di na namin kailangang balikan at pag usapan pa ito. We just talk and laugh about it afterwards.

Oo, kahit papano nagagawa ko nang tumawa, kahit madalas pilit lang ito. Nasasaktan pa rin ako.Hindi naman mawawala ito ng overnight. Alam ko hindi ito magiging madali.

Your Place Or Mine? BOOK VERSION  (PUBLISHED BY VIVA PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon