"Babalik nalang ako agad"pagtataray niya.

Pinagpatuloy niya ang pag-aayos niya at ninadali pa niya para naman makaalis na siya.

"Darling hindi ba talaga pwede"pangungulit pa din ni Marco ng nasa parking lot na sila.

Siya kasi ang magdadala ng kotse dahil siya ang may malaki ang kotse sa kanila ni Carla. Baka kasi madaming dala si Issay.

"Darling naman ang kulit"natatawa na niyang sagot ditto.

Binalingan niya ito at hinalikan niya sa labi ang asawa gayon din ang anak nila na karga karga na nito.

"I'll be back later darling"paalam niya sa asawa.

Hindi na niya hinintay na magreact pa ang asawa niya agad siyang sumakay sa kotse niya at pinandar ang sasakyan.

..........................

Carla's POV

"Ang tagal mo naman"naiinis niyang sita sa kaibigan niya.

Kanina pa kasi siya ini- interrogate ng asawa niya kung saan siya pupunta. Hindi pa naman siya magaling sa pagsisinungaling kaya naman naasar na siya sa kabagalan ng kaibigan niya.

"Hello Girl, good morning"nakangising bati sa kanya ni Kyla ng makasakay na siya sa kotse nito.

"Bakit nga ang tagal mo, kanina pa ako kinukulit ni Jake kung saan ako pupunta. Alam mo naman na hindi ako magaling magsinungaling eh"inis na sita niya muli sa kaibigan niya.

"Eh, kasi naman si Marco ang kulit din. Ayaw akong pakawalan, gusto pang sumama sa akin"sagot naman nito.

Nailing naman na itinuon niya ang mata sa kalsada.

Pagdating talaga sa mga asawa nilang mga OA wala silang kawalang dalawa.

"Asan na daw sila Issay?"tanong sa kanya ni Kyla.

"Nasa airport na siguro ang mga iyon, hindi pa naman siya tumatawag"sagot naman niya.

Kanina pa din siya hindi mapakali sa bahay nila kasi naman excited na siyang makita muli ang kaibigan niya. alam naman niya na kung ano ang nararamdaman niya ganon din ang nararamdaman ni Kyla.

"Ano na kayang itsura ng kambal?" maya maya ay tanong ni Kyla.

"Natural gwapo pa din, maganda at gwapo ang parents"sagot naman niya.

Nagtawanan naman silang dalawa sa naging sagot niya.

"Puro ka talaga kalokohan Girl"saway sa kanya ni Kyla.

"Ako pa, nagsasabi lang ako ng totoo"nakanguso naman na sagot niya.

Natahimik na silang dalawa, kasi bigla niyang narealize ang sinabi niya. nabanggit na naman kasi niya si Malik. Kahit pa nga hindi niya nasabi ng deretso ang pangalan ng binata, nabanggit pa din niya ito.

Nasaktan siya sa nangyari sa lovestory ng kaibigan niya pero wala naman silang magagawa pagdating sa bagay na iyon. Kahit pa nga pinaliwanag na nila noon kay Malik ang nangyari kay Issay nagmatigas pa din ito at hindi na talaga binalikan si Issay sa Paris.

Hanggang sa makarating sila sa airport hindi na sila nagsalita pang dalawa.

Hindi naman sila naghintay ng matagal kasi saktong pagpasok nila sa loob ng airport siyan namang labas nila Issay sa arriving area ng paliparan.

"Mga Bru!!!"sigaw sa kanila ni Issay.

Tumatakbo pa ito na palapit sa kanila.

Shit naman...

My Playboy Boss Onde as histórias ganham vida. Descobre agora