Hanggang ngayon hindi pa din ito nagpaparamdam sa kanilang mag-iina.

"Mommy, when we will meet daddy again?"tanong sa kanya ng anak niya.

Hindi naman niya alam kung ano ang isasagot niya sa anak niya. hindi din kasi niya alam kung makakausap pa ba nila si Malik kung sakali.

Sa isang iglap lang nawala na lahat sa kanya. Sobra siyang nasasaktan sa nangyari sa kanila ni Malik, kung talagang mahal siya nito hindi ito basta basta aalis at iiwan siya sa lahat ng ito.

"Hmm...baby just go to your room and wait me there okay"utos niya sa anak niya.

Naiyak na naman siya ng maalala niya ang lahat nangyari, wala siyang mapaghingahan ng sama ng loob niya. hindi naman niya masabi sa mga anak niya ang lahat ng nangyayari sa kanila. Ang alam lang ng anak niya ay namatay na ang lolo ng mga ito at kailangan ng bumalik sa Pilipinas ng mga kapatid niya at ina.

Pero masyado pang bata ang mga anak niya para sa mga problema nila.

Wala naman na ang mga kaibigan niya sa Paris para may makausap niya.

.........................

"Baks ang payat mo na..."puna sa kanya ni Carla.

Kasalukuyan silang nagvi-video call ng mga kaibigan niya.

"Dami kasing problema"sagot naman niya.

"Bakit naman kasi pinaalis mo kami agad dyan... 'di sana baks may kasama ka pa dyan"sermon sa kanya ni Carla.

Buntong hininga lang ang nasagot niya sa mga kaibigan niya.

"Kamusta ka naman dyan Girl?"nag-aalala namang tanong sa kanya ni Kyla.

"I'm fine, wag kayong mag-alala samin. Okay lang kami ditto."pinilit niya pasayahin ang boses niya para naman hindi na mag-alala pa sa kanya ang mga kaibigan niya.

"You look terrible Issay"ani Carla.

"Hoy, maganda pa din naman ako noh"biro niya.

Hindi naman sumagot ang mga kaibigan niya o tumawa man lang.

"Issay"tawag sa kanya ni Kyla.

"Okay lang ako"nagsisimula ng mabasag ang boses niya.

"Kaya mo yan"ani Carla.

"Oo naman ako pa"at tuluyan na siyang naiyak sa harapan ng laptop niya.

"Issay, gusto mo bang bumalik kami dyan?"nag-aalala na tanong sa kanya ni Kyla.

"No, I'm fine. Kayo na nagsabi kaya ko 'to."sagot niya habang pinupunasan ang kanyang mga luha.

Buti nalang tulog na ang mga anak niya kaya naman hindi siya makikita ng kanyang mga anak na umiiyak.

"You sure"tanong sa kanya ni Kyla.

Tumango lang siya sa mga kaibigan niya.

"Gusto mo kausapin naming si Malik ditto. siya lang makakatulong sayo dyan"bigla naman na sabi ni Kyla.

Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan niya, ni minsan hindi niya naisaip na humingi ng tulong kay Malik. iniwan na nga siya nito, bakit pa siya lalapit sa lalaki para tulungan siya.

Gusto niyang maniwala na nasaktan lang si Malik kaya siya biglang nawala sa kanila. Pero ilang buwan na ba ang nakaraan, dalawa ba o tatlong buwan na.

Ang tagal nan g lumipas na mga araw at natitiis sila ni Malik na hindi man lang siya nakakausap nito.

"No, ayoko... siya ang umalis na hindi man lang kinuha ang side ko para ipaliwanag ang nangyari. Iniwan na niya kami, kaya wala na kaming koneksyon pa ni Malik"matigas na sagot niya sa kaibigan.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now