"Ay hindi, ok lang, wag mo isipin 'yun." Mabilis na turan ko, napakagat pa ako sa labi ko. Ayoko ding sisihin nya sarili nya, choice ko na tumulong at gaya ng sabi ko, hindi ako nagsisisi na ginawa ko 'yun.


"And i'm here to help you."


"Help me, saan?" Medyo groggy usapan namin eh.


"You said na hindi ka nakapag exam sa university na 'yun right? So i'll offer na sa university na lang namin ka mag enroll."

"Anong university ka ba? Abot pa ba ako sa pag inquire?" Mabilis na tanong ko.


"Actually our university is now close para sa mga mag iinquire but that's not a problem at all." Prente nyang saad


"Talaga? Wait saang university ka ulit?" Balik tanong ko

Salamat, mukhang may pag asa pa ako. Pero naalala ko na mayaman nga pala itong si Irish. Malamang eh sa mamahaling university ito nag aaral. Paktay!


"I'm from SWU." Biglang sambit nya na ikinatigil ko, sya ding bilis mawala nang mumunti kong pag asa.


"Hala ang mahal don eh para lang sa mayayaman 'yun. Wala nga don kahit scholarship."


"Kaya nga i'll help you saka nakwento ko na kela mom and dad 'yung pag tulong mo sakin." Confident nyang sabi



"May scholarship na ba don?" Usisa ko


"Wala but we owned that school and you don't need to worry."

Napaawang pa ng bahagya ang bibig ko.

"A-anak ka nang may ari ng SWU?" Di makapaniwalang sabi ko, nanlaki din 'yata ng sobra mga mata ko.

"Yep." Simpleng sabi lang niya

Ang alam ko lang kasi mga West ang may ari ng school nayun. At hindi ko lubus akalain na isang West pala tong si Irish. Ang pamilya West ay kilala dito sa Pilipinas dahil sa mga negosyo nila, kung hindi ako nag kakamali pati sa ibang bansa may mga business din ang family nila. Nakikita ko kasi sa mga business magazines kela April.


"I cant believe this." Napa english na lang tuloy ako


"Then you better believe it." Natatawa niyang sagot "So lets get back to the main topic. I can help you. May papupuntahin ako sa inyo bukas para asikasuhin lahat ng kailangan para ma enroll ka, and you must prepare all the needed papers para madali na ma process."

"Pero sobra naman ata 'yun Irish?" Nag aalangang sabi ko

"Nope. And another 'yun talaga ang pinunta ko sa inyo i o-offer ko na sa SWU ka mag aaral, di rin naman ako papayag if tumanggi ka eh."


"Ha?" Maang ko ulit


"Pang ilang ha mo na yan."

Dumating na 'yung order naming food kaya natigil muna kami sa pag-uusap at kumain na muna. Pag katapos namin kumain ay nag usap lang kami ng ilanh minuto pa at pagkatapos ay inihatid nya na rin ako sa bahay.


At as expected nakaabang na si Cee the investigator pag pasok ko pa lang sa babay.

"Sino yun?" Intrada agad ni kapatid

"Feeling detective ang peg? Sandali pwede time first?"

"Oh pa, pa may sasabihin daw si Ate!" Sigaw nya dahil sa malamang eh nag iintay lang silang lahat na may ikuwento ako. Si papa nga nandon pa sa balkonahe na dapay ay nasa talyer nya na sya.

Alexa West a.k.a SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon