Ashley Zoe Silver

64 13 13
                                    

"Zoe! Bilisan mo na jan!"
Tumango ako at humarap sa kanya.

"Bilisan ko daw?" I smirked.

"Any last words... Mr.Traitor?"

"Hindi ako traydor! Nagkakamali kayo ng akala----"

"Too late to say that" nginitian ko sya, ngiting nakakapantig balahibo. Tinutok ko sa leeg nya ang kutsilyong hawak ko, My Lucky Knife.

"Please! Maawa kayo! May mga pangarap pa akong tutuparin!"

"Maawa?! Ikaw ba?! Hindi ka ba naawa sa mamamayan sa panlolokong ginagawa mo?! Ha?!"

"Patawad! patawarin nyo k---"
Bago nya pa matapos ang sinasabi nya ay hiniwa ko na ng malalim ang kanyang leeg.

"Nice one, Zoe." Sabi ni Anika.
Si Anika, ang lagi kong kasama tuwing gagawin namin ito.

"Thanks, Anika."

Napalingon kami sa pinto ng may kumatok, pero hindi ito pumasok sa kwarto na kinaroroonan namin.

"Mr.Lee? Nanjan po ba kayo? May naghahanap po sa inyo."

"Zoe, tara na. Baka maabutan pa nila tayo." bulong niya. Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

Kung saan kami pumasok, doon din kami lalabas. Saan ba kami lumabas? Sa bintana.
Agad kaming lumusot sa bintana at tumalon.

"Tara na Anika, baka may makakita pa sa atin." Tumango nalang sya at sabay na kaming naglakad pauwi.

That's our job. This is how we earn money. We kill.
We're------

ASSASINS.

---------

BALITA: 
GOVERNOR LEE , KASALUKUYANG NATAGPUANG PATAY SA KANYANG KWARTO. AYON KAY DETECTIVE TAN, HINIWA DAW NG KILLER ANG LEEG NITO.WALA RIN DAW SILANG MAHANAP NA KUNG ANONG EBIDENSYA NA KUNG SINO ANG PUMATAY, WALA RING TRACES DITO NA PWEDENG MAGING LEAD SA KUNG SINO MAN ANG PUMATAY RITO.

Nagising nalang ako sa sinag ng araw. Teka, anong oras na ba? Tumingin ako sa orasan at laking gulat ko sa nakita ko. 7:30 na?! Gosh. Gano ba ko katagal matulog? Aish! Whatever. Gagayak na nga lang ako.

Pagkatapos kong gumayak ay agad na akong bumaba. Nang makababa ako ay bumungad sakin si Mommy.

"Oh Zoe! Late ka atang nagising? Masyado ka bang napuyat?" Tanong nya.

"Opo eh, si Lennie po?"

"Nauna na sya anak, late na daw kasi siya eh."

"Ah ganun po ba? Sige Ma, una na po ako."

"Sige anak, ingat sa pagdadrive! Mag dala ka ng tinapay oh, para naman may laman yung tiyan mo" inabot nya sa akin ang tinapay. Chicken Sandwich.

Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa garahe. Binuksan ko iyon at tumambad sakin ang aking Scooter, iyon ang aking pag pupunta ng School. Sumakay na ako at pinaandar iyon.

--------

Kakatapos lang ng third period namin, breaktime na. Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na. Nakasalubong ko sina Anika at Cheska.

"Hey Zoe! Tara na sa Canteen." Sabi ni Anika. Tumango nalang ako at sumabay na sa kanila. Hindi kami magkaka-classmate, first section ako tapos sila second section.

Habang palalapit kami sa pinto ng Canteen ay lalong lumalakas ang ingay. Madami sigurong tao ngayon sa Canteen. Pumasok na kami at naghanap agad ng mauupuan.
Medyo natagalan kaming maghanap kasi madaming tao dito, papaunti naman na ito.

"Ako na ang bibili" presenta ni Anika.

"Hotdog, Fries and Coke akin!" Sabi ni Cheska.

Juice nalang akin, may sandwich akong dala eh."
Tumango nalang si Cheska at pumunta na ng counter.

"How's your first to third period?" Tanong ko kay Cheska.

"Hay nako! Tinanong mo pa! Nakakaistress, lalo na't may Terror Teacher pa kami. Ikaw ba? Kamusta yong' first to third period mo?"

"Okay lang din, the same attitude I used to be in class. I don't care what they're doing, I mind my own business." pagtataray ko.

"Ahh, good! Kami lang ang bestfriend mo, okay?!" Napangiti nalang ako sa sinabi niya, kahit kailan talaga possessive.

"Eto na ang pagkain niyo!" Sabi ni Anika na kakarating lang. Agad kinuha ni Anika ang pagkain nya at kumain agad.

"Hoy Cheska! Dahan dahan lang sa pagkain! Mamaya ma-bulunan ka niyan! " Sabi ni Anika.
Tumingin sakanya si Cheska at tinaasan ng kilay, agad naman itong bumalik sa pagkain.

"Hayaan mo nalang siya, Anika! Alam mo namang matakaw yan eh, Maupo ka na lang at kumain." tumango naman si Anika at umupo.

After ten minutes ay natapos na kaming kumain, tatayo na sana kami ng biglang may nagsalita sa speaker.

"Ms. Ashley Zoe Silver, you're being summoned in the Principal's Office"
Nagkatinginan kami nila Anika sa gulat.

"Ano nanaman ginawa mong bata ka ha?!" Sigaw ni Cheska.

"Hoy! Wala akong ginagawa noh! Porque pinatawag lang sa Principal's Office may ginawa na agad na masama?" Aish! Yan ang problema sa kanila eh, Overacting. Di bale, di ko naman sila masisisi mahal lang talaga nila ako. Choss!

"Hahaha! Oo na, jinojoke ka lang naman. Oh dali na! Punta na don" inirapan ko nalang siya at naglakad na patungong Principal's Office.

Nakaharap na ako sa pintuan. Huminga ako ng malalim at nilabas ito.

"Kaya mo yan Zoe, kakausapin ka lang naman, there's nothing wrong with that." sabi ko sa sarili ko.

Walang alinlangan ay pumasok na ako sa loob. Dahan dahan kong sinara ang pinto at onti-onting humarap sa Principal.

"You summon me, Mrs Zaragosa?"

"Yes Ms.Silver, please have a seat."
Sinunod ko sya at umupo sa upuan malapit sa table nya.

"Ano po ba ang pag uusapan natin, Madame?" I asked.

" You see, Ms.Silver. Mayroon tayong program na gaganapin this Wednesday."

"What program is it Madame?"

"Exchanging Student, We do this every year. Since Stonewall Academy is the only Elite school here in Evergreen our school was chosen for this special program. The Evergreen School for Royal's picked our school for this program. The chosen student will stay there for six months. Ang napiling estudyante ay kailangang magpakitang gilas sa mga estudyante doon. We have to show them that we're rightfully to be the elite here in Evergreen."

"Masaya po ako dahil napili ang ating iskwelahan sa espesyal na programang ito, nakakaproud po. Pero.. bakit nyo po ako pinatawag?" Tumingin siya sakin bago magsalita.

"You....




You're the chosen student for this program."

Royals and Rebels #YourChoice2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon