Niyakap pa niya ang kanang braso nito para lambingin ito.

"Correction honey, you're my fiancé not just my girlfriend"pagtatama naman ni Malik sa nasabi niya.

Napahagikgik naman siya sa pagtatama sa kanya ni Malik. hanggang ngayon kasi hindi pa din siya makapaniwala na fiancé na siya ni Malik. na naghihintay na lang sila na matapos ang contract niya sa Elena's Secret para makapagpakasal na sila.

"Sorry honey"lambing niya ditto.

"Still, ayoko pa din na nagpapakita ka ng katawan sa iba"madiin pa din tangi nito sa trabaho niya.

"Malik naman eh, can you just support me in this, after one year I'm all your na. isa pa hindi na ako kukuha ng runway project after this, basta payagan mo na ako ngayon. Matagal ng nakaschedule sakin ang trabaho na ito, hindi na ako pwedeng umatras kasi mamayang gabi na ito. please understand me naman oh"pagsusumamo niya.

Tigas pa din ang pagtangi ni Malik sa kanya kahit pa nakarating na sila sa studio kung saan gaganapin ang fashion show mamayang gabi.

Pinagbigyan naman siya ni Malik na makisali sa practice pero alam niyang may iba pang balak itong gawin kaya ito pumayag.

"Mommy"tawa sa kanya ng mga anak niya ng dumating ang mga ito. hindi niya malapitan ang mga ito kasi naman kasalukuyan siyang nasa stage.

Nakita niya ang mga anak niya na nakatabi na kay Malik at nagkukwentuhan ang mga ito.

Gusto na niyang matapos na ang ginagawa niya gusto na niyang mayakap ang mga anak niya. namiss na niya ang mga ito kasi naman kung hindi sanay ang mga anak niya na malayo sa kanya ganoon din siya sa mga anak niya.

"Okay, wrap it up... rest a bit and be ready for tonight"palakpak pa ng director nila.

Agad niyang naglakad palapit sa mag-aama niya.

"Mommy!!"tawag sa kanya ng mga anak.

Sinalubong niya ang mga ito ng yakap at halik. Sobrang namiss na niya ang mga ito samantalang isang gabi lang naman niyang hindi nakasama ang mga ito.

"How's my babies?"tanong niya sa mga ito.

Naupo na siya sa tabi ni Malik, kinandung niya si Duke samantalang si King naman ay kay Malik kumamdong.

"Were fine mom, how about you and daddy?"balik tanong sa kanya ni Duke.

"I missed you so much baby"naglalambing niyang niyakap ang anak niya.

Humagikgik lang ang mga anak niya sa pinakita niya.

"you didn't missed mommy?"naghimig nagtatampo naman siya sa mga anak niya.

"We miss you mommy, but we are big boys. Daddy told us that we need to be independent from you mommy so that we can have a baby sister"paliwanag ni King.

Pinaglakihan niya ng mata si Malik. kung anu-ano ang mga tinuturo nito sa mga anak nila.

"Malik, kung anu-ano tinuturo mo sa mga bata"saway niya kay Malik.

Tumatawa lang naman ito sa kanya.

"Come on, lets eat. For sure gutom na ang mga anak natin"pag-aaya sa kanya nila ni Malik.

Hindi naman sila lumayo kasi kailangan na din niyang mag-ayos para sa kanilang fashion show mamayang gabi.

"I love this"wika ni Malik matapos silang kumain na apat.

"Huh?"nagtataka naman niyang tanong. Bigla bigla kasi itong nagsalita, samantalang tahimik lang ang mga anak nila maski naman siya ay hindi nagsasalita.

My Playboy Boss Where stories live. Discover now